Chapter Three: A Crowd Like No Other
The Lady’s POV (in third-person perspective):
(Hi! May I eexplain lang po ako ah. Megan’s storyline is constructed in third-person perspective. Hindi ko kase alam ang takbo ng utak ng mga kababaihan. Yung kay Colm naman at sa Angel [to be revealed soon] is in first-person perpective. That’s all, thanks for reading!)
Iminulat ni Meg ang mga mata mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nangingibabaw pa rin ang kadiliman sapagkat alas singko palang ng madaling araw. Hindi pa sumisinag ang araw, ni ang tilaok ng manok ay hindi pa maririnig. Sa kanyang pagbangon ay nag unat ito ng buto, binuksan ang ilaw, tinupi ang pinaghigaan at pinatay ang aircon. Tumingin siya sa salamin at nagtaka kung sinong bruha ang kaharap niya, saka naghalungkat ng damit pamasok. Nag shower, (censored) at wala pang dalawamput limang minuto ay nakapagbihis na. Nagtali ito ng buhok, favorite talaga niya ang ponytail. Pagkatapos ay muli siyang humarap sa salamin, and this time, nakilala na niya ang sarili.
Dumungaw si Meg mula sa kanyang bintana, natanaw nito ang bankanteng lote at ang malaking tipak ng bato sa gilid, dito siya madalas magtago tuwing maglalaro sila magkakapatid. Napakadilim at napakatahimik pa ng kapaligiran, makapal pa ang hamog, mistulang scene sa Silent Hill.
Agad niyang kinuha ang shoulder bag para makaalis na ng bahay, hindi para pumunta sa paaralan, kundi para pansamantalang magmumuni-muni sa walls ng Intramuros. Paborito niya kasi ang mga ganitong pagkakataon tuwing madaling araw. Madilim, tahimik, malamig, mahamog; ito ang mga sandaling nagbibigay sa kanya ng pansariling kapayapaan.
Bumaba ito ng hagdan para makapunta ng kusina. Kinuha sa ref ang tinolang manok na ipinabilin sa ina kagabi, ininit niya ito at nagmadaling kumain.
Paalis na sana si meg ng mapansin nitong bukas ang TV sa sala. Mamaya sakin si Gab at Caryl. Subalit ng makalapit ng husto para patayin ito, hindi pala ang dalawang bata ang may kasalanan, kundi ang kanyang Daddy na tahimik na natutulog sa sofa. Bakas sa mukha ng ama ni Meg ang sobrang kapaguran. Anong oras na kaya siya nakauwi? Nakasuot pa ito ng pang business attire, ni hindi man lang niya nagawang magbihis. Pinatay ni Meg ang TV at lumabas na ng bahay, hindi na niya ginising ang ama dahil alam niyang pagod ito kakaasikaso ng kanilang kompanya.
Nakatira sila sa loob ng Intramuros sa Maynila, napili niyang sa PLM mag aral dahil dito nagtapos ang kanyang ama at ito ang pinakamalapit sa kanila. Walking distance, ilang kembot at split lang school na agad.
Nang marating ni Meg ang huling kalye papunta sa PLM ay unti unti ng lumiliwanag ang paligid. Nagpunta muna ito sa walls ng Intramuros na malapit sa DOLE na kung tawagin ay Baluarte de San Andres. Isa ito sa mga lugar na gusto nilang tambayan ng mga malalapit niyang kaibigan. Umakyat siya sa pinaka mataas na bahagi ng wall, malapit sa puwang na pinagpupwestuhan ng lumang kanyon na ginamit noong panahon ng Kastila. Tanaw na tanaw niya ang National Museum at Manila City Hall habang patuloy ang pagsikat ng araw. Nagtagal siya ng labing limang minuto bago tuluyang pumasok ng paaralan.
Maaliwalas ang panahon dahil Enero na, kalagitnaan ng ikalawang semestre ni Meg Bilang graduating student.
BINABASA MO ANG
Captured In Her Eyes
FantasyPaano kung bigyan ni Tadhana ng twist ang buhay nila? Dumating ang pag-ibig sa hindi inaasahang pagkakataon sa isang di inaasahang nilalang. Maiinlove siya sa isang Anghel. Maiinlove siya sa isang tao. Makakayanan kaya nila? Will they transcend the...