Chapter 5

1.8K 36 2
                                    

Ahhh!! ang tanga tanga ko talaga! Napapadyak naman ako. Shit talaga. Hindi nako virgin! ano nalang ang sasabihin ko kay nanay na nag pakingking ako! sigurado itatakwil ako ni nanay nito! Kasalanan lahat to ni Lennox.

Napatingin naman ako kay tita Jolly. Nakatulog ito sa lamesa. Medyo wala ng tao dito sa bar. Baka hinintay nya ako at mag damag sya dito.

"Tita." tawag ko dito. Hindi ko pinahalata na masakit yung ano ko. Dahan ahan naman itong nag mulat. Napatingin sya saakin.

"Hoy gaga kang bata ka! kung saan saan kita hinanap. Saan kaba nag punta? lagot tayo ngayun sa nanay mo," napalunok naman ako. Hindi naman talaga ako marunong mag sinungaling. Pero ngayun mukhang makakapag sinungaling ako.

"Ahh ka-kasi nakatulog ako tita." napingiwi naman ako sa sinabi ko. Tinaasan naman nya ako ng kilay.

"Talaga? nakatulog ka sa kama ng lalaki." nang laki naman ang mata ko.

"Huh? h-hindi tita." pag tanggi ko.

"Aysos! patay ka talaga sa nanay mo. wag kang mag sinungaling Sassy. Kilang kilala kita. Mula talampakan hanggang ulo mo." naluluha naman akong tumingin sakanya. Kailangan kong mag drama. Baka isumbong nya ako kay nanay. Wala akong choice kung di sabihin kay tita. Nag peke naman ako ng luha. Nako magaling ako dito best actress kaya ako.

"Tita kasi....hindi ko po talaga–ay ang hirap po i explain. Ganito po kasi yun. Yung may ari po ng bar naito si Lennox. May ginawa po kasi akong masama sakanya. Tapos nalaman nya po na ako ang gumawa non. Dahil sa kaba kopo nag lasing po ako. Kaya ayun po may nangyari saamin. Hindi konaman po talaga sinasadya. Titia promis!" tulong luhang sabi ko. Natulala naman sya ilang sandali lang.

"Aray!" sigaw ko ng batukan nya ako.

"Wow! Sassy ang taas ng pangarap mo si daddy boss patalaga. Ok nasana yung mayaman na kalbo diyan ehh." napangiwi naman ako sa sinabi nya. Kainis nag drama paako hindi man lang maniwala.

"Totoo po tita hindi po ako nag sisinungaling. Syaka hindi po ako marunong mag sinungaling!"

"Diyos ko ka daii! ano nalang ang sasabihin ko sa nanay mong impakta! alam mo naman na over protected yung nanay nyo sainyong mag kakapatid. Diyos ko nag pakekeng ka patalaga! buti sana kong ako nalang yun!"

"Oo nga—ano?" kaagad na sabi ko. Napasapo paito sa noo nya.

"Oo Sassy. Mapag tatakpan kopa yag nagyari sainyo...pero paano kung bumilog ka ede syugi ka. Pati na ako!" napakonot noo naman ako.

"Anong bumilog?"

"Ayy iwan ko sayo aber!! buntis Sassy. Paano kung mabuntis ka!" nanlumo naman ako sa sinabi nya.

"Hindi naman siguro tita. S—syaka isang gabi lang naman may nangyari saamin."

"Isang gabi nga. Pero mag damag naman!" pinamulahan naman ako sa sinabi ni tita.

****

Nang makarating kami sa bahay. Agad na sumalubong ang galit na mukha ni nanay.

"Nay...." kinakbahang sabi ko. Napataas kilay naman ito na anapamewang.

"At bakit ngayun lang kayo aber?!" sigaw nya saamin. Halos umuusok na ang tainga nya sa galit. Napalunok naman ako. Tepekal na nanay talaga yung naka sout ng mahabang damit. Habang ang sama ng tingin saakin.

"Kasi...nay.." hindi ko magawang dugtungan ang sinabi ko.

"Hay nako Anastasha, ito kasing si Sassy. Sinabing tumigil na sakakasayaw. Ayaw tumigil para doble raw ang kita. Kaya ayun dahil sa pagod nakatulog. Buti nalang at mabait ang manager namin pinatulog na muna sya sa bakanting room doon." para naman akong nabunutan ng tinik dahil sa sinabi ni tita Jolly akala ko talaga buking nanaman ako.

Tinignan naman ako ni nanay mula ulo hanggang paa mukhang naniwala naman ito.

"Sa susunod Sassy. Wag mong abusuhin ang katawan mo. O sya sege kumain na muna kayo." napabuntong hininga naman ako. Inabuso na nga nya— ay anoba tong sinasabi ko.

Pumonta na muna ako sa kwarto ko at naligo. At nag bihis kahit na masakit yung ano ko. Hindi ko pwedeng ipahalata kay nanay.

Ano ba kasi tong pinasok kong gulo. Wag lang sana tong mag bunga gaya ng sinabi ni ni tita Jolly. Wala talaga akong mukhang ihaharap kay nanay.

Hindi nanamin naabutan sila Cony at Keisha dahil pumasok na ito. Kaya kami nalang ni Tita ang kumain.

Sinipa pa ako nito sa paa sa ilalam ng misa. Kaya napangiwi ako.

"Bakit tita?" pabulong na sabi ko.

Pinandilatan nya ako nito.

"Hai nako masarap Anastasia ang tahong na ito!" sigaw ni tita kaya napangiwi ulit ako. Sigurado may pinapakinggan ito!

"Haii nako Jolly ako ang nag luto niyan kaya masarap." sigaw ni nanay nanonood kasi ito ng paborito niyang serye.

"Oo nga ikaw Sassy masarap ba?" napaubo naman ako sa sinabi ni tita.

"Ahh—oo." nasabi ko nalang.

****

Tatlong araw narin simula ng mangyari yung masarap—este yung malas na nangyari saakin. Tatlong araw rin akong hindi pumasok dahil ayaw kong makita ang ulupong nayon. Hindi ko alam kong paano ako haharap sakanya. Dahil kapag nakita ko sya maalala kolang ang lahat na nangyari saamin.

Wala si nanay dito pumasok sa sa trabaho doon sa side line nya. Buti nalang hindi nag taka si nany kung bakit hindi ako pumasok nag tanong lang sya sinabi ko nalang na wala yung manager ko.

Pupunta rin ako ngayun sa palengke para bumili ng ulam namin.

Kaya nag bihis ako ng pantalon at t-shirt.

Ni lock ko namuna ang pinto bago umalis. Mamaya pa kasi ang uwian ng dalawa.

"Ohh Is that you Sassy?" ito nanaman po ang mga impukreta! Na inggit sa beauty ko.

"Bakit hindi? is that you too Beca?"

Hinawi naman nya ng buhok nya naparang gandang ganda sa sarili.

"Ohh by the way. Mukha ka talagang manang manamit. You dont look like us you know," si Cece.

"Yahh so eww, oo nga pala sasali kami sa pageant dito sa baranggay." napairap naman ako.

"Ohh will the representative Beca Becaca." natatawang sabi ko. Bagay nga sakanila yung apilido nila.

"Umalis nga kayo sa harapan ko dadaan ako." nakainit kasi sila ng ulo. Kala mo nan sinong maganda.

"Syaka hindi bagay sainyo sumali sa mga beauty beauty pageant nayan. Dahil ang babantot ng apilyido ninyo." sumama naman ang mukha nila.

Hind ko nalang sila pinansin at umalis nalang.

Nang makauwi ako kaagad akong nag luto darating narin kasi sila mamaya lang.

Nang matapos akong nag luto. Kaagad akong naligo.

"Ate!!" kaagad naman akong bumaba ng marinig ko ang sigaw nila Keisha.

"Bakit ba?" tanong ko dito humahangos paitong nakatingin saakin.

"Si—ate Query raw na aksedente!" nagulantang naman ako sa sinabi nya

"Sinong nag sabi sayo? totoo bayon?" tanong ko dito.

"Totoo ate. Kalat nga yun sa skwelahan ehh." ani ni Keisha. Napatango naman ako.

"Alam moba kung saan sya dinala kung anong pangalan ng hospital?" umiling naman ito kaya nang lumo ako. Dibali tatawagan ko nalang sya. Manghihiram ako ng cellphone. Sana ayos lang yung gagang yon.

MR. Billionaire got me pregnantWhere stories live. Discover now