“Whhaaaaaaat? Si Seth? You mean si Seth na old flame niya?” ang di makapaniwala na sabat ni Lucas kay Rauke habang nag-uusap silang tatlo na magkakaibigan at nakaupo sa wooden fence na kulungan ng mga baka sa loob ng rancho.
“Langya naman yan Lucas! Ha ha, napaka-exaggerated naman neto” ang sabat naman ni Carlos sa kaibigan nilang si Lucas na nagulat sa sinabi ni Rauke tungkol sa mapapangasawa ng kapatid na si Gabriella na abala na sa pag-aasikasa sa mga alaga nilang baka at abala na ito sa kanilang harapan.
“Kaya nga, napaka netong lalaki na ito,” ang umiiling na sabat naman ni Rauke sa kaibigan at nakahilera silang tatlo ng upo sa kahoy na bakuran.
“Eh, paano pa ako kay Gabriella kung yung dating boyfriend niya ang mapapangasawa nito?” ang giit ni Lucas sa kanila.
“Sinasabi ko na nga ba, iba ang tingin mo sa kapatid ko eh, langya na ito, bantay salakay ka rin eh,” ang kunwaring galit na sabat ni Rauke sa kaibigan.
“Di ba halata? Gusto na ngang akyatin niyan ang bintana ni Gab eh,” ang natatawang sabat naman ni Carlos sa kanya.
“Subukan mo, hindi ako ang sasapak sa iyo ha ha ha” ang natatawang sagot ni Rauke.
“Sino si Alaric?” ang tanong ni Lucas dito na tinaasan pa ng kilay ang kaibigan.
“Hindi, si Gab, lakas sumuntok niyan kala mo ba,” ang sagot ni Rauke sa kaibigan.
“Naku, kapag natikman ni Gabriella ang mga yakap ko lalambot iyan,” ang sabat ni Lucas.
“Subukan mo Lucas, kapag ayaw ng kapatid ko at sumigaw iyan kami ni Alaric ang bubugbog sa iyo,” ang banta ni Rauke sa kaibigan nito.
“Sama mo ako, gusto ko na rin makasapak kay Lucas,” ang sabat naman ni Carlos.
“Bakit may gusto ka rin kay Gabriella? Magtigil ka Carlito” ang giit ni Lucas sa kaibigan nilang si Carlos.
“G*go wala! Kaibigan ko si Gab!” ang sagot ni Carlos.
Napalingon ang ulo nilang tatlo nang marinig nila ang tunog ng paparating na motorsiklo at nakita nila si Seth na sakay nito at agad na nakilala ni Carlos ang modelo ng gamit nitong motorsiklo.
“Sethrix ba iyan? Kilalang motorsiklo iyan ah? Locally made pero ka level ng Ducati panlaban natin sa International market,” ang saad ni Carlos.
“Sethrix? Hindi kaya?” ang nabitin na tanong ni Rauke nang makita nila ang papalapit na si Seth sakay ng motorsiklo nito. At kasunod naman nito ang isang truck na may tatak ng isang kilalang home depot sa siyudad ng Pedrosa. Ngadire-diretso ang truck patungo sa direksyon ng bahay habang si Seth ay papalapit sa direksyon kung saan naroon sila at si Gabriella.
Bumaba si Lucas mula sa pagkakaupo nito sa kahoy na bakod at hinintay nito na huminto ang motorsiklo ni Seth sa kanilang harapan.
“Rauke,” ang bati ni Seth kay Rauke na bumaba na rin mula sa pagkakaupo nito at tumango kay Seth.
“Uh mga kaibigan ko si Lucas at Carlos,” ang sagot na pagpapakilala ni Rauke sa mga kaibigan kay Seth.
Tumango si Seth at bumaba siya sa kanyang motorsiklo na dala pa niya mula sa Maynila na isinakay niya sa kanyang pick-up. Pagkababa ay humakbang siya palapit sa mga ipinakilalang kaibigan ni Rauke para makipagkamay.
“Kamusta,” ang bati niya sa mga ito at inilahad niya ang kanyang kamay para kamayan ang mga ito.
Inabot ng nag-ngangalang Carlos ang kanyang kamay pero ang nag-ngangalang Lucas ay tiningan muna ang kanyang kamay at bago nito kinamayan ang kamay niyang nakalahad.
BINABASA MO ANG
The Bribe To Be - Gabriella Kirkland - Kirkland Series (completed)
RomantikStrictly for mature readers only 18 and up. Please be guided. Her family has deeply hurt him from the past, and now, it's time for retribution, and she's going to be the payment that he has always wanted. Completed February 2, 2021 © Cacai1981