chapter 1

2.5K 4 1
                                    

ANG MGA NEGATIBONG EPEKTO NG PAGLALARO NG COMPUTER GAMES.

I. INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK

A. Paglalahad ng suliranin

Sa panahon ngayon, madaming kabataan ang sadyang naadik sa paglalaro ng computer games. Sa paglalaro ng computer games, naapektuhan ang isip ng isang manlalaro dahil siya ay nagkakaroon ng mga pantasya ukol dun sa nilalaro niya. Ang madalas na nagbibigay ng epekto ay ang mga computer games na may karahasan na kasama. Mga larong may temang sex, pagpapaslang at paggamit ng mga sandatang nakakamatay. 

B. Pag-aaral

May mga kaso sa ibang bansa tungkol sa mga negatibong epekto ng paglalaro ng computer games, kinokopya ng mga manlalaro ang mga aksyon at isinasabuhay ito, dahil sa sobrang paglalaro ng computer games naaangkop na nila at ginagaya ang kanilang nakikita na lalong nagiging adik sila dahil sa kaharasan. Ang iba naman ay nagbibigay ng positibong epekto sa pamamagitan ng pagbibigay ng lesson na magaganda at ginagawang mas malawak ang imahinasyon ng isang manlalaro. Ito yung mga ginagamit nila sa pag aaral o mga talentong na nahahasa na kanilang nakikita sa pagiging malikhain at sa mga sosyal na akitibidades ng laro.

C. Layunin

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang maging kumpleto ang grado sa kursong FILIPINO II, ito ay isang “requirement”upang makapasa. Pwede rin ito sa mga kabataan, lalo na yung hindi na maalis ang kamay sa keyboard at ang grado ng salamin ay umaabot ng libo libo sa dahilan na isa siyang adik o manlalaro ng computer games. Ito ay para sa mga interesado malaman ang mga posibleng negatibong epekto ng paglalaro ng computer games.

D. Halaga

Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay upang magbigay kaalaman sa mambabasa ang epekto ng paglalaro. Ito ang magbibigay kaalaman sa kanila kung ano ang mga posibleng mangyari kung sakaling maadik ang isa sa paglalaro ng computer games. Sa mga mata naming mananaliksik, mahalaga ito malaman ng mga manlalaro upang mabigyan ng limitasyon ang sarili sa paglalaro.

F. Metodolohiya

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kasanayan sa pagsulat ng terminong papel, naghanap ng mga materyales na maaaring makatulong sa kanilang pananaliksik at sariling pag iisip tungkol sa paksa. Nagtanong na rin kami sa iba’t ibang tao tungkol sa kanilang karanasan at kaalaman base sa aming paksa na inaaral.

G. Saklaw at Delimitasyon

Ang paksa naming ay ang “Epekto ng Computer games sa kabataan.” Ang nasasakop lang ng aming pananaliksik ay yung mga negatibong epekto nito sa kabataan lamang. Nasasaad din dito ang nahanap naming mga kaso sa ibang bansa dahil sa pagiging adik sa computer games.

H. Daloy ng pag-aaral

Mas madami ang nakita naming negatibong epekto ng computer games sa kabataan kesa ang positibo kaya’t ito na lamang ang aming tinahak na paksa. Nais naming mga mananaliksik ipaalam sa mga mambabasa ang negatibong epekto ng computer games, upang magkaroon sila ng higit na kaalaman tungkol dito. Nais din naming matulungan ung mga nababahala sa pamamagitan ng aming mga rekomendasyon.

Hindi naming sinasabing ito ay masama, nagiging masama lang kung hindi na malubayan ang computer games. Masama kung mas lamang ang saklaw na oras na paglalaro kaysa sa pag-aaral. Masama kung dahil dito ay nakakasakit tayo ng ibang tao.

II.INTRODUKSYON SA PAKSA

Ano nga ba ang computer game?

Ito ay ang mga larong nilalaro sa kompyuter. Ito ay madalas na nagbibigay aliw sa atin, lalo na sa mga kabataan ngayon. Ang mga halimbawa nito ay DotA (Defense of the Ancient), Counter Strike, Warcraft, NBA Live, Doom, Ragnarok at marami pang iba. Ito yung kadalasang pagpasok mo sa isang computer rentals, makikita mo na madami ang nagsisigawan dahil sa aliw na hated nito. Nauso ito sapagkat marami ang naaadict sa iba’t ibang klase ng computer games. Siyempre ipagkakalat ng isang manlalaro ang kanyang ginagawa upang magkaroon siya ng kakwentuhan ukol dun sa laro na siya ay interesado. 

Bilang isang manlalaro, nais mo na maging isang bihasa sa iyong nilalaro at maging lamang sa ibang mga manlalaro. Kailangan gamitan ng utak ang mga computer games upang mahasa ang abilidad sa pagmamanipyula ng laro.

