"Aantayin kita sa kotse ha?" Abby said then I immediately nodded. Niyakap niya ako ng mahigpit at tinapik ang balikat ko.
"Magpaabot ko didto," sabi niya at nauna nang umalis sa 'kin.
(Mag-aantay ako ron)
I heaved a sigh.
Agad akong nag squat at hinipo ang kanyang pangalan na naka engraved sa kanyang lapida.
"Hey," sabi ko habang pinipigilan ang aking sarili na maluha muli.
Kakaiyak ko lang kanina tas iiyak na naman ako ngayon?
Inilibing na kasi siya kanina rito sa sementeryo at 'di ako makapaniwala na totoo nga ito. Na wala na siya. Akala ko kasi nananaginip lang ako. Parang hindi kasi totoo. Ang bilis lang kasi nangyari lahat ganon. Parang hindi kapani-paniwala.
Ngayon ko lang din nalaman ang surname niya.
Caesar.
"Masaya kana ba riyan?" Tanong ko at biglang lumakas ang ihip ng hangin. Para bang sinagot niya 'yung tanong ko sa gawing iyon
I chuckled
"I'll take that as a yes," I said then I chuckled again.
"Siguro masaya ka na nga riyan, imagine hindi ka na mahihirapan at hindi ka na magpapanggap na nahihirapan kasi namamahinga ka na. Tapos na rin ang pag papanggap mo," I heaved a sigh. "Kung sa'n ka masaya mahal ko, magiging masaya na rin ako. I want you to be happy, Ivan. Always remember na kahit wala nang tayo mahal na mahal pa rin kita... Aalis na ako ah? Babalik din ako, hindi ko nga lang ma-ipapangako kung kailan pero basta babalik ako" sabi ko at agad na tumayo. Pinagpag ko na rin ang dress ko sa may puwitan dahil baka may dumi.
Tamang tamang pagtalikod ko ay agad na nanlaki ang aking mga mata. Nakita ko si George na nakatayo sa gilid. Kanina paba siya riyan?
"George? Is that you?"
Si George 'yung kaibigan ni Brian na teacher din sa New Jersey.
Ka-ano ano niya si Ivan? At kailan pa siya nakauwi rito sa Pinas?
Nakita ko naman siyang naglakad papunta sa direksyon ko.
"Ay hindi, hologram lang ako." pamimilosopo niya.
"Bakit ka andito?"
"Baka pinsan ko 'yang ex-boyfriend mo no?"
My eyes widened.
My jaw literally dropped.
"P-PINSAN MO SI IVAN?"
"Oh, ba't parang gulat na gulat ka?"
Yawa, ang liit lang ng mundo.
"Wala lang, bawal ba?"
I saw the side of his lips rose up then he chuckled.
"Buang ka! Aalis na ako." paalam ko sa kanya at dire-diretsong naglakad papunta sa kotse ko kung saan naghihintay si Abby ngayon.
Oo nga pala, diretso na siya sa airport ngayon.
"Ang tagal mo naman sizt? Bakit? Sumagot ba si Ivan?" Salubong niya sa 'kin habang nakapamewang.
Nakita ko namang nagbihis na siya ng kanyang suot. Naka black dress kasi ito kanina pero ngayon nagpalit na siya ng high waist skinny jeans, color beige na long sleeve turtle neck at naka white sneakers
BINABASA MO ANG
Kanus a Kaha? (Cebuana Series #2)
Lãng mạnKanus a Kaha? (Kailan Kaya?) Completed. [unedited] CEBUANA SERIES 2 Does long distance relationship really works? Or it depends on the person? And does internet love were really true? Will it work for them? Started: November 28, 2020 Ended: January...