Chapter 44 - A PICTURE WITH HIM

68.6K 990 69
                                    

Chapter 44 - A PICTURE WITH HIM

CAMILLE's POV

"Ikaw?!" nagulat ako sa kanya at ngumiti pa talaga siya

"Anung ginagawa mo dito? Bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya

"Bakit hindi ba kita pwedeng puntahan dito? E miss na miss na kita." sabi niya sabay hug sa akin

"Ikaw talaga JAKE! Kahapon lang ako umalis sa Pinas, tapos miss na miss mo na nga ako." sabi ko kay Jake at yumakap din ako sa kanya. Talagang nagyakapan pa kami sa mcdo? XD

"Gutom na ako. Kain na tayo." sabi niya at umupo na nga kami

"Teka nga lang, kailan ka pa dumating?"

"Kanina lang."

"Ibig sabihin ikaw yung nagbibigay sa akin ng letter? at nung juice, scarf, orange at pati na rin tong fries at float?"

"Yung tungkol dyan, wag na muna natin pagusapan. Date nalang muna tayo pagkatapos kumain." sabi niya sabay kuha ng fries ko

"Date? O sige ba, gusto ko yan ^____^" seryoso ang mukha niya kaya naman ngumiti ako para gumanda ganda naman ang mood niya

Pagkatapos namin kumain, nagdecide kaming mamasyal ng magkasama. Date nga raw kasi kami. ^____^

"Ang ganda talaga dito. Busy streets nga lang talaga." sabi ni Jake sa akin

"Oo nga pero yung makadate dito ang isang Jake Guevarra, mas gumaganda ang New York dahil dun. ^____^"

"Marunong ka palang mambola?" sabi niya sabay akbay sa akin

"Ganyan talaga, ayaw mo nun improving ako. Haha"

"Ay nakow. Ayoko ng pambobola, gusto ko totoo."

"E kasi totoo na nga."

"Pambobola yun sabi mo."

"Totoo yun Jake my labs. Haha Wag ka na magtatampo." at pinisil ko ang magkabila niyang pisngi

"Aray ko!" sabi niya nung inalis ko yung magpisil sa pisngi niya. Nakakatuwa talagang kasama tong si Jake my labs. Pag kasama ko siya nawawala mga problemang iniisip ko. Malaking tulong talaga siya sa akin. Kaya nga nanghihinayang ako na di ko maibalik ang pagmamahal na binibigay niya sa akin. Gusto ko naman siyang mahalin pero napakahirap para sa akin na kalimutan nalang basta basta ang lalaking mahal ko. Speaking of, kailangan ko pa palang kausapin ang mga magulang ko at sina lolo at lola para hindi na ituloy ang engagement.

"Kasama mo nga ako pero iba naman ang iniisip mo." sabi bigla ni Jake

Spying My Future Fiance ** COMPLETED ** (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon