DR 14

3.2K 124 0
                                    

Battle of the bands competition day. Nandito na kami sa open field ng school namin kung saan nagtayo ng stage. Dito mismo sa school namin gaganapin ang event.

Pangalawa kami sa huling sasalang. Sampung school ang sumali sa competition at ngayon nga ay nasa pang-anim na grupo na ang tumutugtog.

Mahigpit ang pagkakasiklop ko sa kamay ko. Bahagya din itong nanginginig sa sobrang nerbyos. Nagulat nalang ako ng bigla itong hawakan ni Lovely. "Don't be nervous, we got this. Okay?" Pagpapakalma nito sa akin.

Nasa backstage kami, naghihintay ng turn namin. Katulad ko ay halata na din ang pagiging kabado ng lahat, maliban lang kay Love na kalmado lang na kinakausap ang bawat myembro ng grupo namin.

Hindi naman na bago sa akin ang kumanta sa harap ng maraming tao eh. Kaso, hindi ko lang talaga maiwasan na manerbyos at kabahan. Although talagang confident ako na may ibubuga ang grupo namin, hindi parin dapat ako makasigurado.

Dahil nga sa school namin mismo ginanap ang laban, mas marami kaming supporters kaysa sa iba. Halos lahat yata ng students ng school, nandito. Nakita ko nga na may banners pang nakaangat. Nakita ko din ang barkada ko na nasa unahan mismo, may tarpaulin pa silang hawak at nakalagay doon ang picture ko. Hindi ko tuloy maiwasang ma'touch sa nakita.

Kaso nga lang, ang taong pinaka inaasahan kong manunuod ay wala. Hindi ko man lang mahagilap. Sya nga yung unang taong gusto kong makanuod sa akin, pero sya pa mismo ang wala.

Kari, where the hell are you?

"Bakit ka palinga-linga dyan?" Tanong sa akin ni Quinn. "Hinahanap mo si Colyn 'no?" Dagdag nya.

Tumango ako agad pero hindi ko man lang sya nagawang tapunan ng tingin dahil abala pa din ako sa paghahanap sa kanya.

"Tsk, nag Cr ako kanina. Nakasalubong ko sya doon, puntahan mo muna. May dalawang grupo pa naman bago tayo sumalang. Basta bilisan mo lang ha?"

Napangiti ako bigla dahil sa sinabi ni Quinn. "Salamat ah? I'll be right back, I promise."

Nagmadali akong naglakad papunta sa banyo. May malapit na banyo dito sa open field at alam kong yun ang tinutukoy ni Quinn kanina.

Halos hindi pa ako maayos na nakakalakad dahil panay ang 'good luck' sa akin ng mga kapwa ko estudyante. Nakakahiya at parang ang bastos ko naman kung hindi ko sila papansinin at daanan nalang, diba?

Pagdating ko sa pinto, sakto na nagbukas yon. Kaso nga lang, hindi babae ang nagbukas nun.. kundi lalaki. Ang malala pa ay si Ken iyon. Nasa kalagitnaan ako ng pagtataka ng sumunod si Kari sa likod nya, pawis na pawis pa at medyo magulo ang buhok.

Tangina. I mentally cursed in myself. Did they do some horrible things inside? Napakuyom ang kamao ko tuloy.

"A-ally, it's not what you think!" Dipensa agad ni Kari sa akin.

Umalis agad si Ken sa pagitan naming dalawa ni Kari. Parang walang nangyari na naglakad lang sya palayo sa pwesto namin. Bastard.

Ang madalas na pagtataray at iritadong awra ni Kari ay tila ba nawala na parang bula ngsyon. Na para bang sinapian ito ng isang maamong tupa.

Nangungusap ang kanyang mga mata na nakatingin ngayon sa akin.

"A-ally.."

Marahan akong napailing. Disapointment is evident in my eyes. At alam kong kitang-kita ito ngayon ni Kari.

