Chapter 34
I was the happiest the moment she became my girlfriend. Akalain niyo iyon, iyong masungit at hindi mo makausap na babae, girlfriend ko? Sinong mag-aakala na isang katulad ko na maloko, girlfriend ko ang isang Casper? Damn! That was next to impossible!
Akala ko kilala ko na siya, hindi pa pala. Ang dami ko pang hindi nalalaman tungkol kay Casper. Masaya ako dahil unti-unti nakikilala at nakikilala ko na siya ng lubusan. She's slowly opening her life to me. Nagbabago na rin ang pakikitungo niya sa iba. Ngumingiti at nagiging palakaibigan na rin siya. Minsan nga nakakapagselos na rin, pero sino ako para pigilan iyon? I will let her feel the things she didn't experience before. Sige lang, Casper, do whatever that makes you happy. I will just be here right beside you.
Seeing her smile was like a heaven to me. I am every day in heaven, then. Araw-araw kong nakikita ang mga ngiti niya eh. Ibang-iba ang Casper na nakikita ko ngayon. Ibang-iba sa dati. My heart was filled with joy and contentment. I never feel this kind of feeling before.
Parang hindi kumpleto ang araw ko na hindi ko siya napapasaya. Nababaliw na yata ako sa kanya. Tanga, dati ka pa namang baliw sa kanya...
I want to keep those smiles of hers. Ayokong mawala ang mga ngiting iyan, Casper. Pangako sa araw-araw na pagsasama natin, pangingitiin kita palagi. Malulungkot ka man, nandito naman ako para pasayahin ka. Hindi kita iiwan. Hindi ko ipaparamdam sa iyo na mag-isa ka. Kasama mo ako palagi... kakampi mo ako palagi.
"King, your Ninong Chris will be home next year together with his family," masayang balita sa akin ni Papa. I am already a 4th year college student and we are already working on our thesis. Medyo busy na rin sa dami ng mga ginagawa. Kauuwi ko lang at sinalubong ako ni Papa ng magandang balita.
"Talaga, Dad? Sasakto ba sa graduation ko kung ganoon?" graduation? Ulol! Thesis mo muna, boy!
"Baka hindi na maabutan. Later next year ata kung 'di ako nagkakamali." mas maganda sana kapag sakto sa graduation ko. Pero ayos na rin, sa susunod na pagkikita namin ni Ninong... Engineer na ako.
Nag-aral akong mabuti nang mga panahong iyon. Kasama ko si Casper na nag-aaral sa library, minsan sa starbucks din para date na rin. She became my inspiration and motivation. Akalain mo iyon, magseseryoso rin pala ako.
Finally we both graduated in college. I've never been this so proud of myself than ever. I am beyond proud of her too. She's a consistent dean's listee and she graduated with flying colors! Leche ka, King saan ka naman nakakuha ng swerte sa katawan mo at girlfriend mo ang isang katulad niya? Talino talaga ng gilfriend ko oh. Gilfriend ko 'yan!
Hindi bale nang hindi ako grumaduate ng with flying colors, jowa ko naman grumaduate with flying colors!
"Swerte mo naman..." I whispered to her after I took a photo of us in my phone. Gagawin ko itong profile picture.
"Ha? Bakit? Walang swerte rito, parehas tayong grumaduate. That's a blessing," she smiled. I kissed her cheek and my lips remained there. We're still wearing our togas.
BINABASA MO ANG
When You Smile (Engineering Student #3)
RomantikTrust Issues. Iyan ang problema ko kaya natatakot akong pumasok sa isang relasyon. Nakita ko kung paano nasaktan si Mama at ang nagiisa kong kaibigan. Saksi ako kung paano nakasira sa isang tao ang pagmamahal. Kaya naman, tinatak ko sa isipan ko na...