"Leaf Chareeth Trayakul, come here."
Napalakpak naman ako nang matawag ang pangalan niya. Mahina kaming tumili at dahan-dahan na siyang naglakad papunta sa stage.
Ako dito, mukhang ewan. Iisang tao na lang ang tatawagin at sa dami pa ng taong hindi pa natatawag, siguradong hindi ako yun.
"Last but not the least, this person gave me chills and it looks like this person can burn up the stage with an essence of singing and playing an instrument. You made my day and I didn't know you have an angelic voice. So probably we know this person too well."
Lahat sila nakatitig sa akin na parang kakainin ako ng buhay. I think it's not me!
"Come here on stage miss Sassy Trinidad!"
Nabingi ako sa sobrang ingay sa paligid.
Is this a dream?
Sinampal ko ang mukha ko at nakaramdam ako ng kirot. Kinurot kurot ko pa ang binti ko para malaman kung nananaginip ba ako o hindi.
"Hindi nga panaginip to..."
Bulong ko sa sarili ko. Hindi pa rin makapag-sink in sa utak ko ang nangyayari.
Umakyat ako sa stage at tumabi sa pagitan ni Leaf at ni president Viv. Nagmumukha akong poste sa gitna ng dalawang taong to.
"Congratulations to the students who passed the auditions and still congratulations pa rin sa mga hindi naka-pasa. I can't handle you all at kahit anong paki-usap ko sa school club ministry, hindi sila payag na sumobra ang bilang natin. Yes, but still thank you for your cooperation today and for the music club passers, welcome aboard to our home!"
************************************
Hindi maalis sa labi ko ang ngiting kanina ko pa naisusuot.
Hindi ko rin mapigilang tumalon-talon sa saya habang naglalakad palabas ng campus.
Siguro simula na to ng swerte sa buhay ko! Thank you Lord.
Sa hindi ko inaasahan, nasalampak ang mukha ko sa likod ng taong naka-harang sa dinadaanan ko. Napahawak ako sa ilong ko dahil sa sakit.
"Ah miss okay ka lang ba?"
Hindi ko makita ang taong nasa harapan ko pero alam kong lalake ito. Sino bang hindi mapapapikit sa sakit ng pagkakabunggo sa ilong ko no.
"Miss?"
Simula nang buksan ko ang mga mata ko, nagsisi ako.
Teka...
"Bitch..."
YOU ARE READING
The Fight Between A Feelingerang Gay and A Pretty Me
Teen FictionMeet Simon Breach, ang pinaka-feelingerang baklang nakilala ni Sassy Trinidad. . . . Simon Breach AKA SIMONA CHARLOTTE is a so-called-gay in the country. He is a photo journalist at kilala rin bilang Simona Charlotte pag gabi. No one knows about ho...