"Don't come near me," I said that to her but she's still there, trying to reach me. "Don't try to explain things, Colyn. I am not your girlfriend." I codly said but deep inside, I'm hurting.

Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon dahil sa kanya. Naiinis ako dahil ganon ang nadatnan ko kanina. Nasasaktan ako sa ideya na may kung anong ginawa silang dalawa sa loob. Naguguluhan pa ako dahil sa inaakto nya ngayon.

"Ally, let me explain! Mali yang inii—"

Naputol ang sasabihin sana ni Kari ng may tumawag sa akin. Si Lovelyn iyon, seryosong nakatingin sa amin.

"Allison, let's go. Maghahanda na tayo," Pagkatapos nyang sabihin yun ay hinila na nya ako paalis sa cr.

Hinayaan ko nalang na hilahin ako ni Love. Nagpapasalamat pa nga ako sa ginawa nya. Nagkaroon ako ng pagkakataon para takasan si Kari. Kahit na nadudurog na ang puso ko dahil sa nasaksihan kanina, tinapunan ko parin ito ng tingin.

She's still standing there, looking hurt and crying.

It hurts, seeing her in that kind of situation. What more hurts is that, I felt my whole world collapsed because of what I saw earlier. Para akong dinudurog. Nakaramdam ako ng betrayal na hindi ko naman dapat maramdaman.

Bago pa man kami tuluyang makalapit sa backstage ay huminto si Love sa paghila sa akin. Tiningnan nya ako ng maigi bago sya bumuntong hininga at punasan ang luha sa pisngi ko gamit ang thumb nya.

"Pag-usapan natin yan mamaya. Pero sa ngayon, sa competition ka muna magfocus okay?" Tumango ako. "Don't cry, Allison. Please?" Nangungusap ang kanyang tinig at tingin kaya tumango akong muli.

Hindi ko magawang magsalita dahil para kong nalunok ang aking dila. Ang dibdib ko ay nahihirapan makahinga dahil sa biglaang sakit na naramdaman ko kanina.

Pagdating namin ay nagtataka silang napatingin sa akin pero hindi na nagtangka pang magtanong.

It's now our turn and the whole place is starting to get wild. Hindi ako tumitingin sa barkada ko na nasa harap lang ng stage. Iniiwasan ko dahil may posibilidad na makita ko si Kari doon. Baka kapag nahagip sya ng mga mata ko, mawala ako sa focus at masira ko ang performance namin.

Nagtinginan kami ng mga kagrupo ko. Ang mga itsura nila ay kalmado na. Na para bang handa na silang maghasik ng lagim sa stage. Isang tango mula kay Lovelyn at doon na nagsimulang tumugtog ang kasama ko.

I hope na magawa ko ng maayos ang pagkanta ko.

——

"The champion for the battle of the bands competition is none other than.. Samson University!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Nasa kalagitnaan pa ang isip ko sa pagproseso ng biglang dambain ako ng yakap ni Lovelyn at halikan ako sa pisngi.

The whole crowd went wild again because of the announcement. We made it! Nakangiti akong bumaling sa taong nakayakap parin sa akin. I mouthed her 'thank you' dahil sa lahat ng tao, sya ang nag guide sa grupo. Lumipat naman ang tingin ko sa iba pa naming kasama. Lahat sila ay may ngiti sa mga labi habang tinatanggap ang trophy galing sa emcee.

"We made it!" Sigaw ni Riva.

Yumakap sila sa akin isa-isa. "This is the best moment of my life," Naiiyak kong sinabi.

Nakababa na kami sa stage pero yung asta namin, hindi parin nagbabago. Nasa kalagitnaan parin kami ng pagsasaya ng mahagip ng mata ko si Kari. She just nodded and sadly smiled to me. After that, she turned her back to me and started to walk away.

It hurts really but I think this serves as my eye opener. Minulat ako sa reyalidad na dapat ko na talagang kalimutan ang nararamdaman ko na ito kay Kari.

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon