Aria's POVKanina pa ako palakad-lakad dito sa black road na to pero bumabalik at bumabalik pa rin ako sa dati kong pwesto. Bwisit! Fire, sinusumpa ko, sa ngalan ng piattos na kulay blue at Nova na barbeque flavor, uupakan kita kapag nakalabas ako dito!
Wala man lang ba'ng pwede na makatulong sa akin dito? Aba matindi! Ayos ang Yoso ah! Mamamatay na lang nga ako't lahat, punong-puno pa ako ng kababalaghan. Edi wow! Kayo na!
Pinipilit ko na marinig ulit sina Thea pero hindi ko na sila marinig. Sumuko na ba sila sa paghahanap sa akin? Since hindi ko alam gamitin ang kapangyarihan ko, hindi na nila ako hahanapin?! Aba ayos ah!
"Fire! Walang hiya ka talagaaaaaaaaaa!" Sinipa ko 'yong bato sa harapan ko at hindi ko alam kung saan na napunta. Sana tumama sa ulo ni Fire para makaganti man lang ako bago ako mamatay!
Pero hindi! Over my dead super sexy body which I am the only one who knows it, hindi ako mamamatay! Makakalabas ako dito sa ngalan ng nagsusumigaw kong apdo! Leche talaga!
"Hangin naman, tulungan mo naman ako. 'Di ba, friends tayo? Ilabas mo naman ako dito. Utang na loob lang!" Alam kong para akong tanga na kumakausap sa hangin pero okay lang. Malay niyo naman, mag-work 'di ba?
"Hanging amihan o habagat! Lumapit kayo sakin. Sige na. Ohhhh. Hangin.. lapit sa akin.. come baby, baby, come, come, baby.. yeah.." Tsk. Masisiraan na yata ako ng ulo dito e hindi pa rin ako sinusunod ng magaling na hangin.
Minsan naisip ko, apoy ba talaga ang powers ni Fire? Hindi ba Air? Ang hangin niya kasi e.
Sige, Aria. 'Yan pa talaga ang inisip mo ha? E kung maghanap ka kaya ng paraan para makaalis dito.
Again, naglakad ulit ako. Nakakapagod na nga e. Feeling ko nag-aalay lakad ako. Minsan may fun run pang kasama.
"Hellooooo! Is there anybody out there?! Yuhoooo!" Makakapag-isip siguro ako nang maayos kung may kasama ako. Ang hirap kasi ng ganito e. Ang dilim. Nakakatakot. Paano ako magcoconcentrate 'di ba? E kapag pinipikit ko ang mata ko, iniisip ko na pagmulat ko, kaharap ko na si Sadaku e.
"Wala man lang bang ibang tao dito?! Ano 'to? Forever alone ako?! 'Yong totoo?" Sige, Aria. Mag-ingay ka pa.
"Hello?! Wala ba talaga akong kasama dito?!" Grabe. Naiiyak na ako. Tiningnan ko 'yong relo ko. Sabi kasi diba ni Ciero, kapag inabutan na ako ng gabi dito at hindi pa ako nakakalabas, forever na ako dito.
Though lagi namang madilim dito. Nakakatakot. Baka mamaya may bigla na lang manghila sa akin dito. Paano kung biglang sumulpot si Anabelle doon sa puno?! Aria, tama ba naman na takutin mo ang sarili mo?!
Pagtingin ko sa relo ko, 4:36 pm na! Hala! Gano'n na ako katagal na nandito?! Grabe! Feeling ko ilang minuto pa lang ako na nandito sa black road, 'yon pala, halos maghapon na?! At ang isa pang nakakaloka, malapit nang gumabi!
"Langya ka talaga Fire!" Umiyak na ako. Natatakot ako. Natatakot ako sa idea na dito na ako for life. Mag-isa lang tapos walang makakain. Omygod! Bakit ba 'to nangyayari sa akin?!
"Mama! Tulong!" I said while crying. Tinitingnan ko 'yong necklace na binigay sa akin ni mama.
"Mama..." I blurted out bago ako mawalan ng malay.
Fire's POV
Sh*t ka, Fire! Hindi mo binantayan si Aria! Wala kang kwenta!
"Ciero, wala na ba talagang ibang paraan para mailigtas si Aria?!" I asked. Alam kong natatakot si Aria. Nararamdaman ko 'yon at lalo akong naiinis sa sarili ko.
"Fire, wala na tayong ibang pwedeng gawin kundi ang maghintay. Buti sana kung kaya mo ng gamitin ang blue fire mo na pwedeng magpakita sa atin kung nasaan si Aria pero alam mo naman kung gaano kahirap kontrolin ang blue fire. Isang pagkakamali mo lang ay pwede ka niyang sunugin," he said. So gano'n? Tatayo na lang kami dito habang nando'n si Aria?!
"Fire, saan ka pupunta?" tanong ni Kai.
"Hahanapin ko si Aria." I said at umalis na sa classroom. Kaya kong malaman kung black road na ba ang dinaraanan ko o hindi. Sana lang ay lapitan ako ng black road. Hintayin mo ako, Aria.
Aria's POV
Nagising ako sa ingay na naririnig ko. Teka, kanina lang ang tahimik dito ah.
Naglakad ako at hinanap ko kung nasaan 'yong maingay. Malay niyo naman may iba pang katulad ko na shungangers na naloko ng black road. Edi pareho kami. Best friends agad kami pag nagkataon. At galak na galak ka talaga, Aria?
Pero 'yong iniisip ko ay sobrang layo na nakikita ko.
Nagulat ako nang makakita ako ng dalawang malaking gagamba. At kapag sinabi kong malaki, I really mean it. Malaki!
"Jusme! Anong kalokohan 'to?!" Mukhang nakuha ng pagsigaw ko ang atensyon ng dalawang gagamba na sobrang laki. Mas malaki pa sa akin.
Patay na talaga ako.
Hanggang dito na lang yata ang role ko dito.
Grabe si Author. Ang haba ng exposure ko sa kwentong ito ha. 'Di naman ako nainform na tragedy pala ang peg mo sa buhay ko.
Susugurin na sana ako ng dalawang gagamba nang maisipan kong tumakbo. Syempre hindi ko naman hahayaan na kainin na lang nila ako ng walang kahirap-hirap! Aba! Siniswerte naman na yata sila! Kakainin nila ang magandang katawan ko ng hindi man lang nag-eeffort?!
Takbo ako nang takbo at hindi ko na alam kung saan ako lumulusot. Umiiyak pa ako habang tumatakbo. Halo-halo na ang nararamdaman ko. Nagagalit ako kay Fire kasi iniwan niya ako. Hindi niya man lang ako hinanap. Hindi man lang siya nagtry. Naghalo na 'yong galit at takot ko sa gagamba na 'to at sa thought na ngayon na ako mamamatay. Nakakalungkot lang na hindi ko na ulit makikita si Mama.
Nakakainis! Sana normal na tao na lang ako! Edi sana sa oras na 'to, naglalaro na ako ng Dota sa bahay habang kumakain ng popcorn. Tapos mag-oonline sa facebook. Magbabasa sa wattpad. Matutulog. Kaya lang, hindi na gano'n e. Tanggapin mo na Aria. Ending mo na ngayon.
Habang tumatakbo ako, bigla akong bumangga sa isang puno. Again, nandito na naman ako sa kung saan ako galing. Pagod na akong tumakbo samantalang ang mga gagamba na ito, feel na feel pa rin ang paghabol sa akin. Langya! Hindi man lang napagod?!
"Time out muna!" I said at tumigil ang dalawang gagamba. Hindi ako earth person kaya hindi ko kayang makipag-usap sa mga hayop. Though kaya kong makipag usap sa mga asal hayop na tulad ni Fire.
"Mamaya na natin ituloy ang habulan blues natin, okay?" I told them na as if naman maiintindihan nila ako.
"May tubig ba kayo diyan?" I asked. Medyo nawala na 'yong takot ko at sa uhaw ko ako nagfocus. Pero syempre, wala akong nakuhang sagot sa kanila. Ay ang taray! Snob ang mga higanteng gagamba dito.
Unti-unti na naman silang lumapit sa akin. Ayan, Aria! Kinausap mo pa kasi e! Kung sana trinanslate mo sa Japanese ang mga sinabi mo baka sakaling naintindihan ka nila! Bigla akong nahilo. Kasi naman 'di ba, kaninang umaga pa ako nandito. Tapos hindi pa ako kumakain. Wala ring tubig. E tao pa rin naman ako kahit na may elemento akong kayang kontrolin. Idagdag pa ang sugat ko sa ulo na nakuha ko noong bumangga ako sa puno. Ano ba naman 'to?!
Grabe. Hindi ko pa nga na-eenjoy ang paggamit ko sa kapangyarihan ko tapos ito na, ending ko na? Grabe ka Miss Ai! Why you gotta be so rude? Don't you know I'm human, too?
Unti-unti na ring dumilim ang paningin ko. Pero bago pa ako tuluyang mawalan ng malay, I heard someone who called my name.
"Ariaaaaaaa!"
It's Fire.
❤Miss Aiツ
BINABASA MO ANG
Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)
FantasiIn order to maintain the balance of this world, there's a rule to be followed. Don't fall in love with someone who belongs to other Elemental Kingdom. If you do, you'll die. This is a story that will make you think if in what Elemental Kingdom do yo...