Special Chapter

359 18 8
                                    


The Art Fair

"Hindi ka pa aalis?" tanong sa akin ni Lu nang makita niya ako sa may dining room. Agad naman akong napatigil sa pagkain ko at napalingon sa kanya.

"Hindi pa," sagot ko sa kanya. Napakunot naman ang noo niya bago umupo sa may upuan sa tapat ko at kumuha ng tinapay.

"Hindi ba ngayong araw ang art fair na pupuntahan niyo?" tanong niya sa akin habang pinapalamanan iyong tinapay. Napatango naman ako sa kanya.

"Yup," sagot ko.

"Then why are your still here?" tanong niya pabalik at napabuntong-hininga naman ako.

"Natraffic siguro sila Chance," sagot ko. Ang usapan kasi namin ay iisang kotse na lang ang gagamitin namin dahil bukod sa maraming Arki students ang sumama for this year's Art Fair, paniguradong mapupuno agad iyong dalawang bus na kinuha ng University, ay nagpasya na kami na magsama-sama. Pumayag din naman si Sir Salvador sa plano namin and besides, hindi lang naman kami ang nakaisip nang ganoon.

"Anong oras ba kayo kailangan nandoon sa Art Fair?"

"Wala namang sinabi, basta makapunta kami doon at makapagparegister. Baka gusto mong sumama?" alok ko sa kanya dahil sa alam kong wala naman siyang gagawin. It's Saturday, wala siyang klase.

"Nah... I'll pass," sagot niya. "And besides, mas nanaisin ko pang manuod ng KDrama dito sa bahay kesa ang tumanaw ng mga paintings."

"Your loss, malay mo may pumunta doong artista."

"Naku Jeo! Kung sina Park Seo-Jeon, Nam Joo-Hyuk, Ji Chang-Wook, or si Taehyun ang pupunta, baka kagabi pa lang nandoon na ako."

Napapailing na lang ako sa kanya. Kaya minsan talaga naaawa na lang ako sa mga lalakeng gustong mangligaw sa kanya. Pakiramdam ko sa kakanuod niya ng KDrama, tumataas na rin ang standards niya pagdating sa mga lalake. Pero kung sabagay, mas panatag na ako na walang nagpapainit ng ulo ng kapatid ko bukod sa akin.

Tsaka kailangan munang dumaan sa akin bago ako pumayag na maging boyfriend ng kapatid ko.

Magsasalita pa sana ako ng biglang tumunog iyong doorbell ng bahay namin.

"Ako na po Manang." Nakangiting sabi ko nang makita ko si Manang na lumabas ng kusina. Agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko at pumunta sa may pinto ng bahay namin.

Bahagya ko namang inayos ang sarili ko at ngumiti bago binuksan iyong pinto.

"Hi Jeo!" bungad sa akin ni Leah at agad namang nawala iyong ngiti sa labi ko. Natawa naman itong si Leah. "Sorry dear, looks like hindi ako ang inaasahan mo pero huwag kang mag-alala, makikita mo rin naman si Chance, may inaasikaso lang sa kotse."

"Nasundo niyo na ba lahat?" tanong ko at napailing naman siya sa akin.

"Wala pa sila Justin at Lukas, Chance decided na ikaw na lang muna ang sunduin since mas malapit ang place mo sa place ni Jessica."

"Kukunin ko na lang muna ang gamit ko then pwede na tayong umalis," sabi ko sa kanya bago muling pumasok sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto ko para kumuha ng jacket pati na rin ng ilang art materials.

"Enjoy!" sigaw ni Lu sa akin pagkababa ko sa may hagdan kaya naman napaharap ako sa may dining room.

"Text me if you need anything," sabi ko naman sa kanya bago tuluyang lumabas ng bahay. "Let's go," sabi ko kay Leah.

Pagdating namin sa may kotse ay nakita ko agad si Chance sa may likuran ng XPander niya, agad ko naman siyang pinuntahan doon para sana sopresahin pero mukhang napansin niya ako dahil sinara niya agad iyong likuran ng kotse.

Beyond Lifetimes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon