PROLOGUE

0 0 0
                                    

Magkakasunod na yapak at sigawan ang naririnig ko pasunod sa akin. Hindi ako huminto sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa tapat ng isang malaking puno. Eksperto akong umakyat at tatalon na sana ako papunta sa kabilang bahagi ng lupa ng may marinig akong kaluskos sa kabilang puno. Nakita doon si Annie na eksperto at walang kahirap hirap na inakyat ang puno. Akala ko ay nahuli na siya dahil hindi ko na siya nakitang nakasunod sa akin.

Maya maya lang ay dumating ang mga humahabol sa amin at huminto hindi kalayuan sa kinaroroonan ko.

" Nasan na kaya yun? Nakita niyo ba kung saan tumakbo?" Hinihingal na tanong ng isa sa mga ito.

" Hindi. Masyado silang mabilis." sagot ng isa na may hawak na baseball bat. Bawat isa sa mga ito ay may kanya kanya hawak na armas gaya ng dos por dos na kahoy at tubo .

" Nakuha nila ang envelop."

" Envelop lang naman pala. Bakit pa natin hahabulin?"

" Tanga! Ang laman noon ay mga impormasyon magtuturo sa ating kung sino ang apat na Scapee"

"Yun ba yun?" napapakamot sa ulong sabi nito. Bumaba ang tingin ko sa envelope na hawak ko.  Imposmasyon pala huh!


" Kailangan mahanap at mahuli natin ang mga yun kunti lagot tayo kay boss pag nagkataon." i bite my lower lips para pigilan ang pagtawa ko dahil halata sa pagsasalita nito ang kaba at takot.

Aalis nasana ang mga ito ng biglang dumating ang pinuno kasama ang iba pa nitong alalay. Halata sa itsura nito ang galit.

" Nasaan ang mga hayop na yun? Nahuli niyo ba? " pagalit na tanong ng kanilang pinuno.

" S-sorry boss, h-hindi namin sila naabutan."  kinakabahang sagot ng isa.

" Bwesit! "  hindi na ako nagulat ng biglang nito inihampas ang hawak na kahoy dito. " Mga walang kwenta. Nakilala niyo ba kung sino ang mga yun?"

" H-hindi rin boss! B-balot a-ang buong mukha at mata lang ang nakikita sa kanila."

" Argg! Hanapin niyo siguraduhing niyo hindi pa nakaka alis. Siguradi akong hindi pa nakakalayo ang mga yun!"  nagmamadali namang nagsisunuran ang kasamahan nito at umalis.

Napangiti ako at nilingon si Annie na halatang nasisiyahan din sa nangyayari. Tumango ako sa kanya at tinungo ang kabilang bahagi ng puno na naka lagpas na sa bakod. Bihira lang ang dumadaang sasakyan dito at ito rin naisipang dumaan upang makatawid at makaalis sa lugar na yun na hindi na kailangang makipaglaban.

"Let's go."  Sa di kalayuan nanghihintay sina Mitch at Fatty sa amin. Inip na inip na siguro ang mga ito dahil sa tagal namin sa loob.

"Hay salamat dumating din. Ano nakuha niyo ba?"  nababagot na bungad ni fatty.

" Naman kami pa." pangmamayabang naman ni Annie. Iniabot ko naman kay Mitch ang envelop naka ngiti naman niya iyong inabot ako naman ay dumeretso at sumakay sa motor ko.

" Tara na, baka maabutan pa tayo nun sila." sinuot ko ang helmet ko tska ko nag drive paalis.

      *****

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Escapee Of Darkness (Four Leaf Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon