kabataan nga ba ang pagaasa ng bayan?

2 0 0
                                    

Sumangi na ba sa isip mo?
Naramdaman mo na ba sa sarili mo?
Natanong mo na ba sa sarili mo?
kabataan pa nga ba ang pagaasa ng bayan na walang iniisip kundi ang sarili lamang ?
Kabataan na katulad mo ay pagasa pa ba ng bayan?
Kabataan pa nga ba ang pagasa ng bayan?

Ang sarap pagmasdan ang mga kabataan
Kabataan nanaglalaro sa labas ng bahay
Kasama ang kanilang kaibigan
Ang sarap pagmasdan ang bawat ngiti nila
Nanaghaharutan habang nakikipagkwentuhan
Kasama ang kanilang pamilya

Mga kabataan na naghahanap ng trabaho para makatulong sa pamilya
Mga kabataan na nagaaral para sa kinabukasan
Mga kabataan na may respeto sa kanilang mga magulang
Mga kabataan walang sinasayang na oras para makatulong sa iba

Nakakalungkot man isipin ang mga ibang kabataan ngayon
Na laging gadget ang hawak nila kaysa makipaglaro sa labas
Kasama ang kanilang kaibigan
Na laging gadget ang inuuna kaysa sa pagaaral

Kabataan ngayon ay laging barkada ang pinapakingan kaysa sa pamilya
Kabataan na ginagamit ang ibang wika
Kabataan na ok na sakanila na makapasa  at hindi na naiisip ang kinabukasan
Kabataan na laging dumadagdag sa mga problema ng ating bayan
Kabataan ngayon ay laging ng wawalwal ang inuuna
Kabataan na hindi iniisip ang pinapagodan  ng kanilang magulang upang makapagaral sila

Ang sarap pagmasdan ang mga kabataan noon
Na laging iniisip ang kapakanan ng bawat tao
Kabataan na hindi kinakahiya ang wikang kinalakihan na ang ating sariling wika
Kabataan na pinagtatangol ang sariling bayan
Kabataan na pagaasa ng bayan

Pero matatapos na nga ba ang lahat dito?
Mawawala na lang ba ang mga kabataan?
Mga kabataan noon?
Na langing tumatangol?
Hindi na ba madadagdagan ang mga kabataan?
Kabataan nga ba ang pagaasa ng bayan?

🎉 Tapos mo nang basahin ang Tula( Kabataan nga ba ang pagaasa ng bayan?) 🎉
Tula( Kabataan nga ba ang pagaasa ng bayan?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon