“Mukhang malalim na naman ang iniisip mo,” ang saad ni Bobby sa kanya, bigla siyang napalingon sa kaibigan na nakaupo sa isang kahoy na silya sa kanyang tabi. Pareho silang nakatanaw sa labas ng bahay kung saan makikita ang malawak na kaparangan ng rancho at ang mga nakalinya na mga kulungan ng mga baka sa di kalayuan. Sa kanilang harapan naman ay may maliit na lamesa at kung saan nakapatong ang mga bote ng beer na kanyang binili sa bayan bago siya nagtungo sa bahay ng kaibigan.
“Uh wala lang,” ang sagot niya saka niya nilagok ang laman ng beer ng bote na kanyang hawak. Nilunok niya ang mapait na likido at saka muling natuon ang kanyang mga mata sa malawak na tanawin sa kanyang harapan.
“Kung di kita kilala, ang alam ko lamang kung bakit ka nagkakaganyan na malalim ang iniisip ay kung babae ang laman ng diwa mo at hindi lang basta at kung sino na babae kundi si Gabriella,” ang biro sa kanya ng kanyang kaibigan.
Patagilid niyang tiningnan ang kaibigan na nakangiti sa kanya at hindi naman niya napigilan ang ngumiti rin at mapailing na lamang.
“Bukas na ang kasal mo hindi ba?” ang tanong ng kaibigan niya sa kanya.
Napabuntong-hininga siya at tumikom ag kanyang mga labi bago siya tumangu-tango ng mabagal.
“Oo,” ang matipid niyang sagot sa tanong ng kaibigan, saka siya muling uminom ng alak.
“Ito ba ang party mo? Bachelors party? Ang sagwa ha,” ang natatawang buska sa kanya ni Bobby at hindi niya napigilan ang hindi matawa sa sinabi nito sa kanya.
“Pinagsasasabi mo, loko ka, may asawa ka na naghahanap ka pa ng bachelors party,” ang sagot niya sa kaibigan na may kasamang mga tawa.
“Interisado lamang ako at hindi pa ako nakaka-attend ng ganun,” ang sagot n kaibigan bago ito lumagok ng beer mula sa bote.
“Ulol, sayawan mo na lang miss mo nang matuwa pa sa iyo,” ang nakangiting sagot niya at muntik nang maibuga ni Bobby ang iniinom nitong alak.
“Ibuga ko kaya sa iyo itong beer,” ang banta ni Bobby sa kanya sabay punas ng bibig nito sa manggas ng suot na lumang t-shirt.
“Subukan mo nang masuntok ko na yang bibig mo,” ang banta rin niya rito. Batid ng dalawa na puro biro lamang ang lumalabas sa kanilang mga bibig, ni minsan ay di sila nagkaroon ng malaki o mabigat na dahilan para mag-away na magkaibigan. Nagkakatampuhan sila pero agad nilang napag-uusapan ang di pagkakaintindihan at naaayos nila itong agad. Parang magkapatid na ang turingan nila sa isa’t isa, dahil ang kanilang mga ama ay magkakaibigan din.
“Ha ha ha,” ang tanging sagot ni Bobby sa kanya at muling namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Sabay silang uminom ng pangalawang bote nila ng beer habang nakatanaw na malawak na kapaligiran na naliliwanagan ng mga poste ng ilaw at ganun na rin ng maliwanag na sinag buwan nang gabi na iyun.
“Sinong makapagsasabi na mapapasa-iyo ang rancho na ito?” ang sambit ni Bobby sa kanya habang parehong nakatanaw ang kanilang mga mata sa kanilang harapan.
“Ano kaya ang masasabi ng mga tatay natin?” ang tanong ni Bobby sa kanya at isang buntong-hininga ang pinakawalan niya kasunod ng isang malungkot na ngiti.
“Hindi ko alam Bobby, siguro, masaya ang tatay,” ang malungkot niyang saad dito.
“Sigurado si tatay ay masaya sa narating mo Seth, kahit pa, nauna na siyang nilisan tayo,” ang sagot ni Bobby sa kanya na wala ng bakas ng kalungkutan sa boses nito. Marahil sa pagdaan ng panahon ay natanggap na nito ang sinapit ng ama, pero siya? Hanggang sa sandali na iyun ay inuusig pa rin siya ng kanyang konsensiya.
“Bakit parang hindi ka masaya? Ayaw mo ba na maikasal sa babaeng matagal mo ng sinisinta?” ang tanong ni Bobby sa kanya at muli na naman siyang Napabuntong-hininga.
BINABASA MO ANG
The Bribe To Be - Gabriella Kirkland - Kirkland Series (completed)
RomansStrictly for mature readers only 18 and up. Please be guided. Her family has deeply hurt him from the past, and now, it's time for retribution, and she's going to be the payment that he has always wanted. Completed February 2, 2021 © Cacai1981