Ell POV
Ginabi na akong makauwi dahil kumain pa kami sa plaza. Sinalubong ako ni Manang na masaya ang mukha. Ngumiti ako at nag-mano sa kan'ya.
"Nag-enjoy ka ba, Ell?" Nakangiting tanong n'ya, masaya akong tumango at niyakap s'ya.
"Salamat Manang.." I whispered, hinagod n'ya ang likod ko.
"Gusto kong maging masaya ka.." She said, napangiti ako.."Mag-pahinga ka na.. 'wag mo na isipin lahat, ako na bahala mag-paliwanag kay madam pag-uwi nila.."
Ngumiti ako at lalong hinigpitan ang pag-kakayakap.
Sa sumunod na araw ay si Nial ang kasama ko dahil sila Dre ay may laro na at nag-hahanda na para dito.
Kasalukuyan na kaming naka-upo sa bench para manood ng laban nila. Marami na ring tao at halatang ito ang pinaka-aabangan nila. Pinakilala na ng MC ang mga player. Kalaban nila Dre ang ABM at ang tatangkad nila. Bali ang basketball ay combination na ng grade 11 and 12.
Tumili at kumaway ako nang lumabas na sila Dre na color blue ang jersey. Marami ring matatangkad sa kanila pero masyado silang payat. Bahagya akong natawa nang kumaway si Dre at nag flying kiss pa ito. Akala mo kumakandedato. Lumingon ako kay Nial nang mapansin s'yang tahimik. Bahagya ko s'yang tinapik.
"Hey, okay ka lang?" I asked. Lumingon s'ya sa'kin at bahagyang ngumiti.
"Kailangan ko na kasing umuwi...may e-emergency sa bahay."
Nakaramdam ako ng pagkakaba.
"What? Tara, sasamahan na kita." Inayos ko ang mga gamit ko at tumayo na.
Mabilis s'yang umiling.
"Hindi na..kaya ko 'to, Ell." Sagot n'ya at tulalang tumayo.
"Sige..pero ihahatid kita sa gate." Sabi ko. Hindi na s'ya umimik at hinawakan ko ang braso n'ya nang mapansin na nanghihina s'ya.
Inalalayan ko s'yang makababa dahil baka mahulog s'ya. Hinanap pa namin si Ms Perl dahil kailangan ng permission n'ya para makalabas si Nial. Hinaharangan kasi kami ng Guard.
Umupo muna ako sa bench habang hinihintay si Nial na matapos na makipag-usap sa adviser namin. Ngumiti ako nang bumaling ang tingin n'ya sa'kin. Tumayo na ako nang makitang papalapit na s'ya sa'kin.
"Alis na ako, Ell. Ikaw na muna bahala mag-paliwanag sa kanila." Malungkot ang tono n'ya.
"Okay, sige...may kailangan ka pa ba?" Napakamot s'ya sa ulo n'ya.
"W-wala... S-sige na.." mabilis kong hinawakan ang kamay n'ya nang mapansing tatalikuran n'ya 'ko.
"Sige na, tell me!" Sabi ko. Bumuntong hininga s'ya.
"K-kailangan ko kasi ng p-pera.." mahinang sambit n'ya at napakamot sa ulo n'ya.
Mabilis kong hinalungkat ang bag ko at kinuha ang natitirang allowance ko.
"Here," inabot ko sa kan'ya ang apat na blue na pera. "Bayaran mo na lang ako kapag successful ka na."
Bahagya akong nagulat nang niyakap n'ya ako ng mahigpit. Ngumiti na lang ako at hinagod ang likod n'ya.
"Salamat talaga, Ell." Aniya.
"Sige na...umalis ka na, baka nag-hihintay na family mo sa'yo." I said. Binitawan n'ya ako at ngumiti.
Ngumiti ako at sinenyasan na s'yang umalis. Hinintay ko pa s'yang makasakay bago nagpasyang bumalik sa court.
Dre POV
BINABASA MO ANG
Drowned by Love
Novela JuvenilIba't ibang storya ang matutunghayan. Iba't ibang pinagdadaanan ang matutuklasan na sa murang edad ay mararanasan. Halikana't tunghayan ang mga nakaka-antig pusong storya nila. teen series #1