III. KATAWAN NG PANANALIKSIK

Hindi naman masama ang paglalaro ng computer games ngunit kung maging adik ang isang binata dito, ibang usapan na yan. Depende naman yan kung merong karahasan ang nilalaro o ito ay isang pang aliw lamang. Katulad ng Sims, ang pinaka layunin ay buhayin ang isang tauhan sa pamamagitan ng pagpakain dito, tamang ehersisyo at pagbibili ng mga lupa upang mapayaman at mapaganda ang pamumuhay ng tauhan. Ang Counter Strike naman ay iba, ang layunin dito ay pataying ang kabilang kupunan. Kung ikaw ay terorista, kailangan mong patayin ang mga Counter-Terrorist at vice versa. Pag isinabuhay mo ang dalawang laro na nasabi, diba mas mainam kung yung Sims ang gagayahin natin. Wala tayong masasaktan, hindi katulad ng Counter Strike, kelangan pumatay.

EPEKTO NG MARAHAS NA COMPUTER GAMES SA KABATAAN.

Ang paglalaro ng computer games na may karahasan tulad ng Grand Theft Auto at DOOM ay kayang pataasing ang pagiging agresibo ng kabataan. 

(Eric Harris kaliwa, Dylan Klebold kanan.)

Merong mga kabataan na manlalarong nalilihis ang pagiisip sa katotohan sa pantasya. Isa dito sila Eric Harris at Dylan Klebold na manlalaro ng DOOM at Wolfstein 3D. Sila ang mga hayskul na estudyante na nasangkot sa Columbine High School Massacre na naitala na 13 ang namatay na estudyante. Ang mga nasugatan ay bilang na 24 na tao. Pagkatapos ng nasabing krimen ay nagpakamatay ang dalawa. ( http://en.wikipedia.org/wiki/Eric_Harris_and_Dylan_Klebold )

Si Devin Moore ay isang player ng Grand Theft Auto na isinabuhay ang laro sa tunay na buhay. Pumatay siya ng dalawang pulis at dispatchador pagkatapos kunin ang pistol sa mga pulis dahil siya ay nasuspetsahan na nagnakaw ng kotse. Pagktapos niyang patayin ay kinuha niya ang kotse ng pulis at umalis sa lugar ng krimen. Siya ay humarap sa korte noong 2005 at nasentensyahan ng kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection. ( http://en.wikipedia.org/wiki/Devin_Moore )

Isang tsinong binata na adik sa larong World of Warcraft na nasobrahan na sa pagpapantasya. Pagkatapos niyang matalo sa isang kaklase, sinugod niya ito at binuhusan ng gasolina ang buong katawan ng kaklase. Naglalaro ang kanyang utak at sinasabing siya ay isang tauhan ng WoW, sumigaw siya ng “Fireball!!” at sinindihan ang kanyang kaklase. Nakulong siya ng 8 taon samantalang ang biktima ay nagtamo ng mahigit kalahati ng katawan niya ay nasunog.

IV.KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

A. Kongklusyon

Ang computer games ay may negatibong epekto. Ngunit ito ay depende sa nilalaman ng nilalaro nila, kung ito ba ay marahas o ito ay isang laro na nagbibigay sa atin ng aral upang mas mapaganda natin ang paraan ng pamumuhay. Ang masama dito ay kung puro kasamaan ang laro, maaaring hangaan nila ang tauhan at ito ay gayahin sa tunay na buhay.

Nakakaepekto ito sapagkat mas maraming oras ng kabataan ang naaalay sa paglalaro kaysa sa pag-aaral.

B. Rekomendasyon

Dapat ang mga kabataan ay sumailalim sa mga turo ng kanilang magulang o kaya ay sa nakakatanda. Sana meron silang nasasandalan pag sila ay naging adik sa computer games upang maiwasan kaagad ang negatibong epekto nito.

Dapat ang mga kompanyang gumagawa ng mga nasabing laro ay maging maingat sa pagiging malikhain nila dahil ito ay nagkakaroon ng masamang epekto.

Makahanap ng alternatibong gagawin kaysa maglaro ng computer games sa magdamag upang maiwasan ang pagiging adik nila. Mas mainam kung sila ay nakikipaghalubilo sa tunay na mundo kaysa sa sarili nilang mundo na ang laman ay puro pantasya lamang.

Dapat magkaroon ng patalastas tungkol sa computer games upang malaman ng mga tao ang mga epekto nito.

Dapat idemanda ang mga computer games na sobrang bayolente o ito ay ipagbawal sa industriya. Lalo na sa mga nagkakaso at naging kontrobersiyal sa publiko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

mapanahong papel ukol sa DOTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon