Chapter 1

6.2K 84 5
                                    


Jennie's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mga mata ko.

Binuksan pala ni Mom ang kurtina.

"Mom naman eh..nakakasilaw..aishh." inaantok pa na sabi ko ng tumabi sakin ang mama ko at hinawi ang buhok ko.

"Sweetie gising na. Malalate ka sa school mo. Wag ka na tamarin. Graduating ka na oh." sabi nya at bumangon naman ako.

"Ito na nga po oh gising na. Susunod na lang po ako sa baba." I said at tumango naman siya at lumabas na sa kwarto ko.

Anyways..Hi! I'm Jennie Kim! 25yrs old graduating student. Political Science ang course dahil yun ang gusto ng Mom ko. See? Parang control talaga nila ako.

Back to reality.

Last year ko na dito sa YG University. Nakakalungkot na nakakatuwa kasi makakapagtapos na din ako sa wakas. Nakakalungkot kasi magkakahiwahiwalay na kami ng mga kaklase ko at kaibigan. Yung iba sa ibang bansa na mag mamaster ng course nila.

I have 6 friends. All of them are nice. Pareparehas kami ng course na kinuha dahil gusto daw nila ako damayan. Sabi ko nga wag na dahil baka mabaliw sila sa Law HAHAHA pero mapilit eh. So yeah magkakaklase kami. And first day of school ngayon kaya dapat di na ako patanga tanga dito at kanina pa dapat kumilos.

Dumiretso na ako sa C.R at binilisan ang pag ligo. Tanghali pa naman ang pasok namin mga 12 hanggang 9pm. Gabi na no? Ayos lang.
.
.
.
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na kaagad ako. Habang nagbibihis ako at nag aayos ng sarili ay iniisip ko na agad kung paano ako makakaraos sa araw na ito. I mean..mayaman naman kami pero kasi punong puno ng lungkot ang puso ko parang mula ulo hanggang paa ang lungkot ko hindi lang halata.

I'm not even a social butterfly in short Hindi ako friendly at mahiyain ako. Mabuti na lang at kaklase ko ang mga kaibigan ko at di ko na kakailanganin ng madami pang kaibigan. Hehehe. Sila lang sapat na.

Natapos na akong mag ayos ng sarili ko at agad na bumaba para mag almusal. Malaki ang bahay namin, may garden at pool ito pero wala kaming Maids. Mom doesn't want to have maids kasi kaya naman daw namin linisin to. May mga kamay naman daw kami so why bother pa na mag maid.

Ang meron lang kami ang driver at body guards. 2 driver at 4 na body guards. Isa sakin at ang iba ay dito sa bahay.

Maganda ang bahay..maaliwalas pero malungkot ito. Walang kabuhay buhay. Yes malungkot kasi 3 lang kami dito sa bahay na to. Si Lola, Mom at ako. Where's dad? Well wala siya. Broken family. Sumama siya sa iba. Alam ko naman na darating ung araw na iiwan nya kami eh. So yeah. Nangyari nga! Galing mo talaga self.

"Oh anak nakatulala ka jan, tara na kain na. Alam ko gutom ka na." sabi ni Mom at nginitian ko lang siya sabay dulog sa lamesa

Mom is nice pero kapag galit ito, galit talaga. Mas mabuti kung intindihin na lang siya at wag sumabay kapag galit siya dahil walang makakapigil sa galit niya.

Madalas kami magtalo dahil sa gawaing bahay. Kesyo di daw ako naglilinis at ang tamad tamad ko daw. Eh ang totoo lagi kasi siyang wala dito kaya di niya nakikita na naglilinis ako. Wala akong kakampi dito sa bahay, miski lola ko pinapagalitan ako. Nakakainis na.

"Pagbutihin mo ang pag aaral mo Anak ha? Para makapagtapos ka at maging succesful na Abogado ka." sabi niya at tinuloy ang pagkain.

Tumango lang ako pero deep inside gusto ko ng sumuko sa kurso na ito. Hindi naman kasi ito ang gusto ko bakit ito ang pinipilit sa akin. Nakakainis!

Binilisan ko na ang pagkain ko at kaagad na tumayo at kinuha ang bag ko sa gilid.

"Mag ingat ka ha! Study hard." sabi ni Mom at ngumiti na lng ulit ako. At tumango nmn siya sabay kuha ng mga plato at diretso sa kusina.

Fix You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon