Pangarap Ko Ang Ibigin Ka

221 2 0
                                    

“Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka”

          Nakatingin lamang ako sa kawalan habang nakikinig sa mga liriko ng kanta. Lahat ay nagsasaya dahil ngayon ay bagong taon. Heto ako, naka-upo lamang sa harap ng punto ng aking ina habang nakatingin sa kalangitan. Iniisip ko ang mga nangyari saakin sa nagdaan na taon. Tagos sa akin ang kanta. Masakit. Oo pangarap ko nga siya ng ibigin, ngunit bakit kailangan pang saakin mangyari saakin to? Bakit kailangang ako pa?

          “Ma, sabihin mo sakin pakiusap. Hindi na ba ako maaaring sumaya?”

~*~

3 buwan bago ang bagong taon…

          “Ano ba! Hindi ka ba tumitingin sa dinaraanan mo?!?!” Sabi ng binata nang mabangga siya ng isang dalagang tumatakbo habang siya ang naglalakad ng tahimik sa parke. Natigilang ang binata nang makita niyang umiiyak ang babae. Nagkatinginan sila sa isa’t isa. Umiwas naman agad ng tingin ang dalaga.

          “Patawad ho.” Maiiksing sambit ng dalaga. Nakonsensya naman ang binata sa kanyang inasal sa dalaga.

          “Ah. Uhm. Patawad rin. Nagulat lang naman ako. Pero alam mo, hindi bagay sa mga magagandang babae ang umiyak. Dapat lagi lang kayong nakangiti.” Sambit ng binata habang nakangiting nakatitig sa dalaga. Hindi nakaligtas sa tingin ng binata ang maliit na ngiti na sumilay sa mga labi ng dalaga ngunit hindi ito sumagot. Nakita niyang nagaatubili pa ito.

          “Ako nga pala si Elmo Magalona, Moe nalang. Ikaw?” Inabot ni Elmo ang kanyang kamay para makipagkamay sa dalaga. Pinunasan ng dalaga ang kanyang mga luha at ngumiti ng maliit kay Elmo. Inabot narin niya ang kanyang kamay.

          “Julie Anne San Jose, Julie nalang.” Kinuha naman ng binata at hinalikan ang likod ang kamay ni Julie. Namula naman ang mga pisngi ng dalaga.

          “Napakagandang ngalan para sa napakagandang babae. Bakit ka naman pala umiiyak kanina?” Sabi ni Elmo habang inalalayan si Julie na umupo sa isang malapit na bangko. Mga limang minuto naman silang tahimik na nakaupo hanggang sa basagin ni Julie ang katahimikan.

          "Masyado na akong nasasakal sa aking tiyahin. Tumakas ako sa puder niya kanina dahil sinasaktan nanaman niya ako. Wala na kasi akong magulang, wala nang magtatanggol saakin. Namatay na ang aking ina noong nakaraang taon lamang. Itong kwintas nalamang ang nagiisang ala-ala ko sa aking ina dahil binenta na ng aking tiyahin ang lahat n gaming ari-arian dati para mapunta sa kanya ang aming kayamanan. Ako naman ay pinagtrabaho niya sa dati naming hotel, na kanya ngayong inangkin, bilang isang tagalinis lang. Namatay na ang aking ama. Sabi ng ina ko, namatay daw siya bago pa ako nag-dalawang taong gulang. Nagkakaroon naman ako ng mga panaginip tungkol sa aking ama paminsan minsan. Alam kong nakangiti siya, ngunit hindi ko Makita ng malinaw ang kanyang mukha dahil malayo siya saakin. Sinusubukan ko siyang lapitan, ngunit bawat hakbang ko ang ganun rin ang pag layo niya saakin. Sa kakaabol ko sakanya madadapa ako sa isang bato at doon na ako magigising. Mahal ko parin siya. Kahit na iniwan niya kami. Madalas ako pumupunta sa puntod ng ina ko pagmalungkot ako. Ngayon ewan ko na kung saan ako pupunta. Wala na akong tahanan na babalikan. Wala naman akong ibang kakilalang kamag-anak ko. At isa pa, ewan ko kung bakit ko sinasabi sayo lahat ng ito, pero komportable na ako sayo eh.” Tumingin naman si Julie kay Elmo. Si Elmo ay nakatitig lamang sa mga mata ni Julie, walang emosyong masilayan sa kanyang mukha.

          “Moe?” Tawag ni Julie sa binata dahil sa kawalang-kibo nito. Inalis ng binata ang tingin niya sa dalaga. Umiling ang binata at tumawa ng bahagya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Sanctuary (JuliElmo One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon