Unexpected Kiss

344 9 2
                                    

Since highschool, hindi ko maitatanggi ang paghanga ko sa aking dating kaklase. Hindi naman yun lingid sa ibang kaklase namin o kahit sa kanya.

Pag may mga bonding moments ang barkada, nagkakataon na lagi kaming present. Birthdays, kasal, o kahit simpleng pagkikita lang.

Syempre, hindi mawawala ang mga nakakalasing na inuman sa bawat pagkikita. Bida sina empi lights, red horse, gin bilog, sanmigs lights at the bar.

Naalala ko pa, na nagkaroon ako ng isang masaya at magandang alaala sa isa sa mga araw na nagkaroon ng bonding time ang barkada.

Mahigit 4 oras na kaming magkakasama ng barkada. Ilang bote na rin yata ng empi lights ang nainom namin. Sumuko na nga ako sa ikatlong bote. Pero ang aking mga kasabayan ay nagpatuloy.

Naroon ang tawanan, tuksuan at minsan ay naghahamunan na gawin ang isang bagay. Parang "dare game". Mahahalata mo na sa mga kilos, pananalita at takbo ng usapan na talagang nilalamon na ng esperito ng alak ang ibang naroon.

Saglit kong ipinikit ang aking mga mata. Nakakaramdam na ako ng hilo. Umeepekto na ang nainom ko sa aking katawan. Naririnig ko ang ingay ng mga nasa paligid ko. Pamilyar ang mga boses pero binabalewala ko lamang.

Naramdaman ko ang pagtabi ng kung sinuman sa kinaroroonan ko. Nanatili pa ring nakapikit ang mga mata ko.

Nang ididilat ko na ang mga mata ko, isang mariing dampi ng labi sa labi ko ang sumalubong sa akin. Natigilan ako. Nang idilat ko ng buo ang paningin ko, si crush, si dating classmate, si tropa ang gumawa ng bagay na yun sa akin.

May kasama pang kindat. Narinig ko ang tawanan at tukso sa akin ng mga taong nasa paligid namin.

"Akong lasa? Masarap ba?". Ang naririnig ko. Nakaramdam ako ng pamumula sa mukha ko. Nakaramdam ako ng pagkapahiya. Pero aaminin ko, nabigla ako at ng mga sync in na sa isip ko ang nangyari, kinilig ako.

Parang wala lang iyun sa aking tropa. "Dare" lang naman kasi yun. Katuwaan lang. Pero para sa akin, isa iyung magandang pangyayari at magiging pinakamaligayang alaala ng buhay ko.

Ang oras ay tumatakbo. Malapit na ring maubos ang iniinom naming alkohol. Ang iba sa amin ay nakatulog na. Yung iba ay sumuko na rin at umiiwas na abutin ang inaabot na inumin.

Nagpasya na ang ilan sa amin na umuwi. Ako man ay desidido na rin na sumabay. Pero nakiusap ako na mauuna na ako.

Si crush. Nag alok na isasabay na niya ako sa dala niyang motor. Naisip ko na masosolo ko siya ng ilang minuto sa byahe. Magagawa kong maidampi ang katawan ko sa likuran niya. Magagawa kong kumapit sa balikat niya o yumakap ng mahigpit sa bewang o dibdib niya. Nakakakilig na eksena.

Ganun nga ang nangyari. Pero hindi ang iba. Kahit paano ay nagawa ko naman maamoy ang pabango niya sa leeg at batok niya. Para akong nasa langit habang nakaangkas sa likod ng motor niya. Sobrang saya ko sa mga oras na yun.

Nang matanaw ko na ang aming bakuran, nagbiro ako sa kanya na baka gusto niya na umikot muna kami. Pinagtawanan niya lang ang sinabi ko.

Niyaya ko siyang magkape sa loob ng bahay namin. Matagal lang siyang nakatitig sa akin. At ngumiti.

Habang hinahatid ko siya ng tanaw, yung kilig ko ay naroon pa rin.

--end--

Please...

Add.
Follow.
Vote.

Salamat :)

Unexpected KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon