Erica Pov
Napabuntunghininga ako sa mga iniisip ko. Wala pa rin akong hakbang kung pano makalapit kay Travis. Alam ko na may naisip ng mga gimmick ang mga kaibigan ko pero loading pa rin talaga ako wala akong maisip maski isa. I crossed my arms ng may kumatok sa pinto ng SSG office.
"Pasok bukas yan"
"Erica tuloy pa ba ang meeting?" tanong sakin ni Cyrus sya ang vice president sa supreme student government (SSG)
"Oo naman, sa thursday na yun"
"Ganun ba sige, wala ka na bang ibang ipapagawa?"
"Wala na salamat paki sabi nalang din sa iba dismiss na" pagtatapos ko para makapag isip na ako ng hakbang para makalapit kay Travis.
"Okay cge, see you tomorrow nalang?"
I nodded
"Yeah, ingat sa pag uwi."
Sumandal ako sa upuan ng isinara na ni Cyrus yung pinto. Kailangan ko ng kumilos. Gusto ko ring makita si Travis na tumatawa,, hay kung mathematical lang sana sya ay siguradong ako na ang nanalo. Tumayo ako at napagdesisyohang umuwi bahala na nga lang. Magpapatulong nalang ako kay Chessa i know interesting din para sa kanya si Travis. Hmmm,, napaisip ako pwede rin,,
*****
Kumakain kami ng snack na magkakabarkda. Dahil walang klase kasi school fair namin ngayon kaya nagsasaya ang mga student.Kompleto kami ngayon sa ssg office ko si Jessica at Diane parang wala lang good mood si Kylie eto nakasimangot ang sama ng tingin sa cake halos durog na sa kakasaksak nya poor cake. Si Sarrah naman ito magkasalubong ang kilay habang may ka txt at sino naman kaya ang txtmate nito?? And Tricia.. Speaking of the devil dumating na rin may dala dalang papel.
"Ito basahin nyo, gumawa ako ng limang kopya nyan" sabay upo sa bakanteng upuan.
Inabot ko naman ang papel at binasa.
Rules and regulation of the bet.
Travis McKinley
"Dapat ba talagang may ganito?"
React ko ng makita ang pangalan ni Travis.
"No sharing of updates, no spying on others, no sabotaging, it should be a secret only, no outsiders allowed except if needed (emergency use only), and lastly NO FALLING INLOVE"
Nanlaki ang mata ko sa nabasa.
"Bakit??"
"Simple no emotions should involve, nakakasira sa plano"
"Alam ko na para sa akin ang rule na ito Tricia"
"Sort of"
Nagtawanan ang iba.
"Nice one Tricia" kantyaw ni Sarrah
Napatingin naman ako kay Kylie nakakunot pa rin ang noo, problema nito??
"Teka pano kung malaman ni Travis ang plano natin?" tanong ni Diane
"Hmm, wala naman tayong ginagawa na masama, in fact tinutulungan natin sya" sagot naman ni Tricia sabay subo ng hopia "Walang mangingialam, do whatever tricks you have in mind no harm done okay? Ang mananalo ay pipirma dito sa baba, she can get the cash or maging alipin nya yung mga losers ng isang buwan and losers are not allowed to complain"
Mahabang paliwanag nya.
"So rude" angal ni Jessica
"Kaya nga galingan natin, so gudluck girls.."
Shit..!! Wala pa nga akong plano, ayaw kong maging alipin noh!! Pano na toh? Sumakit ang ulo ko sa pinagsasabi ni Tricia, ano ba itong napasok ko?
Please help me..
Tiningnan ko sila isa-isa si Sarrah busy sa ipad nya, si Diane at Jessica busy sa chikahan si Tricia kumakain habang si Kylie parang galit na ewan, ako?? Ito nganga.. Ano ba ang gagawin ko? Sana kahit anong subjects lang ito madali lang sana sakin pero ito?? Wala akong ideya huhu,, nangangapa pa ako ano sa naman itinuro ito ng mga teachers noh? Hindi nasa ako nahihirapan ngayon. Lumingon ulit ako kay Kylie tatanungin ko sana kung ano ang problema pero tsaka na nga lang alam ko naman na hindi sya magsasalita ehh, bayaan na nga lang itong problema ko muna aasikasuhin ko.
Please comment po ^_^
Para naman malaman ko mga reactions nyo.. Salamat sa pagbabasa :-)
BINABASA MO ANG
Snob Prince and the Gucci Shoes
RomanceKylie Spencer was fearless and childish. Theres no way she could not make the snob prince Travis McKinley smile and even laugh. Gagawin nya ang lahat para sa premyong gucci shoes. Pero bakit ng manalo sya ay hindi sya nakadama ng saya? Imbes na mags...