Bestfriend ♥

4 0 0
                                    

 Naranasan mo na bang magkaroon ng Bestfriend? Ung taong handang magabot ng kamay niya pagkailangan mo. Ung taong laging nandiyan pag may problema ka. At yung taong handang gugulin ang oras niya para lang sayo. Sabi nila mahirap na humanap ng ganyang tao ngayon. Karamihan sa tao ngayon e kung may pera ka, andiyan siya. Kung wala, nganga. Pero naranasan mo na bang mahulog sa Bestfriend mo? Ung maiipit ka sa nararamdaman mo. Indi mo alam ang gagawin mo. Kung ipagtatapat mo ba ang tunay mong nararamdaman o hahayaan na lang ba maging masaya kasama siya.

  Ako si Ciara. Isang estudyante sa paaralan ng Bulakan. Tahimik. Indi sanay makihalubilo sa maraming tao. Wala masiyadong kaibigan. Siguro dahil na rin yun sa mga magulang ko. Indi nila ako pinalalabas ng Bahay. Tanging mga libro, lapis at papel lamang ang aking kaharap sa buong maghapon. Indi ko nga alam kung bakit ganito ang buhay ko e. Bahay. Eskuwelahan lang ang alam kong puntahan. Pero isang araw sa eskuwelahan nakilala ko si Jane. Siya ang unang kaibigan ko na naglakas loob na magpakilala sa akin.

  "Ciara, right?" sabi niya.

  "Yep. Bakit? May maitutulong ba ako?" ganti ko naman.

  "Wala lang. Napakatahimik mo kasi dito sa Room natin." ika niya.

  "Ha? Ganun lang talaga ako." nakangiting sabi ko. 

  "Sama ka mamaya? Papakilala kita sa mga Barkada ko." anyaya niya.

  "Pasensiya na ha. Indi kasi ako pinapayagan ng magulang ko na gumala gala pa." patanggi kong sabi.

  "Ang Kj mo. Para kang timang? Aantayin mo pa bang magkaugat ka bago ka lumabas?" pangaasar niya.

  Wala na akong nasabi pang dahilan para tumanggi sa alok ni Jane. Siguro panahon na nga siguro para makipagpatintero ako sa mundo. Makipagtaya-tayaan sa mga kapwa ko tao at indi sa mga bagay na nasa kuwarto ko lamang. Pinakilala niya ako sa mga kaibigan niya ng dumating kami sa bahay niya. Nakilala ko sina Anjie, Mae at Kristine. Masaya sila kasama. Makukulet. Maraming kalokohan. Magaganda. Mayaman. Habang nagkakasiyahan kami sa sala nila Jane ay may kumatok sa pintuan. Nang buksan ni Kristine ay bumungad sa amin ang tatlong lalaki na nakasuot din ng uniporme na tulad sa amin. 

  "Oh? Kanina pa kayo diyan?" sabi ni Chris.

  "Slight. Saan ba kayo nagpunta? At huli na naman kayo." sabi ni Mae.

  "Eto kasing si Gino nagyaya pang kumain sa may kanto." sumbong ni Janno.

  "Nagutom ako e. Pasensiya na." sabi ni Gino.

  Dali dali namang pumasok ang mga bagong dating. Makulet din sila at makalokohan.  Naging maingay ang hapon na iyon. Marahil siguro unang pagkakataon ko iyon na makisalimuha sa ibang tao bukod sa mga pamilya at kamag-anak ko. Ngunit maya maya ay naglabas si Anjie ng dalawang bote ng alak. Nagtanong ako kaagad.

  "Iinom kayo?" tanong ko.

  "Oo. Lagi na naming ginagawa iyan." sabi ni Kristine.

  "Bakit ikaw indi ka ba umiinom?" sabi ni Janno.

  "Pasensiya na ha. Indi pa kasi ako pinapayagan ng magulang ko." ika ko.

  "Sige na nga. Sa susunod na lang." sabi ni Jane.

  Nagpakalasing sila. Habang ako e nanonood lang ng Tv. Nakita ko doon kung sino ang mga may lihim na may pagtitinginan. Makukulit na sila. Mga ignorante na. Siguro dahil iyon sa karisma ng alak. Maingay sila siguro dahil bakante bang bahay nila Jane. Wala ang magulang nila. Mayamaya ay pinagpasiyahan kong pumunta muna sa Terris. Magpalamig muna kahit papaano. Sakto namang papalubog na si Haring araw. Maganda ang lugar na pinagmamasdan ko ng may biglang nagsalita sa likod ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriend ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon