Chapter 13

2.5K 123 41
                                    

Natuon ang mga mata ni Gabriella sa kumpol ng mga puno sa kanyang kanan na bahagi at napansin niya mula sa ide veiw mirror ng motorsiklo ni Seth na, ito rin ay napasulyap sa lugar na iyun na may malaking parte sa halos kalahati ng kanilang buhay. Napalunok siya at pilit niyang iniwas ang kanyang mga mata sa bahagi na iyun ng rancho.

“Hiyahh Lace!” ang hiyaw niya at kanyang sinipa ng takong ng kanyang boots at pinalo ng kanyang kanan na palad ang pwetan ni Lace at bumwelo ito ng takbo hanggang sa tumulin ang takbo nito. Kukunin ni Gabriella ang pagkakataon na iyun na makapag-ensayo si Lace para sa nalalapit na tournament na taon-taon na ginaganap sa mga ranchero sa lala Wigan, at mga karatig lalawigan. Hindi sila nakasali noong nakaraan na taon dahil sa ang kanyang mommy ay isinama siya sa isang gala na dinaluhan ng mga mayayaman na kaibigan ng kanilang pamilya at isinama siya ng kanyang mommy para ipakilala sa mga anak ng mayayaman na kaibigan ng kanyang pamilya at nauwi ang lahat sa pagtataray niya kaya naman walang nakipag-usap sa kanya at umuwi ang kanyang mommy na humahaba ang nguso sa inis sa kanya.

At sa taon na iyun ay pag-iigihan niya ang pag-eensayo para masungkit nila ni Lace ang pagka-champion sa barrel race.

“Go Lace!” ang sigaw niya kay Lace at parang lumilipad silang dalawa sa hangin bahagya niyang iniatras ang kanyang pwetan para magpantay ang kanyang bigat at sa tulin ng kanilang takbo ay inabutan nila ang motorsiklo ni Seth at napansin niya na sinundan sila ng tingin ng mga mata nito.

“Go Lace, pakainin natin ng alikabok ang bitter na iyun” ang bulong niya sa tenga ng alagang kabayo, ngunit hindi nagtagal ang pagkapanalo nila laban sa makina ng latest na modelo ng motorsiklo ni Seth at binusinahan pa sila nito ni Lace at sandali na sinabayan ang kanilang takbo, kapwa na sumasayaw ang kanilang mga buhok sa hampas ng malakas na hangin sa kanilang katawan at mukha at di na napansin ni Gabriella na nakabukas na pala ang butones ng suot niyang chambray shirt na kanina ay binuksan niya nang punasan niya ang pawis sa kanyang dibdib.

Sandali lamang silang sinabayan ni Seth at maya-maya pa ay iniwan na sila nito ni Lace dahil na rin sa bilis ng motorsiklo nito.

“No worries Lace, mabilis pa rin tayo, at magsisimula na tayo sa pag-eensayo natin” ang bulong niya kay Lace at dahan-dahan niyang hinila ang reins nito para bumagal ang takbo nito at hindi ito mabigla at mapagaod kahit pa alam ni Gabriella na katulad niya ay parehong gusto nila ni Lace ang maramdaman ang hampas ng hangin ng kanilang mukha at katawan ang pakiramdam ng kalayaan.

Tanaw na nila ang kanilang bahay at sa harapan niyun ay ang dalawang truck na may pangalan ng kilalang Home Depot sa siyudad ng Pedrosa, mukhang pagkaalis nito, nang iwan siya nito kanina mag-isa sa loob ng masters bedroom, habang kumikirot ang kanyang puso sa hapdi ng sinabi nito sa kanya ay nagtungo na si Seth sa siyudad para mamili ng gamit nito sa kwarto.

Hindi ba at sinabi nito na sa bahay na ito tutuloy at hindi na sa hotel sa Pedrosa? Sabagay hindi ba at isang kahangalan kung mayron kang isang malaking bahay at hindi mo naman tutulungan? Ang tanong ni Gabriella sa knayang sarili.

Pinagmasdan niya si Seth na bumaba sa motorsiklo nito at kinausap ang mga lalaking tauhan na kasama na nag-deliver ng mga gamit. Hinila pa niya ng bahagya ang reins ni Lace hanggang sa unti-unti na bumagal at halos naglalakad na lamang ang apat na paa ni Lace at tuluyan na niya itong pinahinto sa tabi ng motorsiklo ni Seth. Nakita niya na tumigil sa pag-uusap sina Seth at ang tauhan ng delivery device ng Home Depot at pinagmasdan siya ng mga ito pagkababa niya kay Lace.

“Susunod na ako sa loob dadalhin ko lang si Lace sa kwadra,” ang sabi niya kay Seth, pero nagtaka siya nang mapansin niyang tumiim ang mga labi nito at nakapamewang ito na naglakad papalapit sa kanya at malalaki ang mga hakbang nito papalapit sa kanya at bahagya siyang napaatras nang tumayo si Seth sa kanyang harapan at natuon pataas ang kanyang mga mata para tingnan ito sa mukha at sa mga mata nitong nakakunot na nakatingin sa kanya.

The Bribe To Be - Gabriella Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon