Make It Through The Rain

134 14 14
                                    


READ AT YOUR OWN RISK.



'One day, I can tell myself that I'm okay and I have really forgotten him.'

"Cynth, magmumukmok ka na lang ba diyan? Wala ka nang gagawin sa buhay mo? Paano mo maaayos iyang sarili mo kung ni ikaw ay pinapabayaan na ito, ha?"

"Have you lost your mind?!" I heard her sigh, frustratedly.

Wala na akong nararamdaman. I think I'm paralysed. Ayaw ko nang kumain, ayaw ko nang makihalubilo. Hindi na rin ako natutulog. I know it's bad but, I tried. I really tried.

My tears rolled down my cheeks gently again and again.

Oh, how I wanted to force myself to forget all of it. I always see him with or without closing my eyes. He's always there. I sobbed.

"Kung sana lang madali, Clari..." I gripped my hands on the terrace handle.

Ilang taon na ba? Ilang taon na ba nung mawala siya? Bakit hanggang ngayon, sariwa pa rin sa akin ang lahat?

Nasa babaan ako ng bus. Ayoko ng sumakay sa sasakyan namin. Gusto ko nang maging independent kahit ilang araw lang.

"Sasakay ka, Miss?" napabaling ako sa nagsalita. Kitang-kita ko naman ang nakakatakot nitong ngisi. Kyaah! Manyakis. Niyakap ko ang bag na dala-dala.

Hindi kasi ako mahilig ng mga mamahalin talaga kaya heto ako. Alam ko, mukhang cheap pero pakialam ko ba? Eh sa gusto kong maging ganito for a while.

"Natakot ba kita, Miss? Haha. Hindi pa naman ako nangangagat. Kaya kung gusto mo, sumama ka na lang sa akin. Ako ng maghahatid sayo." Ngumisi siyang muli.

Ihh! Kitang-kita naman ang kawalan niya ng ngipin nung ngumiti siya. Kung makapagsalita kala mo naman kumpleto ang ngipin, hindi naman pala. Ang bulol pa magsalita.

"Uhm, I don't know what are you talking about. So, will you excuse me, I'm waiting for a bus here to ride." Kitang-kita ko naman na napahinto siya. Nagulat siguro na nage-english ako.

"Oh! So, you english? Dats wanderpul! Me too, I english-english, sometimes," he clasped his hands.

Akala ko aalis na ito ngunit mas lumapit pa ito sa banda ko. Umatras naman ako at pumagilid.

Nakakatakot talaga ang mukha nito. Napatingin-tingin naman ako sa paligid. This is my first time to ride a bus. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o uupo man lang kaya nung may makitang taxi na dumaan at saktong walang sumasakay ay kumaway na ako.

"Kuya, Taxi!"

Nakita ko naman napatingin ito ngunit bigla-bigla namang umiling. Nagulat ako. Hala! Bakit umalis iyon? Napalingon ako sa likuran ko. Ganun na lang ang paglaki ng mata kong may mga kasama na ang bulol na lalaki.

My gosh! Nakakatakot talaga.

Nag-ngisihan ang mga ito. WAAH! Can someone help me here? Luminga-linga ako para sana humingi ng tulong pero binabalewala lang ako ng mga tao. Nagulat na lamang ako ng biglang pumatak ang ulan ng malakas. What the?

"Pambihira naman, oh!" napalingon ako sa biglaang pagsigaw ng lalaki. Tumakbo ito ng pagkabilis papunta dito sa istasyon ng bus. Nagulat pa ako ng tumabi ito sa akin. Ang tangkad niya. Alam kong matangkad na talaga halos ang mga lalaki kaso ngayon lang ako nakakita ng lalaking matangkad talaga. Medyo may pagkaguwapo pa ito.

Napakunot pa ako ng noo.

Nilingon ko naman ang mga lalaking nginisihan ako. Mas dumoble ang pagkagulat ko ng makita ang mukha nilang takot na nakatingin sa gawi ko. Luh? Parang kanina lang gusto akong gahasain ng mga ito. Ngumuso ako.

Make It Through The RainWhere stories live. Discover now