14.

22 15 13
                                    


Savviena Elliot Mortiera

"Sav! Congratulations!" Lumingon ako nang marinig ang isang boses ng pamilyar na babaeng malapit sa akin. Gumuhit ang abot taingang ngiti sa aking mga labi nang makita itong kumakaway habang naglalakad papalapit sa akin. Hindi alinlangan ang pagkataas ng heels na suot nito at agad akong niyakap nang makarating.

"Thank you!" Saad ko pabalik atsaka kumalas sa pagkakayakap, she was still wearing her black and blue toga. Kahit gaano katirik ang araw kanina ay nanatiling nasa ayos pa rin ang make up nito sa kaniyang mukha dahilan upang mas magmukha pa rin siyang blooming.

"I'm so proud of us, bes!" Tili niya at hinawakan ang magkabilaan 'kong kamay, sumilay muli ang ngiti sa aking labi.

"I'm proud of us too, Nurse Lilac!" I replied, mahina niyang pinalo ang aking mga braso.

"Ano ba! Kinikilig ako huwag 'kang ganyan, Eina!"   Pabirong sambit nito, I left out a soft chuckle.

"Sus! Gustong-gusto naman, daraan ka ba sa bahay mamaya?" I asked, she nodded.

"Aba, syempre! Makikikain ako ng masarap na caldereta ni Tita Sydney! Atsaka paano ko maibibigay regalo ko sa 'yo kapag hindi ako pupunta?" Aniya.

"Sige, sige, basta text ka lang kapag papunta ka na, siya, sige. Mauuna na kami!" Pagpapaalam ko nang pumarada si dad sa harap namin.

"Hi, Tito Sario! Congratulations po! May nurse na kayong anak!" Pagbabati niya kay dad na ikinatawa naman niya.

"Congratulations din sa iyo, iha. I'm sure Lauro and Lizzen is proud of you too. Hop in, Elliot." Dad commanded.

"Nako! Mambobola talaga 'tong si Tito Lauro, Eina 'no?" Aniya dahilan para matawa kami ni dad.

"Napakakulit mong bata ka," saad naman ni dad.

"Hindi ka ba sasabay?"I asked while eyes were on Lilac.

"Ay! No, Eina. . . Dad is on his way to pick me up na rin. Baka darating na rin iyon within a minute. I'll come to Eina's graduation party later. Kaya see you there po!" Aniya, tumango naman si dad.

"Send my regards to your mom and dad, iha. We will get going, I am looking forward for you and you parentsnto be there." Wika ni dad atsaka pinaharurot ang kotse papalayo mula sa graduation venue.

Me and Lilac were on the same school, grade and course. We took nursing. Ako talaga ang may gusto nang nursing, and I don't know why. I'm a fond of medical things and the way how they serve what's right for patients.

Ayaw ni Lilac sa kursong kinuha ko, she wanted to be an architect to be honest. Pero, hanggang tumatagal ay nakagawi niya ito. She started liking medical things just like me.

We were like sisters, laging magkasalo sa mga bagay na mayroon kami. Mapa-straw sa softdrinks o kahit damit ay naghihiraman kami. Halos magkadikit ang mga atay namin sa lahat ng bagay. Since, mag-isa lang akong anak. Though, I have a cousin that's like a brother to me.

Kuya Nial opened the door for me when we arrived at our house. He was wearing a black plain polo shirt and black jeans, may nakasabit pa na camera sa leeg niya at kinuhanan naman ako ng litrato nang makababa.

Yep, Kuya Nial is my cousin. A gentle and caring cousin. Madalas kaming nag-aasaran, madalas rin akong napipikon. Sabi nila, mahirap pakisamahan ang mga pinsan mo sa tatay pero, ibahin mo kami ni Kuya Nial sa ibang magpipinsan.

Sa lahat nang bagay ay siya lamang ang naaasahan ko, he was there to comfort me through my ups and downs, nandiyan din siya kapag lagi akong napapagalitan ni mom at dad. We share each other's secrets, laya maging ang pinakatago-tago 'kong sikreto na kahit kailan ay wala pa akong napagsasabihan ay nasabi ko sa kaniya.

A Life Without You [Completed, Published Under Ukiyoto Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon