Jessel
"Paano natin sasabihin sa kanya?"
"Kailangan ba nating sabihin?"
"May karapatan siyang malaman ang totoo."
"Pero nakita mo diba? Nakita mo siyang umiyak David. Hindi ko man alam ang dahilan pero alam kong nasaktan siya. Kilala kong matatag na babae si Jessel. Hindi siya umiiyak kapag hindi siya nasasaktan."
"I know. Pero paano natin sasabihin sa kanya na bumi—"
Napaungot ako sa naririnig na boses sa paligid dahilan kung bakit nagising ang natutulog kong diwa. Unti-unti kong iminulat ang mata ko at puro puting kulay ang sumalubong sa akin. Kung hindi lang dahil sa amoy ng gamot ay aakalain kong nasa langit na ako.
"Jessel. Buti naman at gising kana. Ayos na ba ang pakiramdam mo? May gusto ka bang kainin? Gusto mo ng tubig?" Sunod-sunod na tanong ni Blaice nang makalapit siya sa akin.
Nilingon ko siya at ganun nalang ang pagkagulat ko nang makita ang pag-aalala sa mukha niya.
"Lalabas lang muna ako. Bibili lang ako ng makakain natin." Singit ni David na binigyan pa ng makahulugang tingin si Blaice bago lumabas.
"A-Ano bang nangyari?" Namamaos ang boses kong tanong sa kaibigan ko.
Sinubukan kong bumangon para umupo ngunit mabilis niya akong pinigilan at pinahiga pabalik.
"Wag ka munang bumangon. Humiga at magpahinga ka lang." Aniya na inayos pa ang kumot sa katawan ko. "ano ba kasi ang nangyari at nakita kitang umiiyak sa labas ng pinagtatrabahuan mo?"
Dahil sa kanyang sinabi ay bumalik muli sa isipan ko ang nangyari. Mapait akong napangiti at tinakpan ang mga mata ko gamit ang isa kong braso. Pero kahit itago ko kay Blaice ang pagluha ko, makikita at makikita niya ito.
"Ang sakit.." ang tanging nasabi ko dahil iyon naman ang totoo.
Isang put*nginang sakit lang ang nararamdaman ko dahil sa nalaman. Bakit ba ganun? Kung kailan sigurado at handa na ako, saka ko pa ito nalaman ang lahat. Diba mas mabuti yun? Mas mabuting nalaman ko ng maaga dahil may posibilidad na lokohin pa niya ako.
Pero hindi ako handa.. I can't bear the pain I'm feeling right now! Sa sobrang sakit gusto ko nalang mamanhid ang puso ko at hindi makaramdam!
"Bes naman.." punong-puno ng lungkot ng boses ng kaibigan ko. "nag-aalala na ako sayo. Gaano ba kasakit yung nangyari sayo na hindi mo man lang masabi sa akin? Hindi ako nagtatanong bilang chismosa, nagtatanong ako dahil kaibigan kita. Nag-aalala ako sayo."
Mariin akong napapikit kasabay ng pamamalisbis ng aking luha dahil hindi ko alam. Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin sa kanya. Pero diba dapat kailangan? Para man lang maibsan ang sakit dito sa puso ko. Epektibo kaya yun?
"Ikakasal na siya.." tatlong salita. Tatlong salita lamang ang nasabi ko pero sapat na para gumuho ang mundo kong sinisimulan ko palang buuin.
Rinig ko ang marahas niyang pagsinghap at pagmumura pero hindi ko na yun nagawang pansinin. Kahit hindi ko sabihin kay Blaice kung sino, alam na alam niya kung sino ang pinupunto ko.
"Paano mo nalaman?" Tanong niya gamit ang kalmadong boses. Pero alam ko, alam na alam kong hindi siya kalmado sa loob-loob niya.
Tinanggal ko ang braso na nakatakip sa aking mata at tiningnan siya. Kahit hilam ng luha ang mga mata ko, kita ko parin ang mga mata niyang nag-aapoy sa galit.
Sinubukan kong ngumiti para pagaanin ang loob niya ngunit napaluha lamang ako. Marahas akong napahugot ng hininga bago inabot ang kamay niyang mahigpit na nakakuyom.
BINABASA MO ANG
Black Mafia 10: Zack Allego [Published Under LLP]
Romance-Be kind is my attitude. But how could I be kind if I met the man who have nothing to do but irritate me?- Zack Allego is the only son that his parents spoils him. He can get what he want in just a snap of his finger. He love teasing and irritate p...