Joke lang (one-shot story)

74 6 0
                                    

Copyrights © SophieAnneMariexx February 4, 2015

-

Joke lang.


Yan ang madalas mong sabihin sakin pagkatapos mong sabihin na mahal mo ako. Halos araw-araw kong naririnig yan mula sayo.


Gaya na lang ngayon, tinawag ka ni Ms. Beth para mag solve ng problem. At bigla mo na lang sinabing 'Sam mahal kita.' As usual, kinilig na naman ang mga kaklase natin. Pagkatapos ay bigla mo na namang sinabing 'Syempre Joke lang yun. Kayo naman, di na nasanay' At bigla ka na lang tumawa. Pero ako, heto at walang imik.


Alam mo bang nakakainis na?! Bakit kailangan mo pang sabihin na mahal mo ako kung dadagdagan mo lang din naman pala ng 'Joke lang'?! Hindi mo ba nahahalata na nasasaktan ako? Kasi simula first year, nung makita kita sa gate kasama ang friends mo, nagustuhan na agad kita. Ang simple mo lang nun, pala ngiti ka at friendly pa.


Hindi mo ba ramdam?! Nakakainis na. Nakakasawa. Palagi na lang ganito. Hindi na nga kita pinapansin kasi mas nahuhulog ako sa'yo tapos, heto ka at kukulitin ako. Ang manhid mo. Kung sabagay, sino nga naman ako para sa'yo? Eh ikaw lang naman si James Andrade. Ang team captain ng basketball team.


Naaalala mo pa ba yung unang beses mo kong sabihan ng 'mahal kita' kinilig ako nun. Kasama ko ang best friend ko no'n na si Carmen, kinilig din sya kasi alam nyang may gusto ako sa'yo. Matagal na. Kaya lang bigla mong dinagdagan ng 'joke lang' at nagtawanan kayo ng barkada mo. 3rd high school tayo nun. Hindi mo ba alam na birthday ko nung araw na yun? Pagkauwi ko sa amin, hindi ko nagawang kausapin ang mga bisita namin dahil nagkulong ako sa kwarto ko at doon nag-iiiyak. Hinayaan ako nun nila mommy kasi kinukwento kita sa kanila.


Kinabukasan, pagpasok ko, napansin mo agad ang pamamaga ng mata ko. Hindi kita pinansin dahil ang sama ng loob ko sa'yo nun. Hanggang sa dumating ang teacher natin, kinukulit mo pa rin ako. Seatmate kita. O ikaw lang talaga nagpauso na seatmate kunyari kita? Ang alam ko kasi si Raymond seatmate ko at hindi ikaw.


As i was saying, napagalitan tayo ni Ms. Beth dahil sa kaingayan mo. Pero di ka talaga tumigil sa pangungulit kaya tuloy napalabas tayo sa room. Alam mo bang hiyang hiya ako nun? Kasi first time kong mapalabas ng room, at may hawak pa tayong tig-isang 1/8 illustration board at may nakasulat na 'Maingay ako kaya dapat lang na nasa labas ako'.


Back to reality, 4th year na tayo at isang buwan na lang ay gagraduate na.


Naglalakad ako sa corridor ng bigla mo na lang akong tinawag.


"Sam!" nilingon naman agad kita. Tumatakbo ka papalapit sa akin.


Dug. dug


Ang gwapo mo kahit messy ang hair mo dahil sa pagtakbo. Hinihingal ka pa ng tumigil ka sa tapat ko. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung bakit mo ako tinawag.


"Bakit?" yan lang ang naitanong ko sayo. "Ano kasi, pwede ka bang maging partner sa project natin sa Physics? Wala kasi akong mahanap na partner. At isa pa, kumportable ako sa'yo." Hindi ko alam ang isasagot sa tanong mo. Balak ko kasing mag-solo na lang dahil may partner na si Carmen at pwede rin naman daw na mag-solo na lang. Pero kahit ganoon ay pumayag parin ako sa alok mo. Unang beses kasing magiging mag-partner tayo para sa project. Ngumiti ako at sinabing "Sige. Saan at kelan tayo gagawa ng project? 1st week of march ang submission diba? Ibigsabihin isang linggo na lang ang meron tayo para sa project." Naisip ko kasing pag sa amin tayo gumawa ay baka bigla na lang madulas si mommy. At masabing crush kita.

Joke lang (one-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon