9 years old Philistine's POV
Nagising ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog nang may marinig akong nag-aaway, as usual magulang namin. Walang araw na hindi ko silang naririnig na nagsisigawan at nagbabangayan. Hindi ko alam kung ano pinagbabahangginan nina Mommy at Daddy, pero one time narinig ko ang pinag-uusapan nila na about sa kabit daw ni Daddy. Yun nga 'di ko maintindihan, yun pa kaya yung pinag-aawayan nila araw-araw, kasi iba't iba eh nakakalito. Kami nga ni kuya naaapektuhan na rin dahil sa kanila. Lagi ngang nakikipag-away si kuya sa school eh, dahil binubully s'ya ng mga classmates n'ya ako naman walang magawa dahil ang bata-bata ko pa 9 years old pa lang kaya ako, ano bang laban ko sa mga teen agers?, t'wing magsusumbong na nga ako sa aming Principal dahil sa mga nangyayari sa kuya ko, lagi naman n'ya akong pinipigilan, nagagalit pa, ano nga yung magagawa ko para sa kan'ya?
Wala na ngang time sa amin yung parents namin dahil t'wing dadating yung Daddy namin galing sa work magbabangayan silang dalawa ni Mommy. Madami nga kaming katulong na nag-aaruga sa amin, kaso hinahanap mo rin naman yung kalinga galing sa mga magulang mo.
Sobrang bata ko pa pero iniidolo ko na si Daddy dahil sa sobrang mapagmahal n'ya sa pamilya, pero nagbago ang lahat nung hindi n'ya nakuha isang client, sobrang big deal agad sa kan'ya yun. Kasabay ng hindi nya nakuha ang isang client, parang kung sa lalaki, naheart break ganun, nagbulakbol na agad. Nambabae na, nalulong sa alak.
Bumaba ako sa kama para patigilin na sila sa pag-aaway, hindi ko na talaga kaya, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ganyan na lang sila palagi, hindi ba nila alam na buwisit yun sa buhay, hindi ba nila maiwasan ang pag-aaway?
Nasa tapat na ako ng pinto ng aking room para buksan ito, pagkabukas ko ng pinto, agad na bumungad sa akin si kuya Paolo at nagtanong–
"Where are you goin'?" my brother ask me with a serious face
"I'm going to stop them" napunta sa ibang direksiyon ang aking tingin, sinabi ko yun na hindi man lang tumitingin sa kan'ya
"There's no way you can stop them, let them be!" lumingon ako sa kanya dahil hinawakan n'ya ang braso
"What are you tryin' to say kuya, if you don't mind that they are always like that, then I am different from the way you wanted!" I exclaimed hinawi ko ang kan'yang kamay mula sa kan'yang pagkaka-kapit
"Do you think you can interrupt them for always fighting huh?!, it is their problem and it is not our responsibility to fix it, madadamay ka lang!"
Minsan naiisip ko rin ang mga sinabi sa akin ni kuya Pao, pero bakit hindi ko i-try wala namang masama.
Inakap niya aako ng mahigpit para hindi na ako pumunta pa sa kuwarto nina Mommy, pero nagpumilit akong magpumiglas para makatakas mula kay kuya Pao pero masyado s'yang malakas. Kaya nag-isip ako ng paraan para makaalis mula sa kan'ya, hindi na ako nagpumilit na pakawalan n'ya ako at nang bitawan na n'ya ako eh bigla na lang akong kumaripas ng takbo papunta sa kuwarto nina Mommy at Daddy
Nasa harap na ako ng kanilang kuwarto, huminga muna ng malalim bago pihitin ang busol ng pinto ng kanilang kuwarto.
Nakita ko si Mommy na nakabagsak sa sahig, puro galos ang mga braso at mukha, nilapitan ko si Mommy
"D-daddy stop hurting mom!" nabasag ang boses ko dahil nasasaktan rin ako dahil nasasaktan din si Mommy.
Naririnig ko ang mga ipit na hikbi ng aking ina dahil sa sakit na nararamdaman n'ya. Sinabayan ni Mommy ang tingin ko at pilit na ngumiti para mawala ang pag-aalala ko
"It's ok sweetie…g-go to your room now, we can handle this" sinambit niya ang mga salitang iyon habang hinahaplos ang pisngi ko na punong-puno na ng luha galing sa aking mga mata.
YOU ARE READING
When I Saw Her
РазноеPhilistine Teo V. Morales' life is a miserable as hell, I know that his father is the one of the richest businessman in the country but when his mother died because of the man who trusted him the most, his father, everything have been changed. He us...