"Sabi nila cute sa babae ang maging dog lover. Yung makikita mo siyang nilalaro yung aso maski hindi niya alaga. Pero pag sobra na okay pa ba?"
Mag isa nalang akong nakatira dito sa bahay. Dati rati masayang masaya pa ako kasama ang parents ko, ngaun wala na sila. Namatay sila sa isang car accident at ang tangin iniwan lang nila sakin ay ang aming bahay at ang alaga naming aso....
Si Seiichi,
Isang Golden Retriever na inuwi ni daddy nung nanggaling siya ng Japan.
Bata palang ako ay nandito na si Sei, kalaro ko, minsan pa nga'y kausap pag nasa trabaho pa ang parents ko noong bata pa ako.
***
"Sei, may boyfriend na ako. Masaya ka ba para sakin? Bukas pupunta siya dito. Maging mabait ka sa kanya ah." sabi ko.
kinabukasan...
*Ding* *Dong*
"Oh! Anjan ka na pala Jake. Halika tuloy ka, naghahanda pa lang ako ng pagkain para sating tatlo." sambit ko.
"Tatlo? sino pang kasama mo?" tanung niya.
"Si seiichi, yung aso ko."
"Ah, sige gusto tulunggan na kita maghanda ng pagkain?" alok niya.
"Hindi na, ako nalang. Maglaro nalang kayo ni Sei, tiyak bored na bored na yun." natutuwang sabi ko.
Kinalaro niya si Sei habang naghahanda ako ng makakain. Tinitignan ko sila at parang nagkakasundo naman ang dalawa.
***
Nagtagal kami ni Jake, lumipas ang isang taon. Anniversary date na namin mamaya pero walang maiiwan sa bahay para tignan si Sei.
Umalis kami ng mga alas tres ng hapon, sinundo niya ako sa bahay. Nanuod kami ng sine, nag dinner, at inenjoy ang bawat minutong magkasama kami dahil napaka espesyal ng araw na ito.
"Jake, 9pm na kailangan ko ng umuwi, wala kasing nagbabantay kay Sei, hindi pa din yun kumakain baka magkasakit siya." sambit ko.
"Pwede bang wag ka munang umuwi? Wag mo munang isipin yun aso mo. Ngayong araw lang naman to eh." nakakaawang sagot niya.
"Ah eh hindi pwede eh, sorry." sagot ko.
"Tuwing nasa date nalang tayo lagi nalang yung aso yung nasa isip mo! Di pa pwedeng ako muna maski ngayong araw lang? Mas mahalaga ba yung aso kaysa sakin?!" Sabi niya ng may mataas na boses.
Di ako nakasagot, napayuko ako at napatakbo nalang para kumuha ng masasakyang taxi dahil nabigla ako sa sinabi niya.
***
sa bahay...
"Sei sorry late na ko dumating, late na rin yung dinner mo, sorry baby." nalulungkot kong sabi kay Sei.
***
Sinundan ako sa bahay ni Jake para kausapin ng maayos pero di pa rin namin naayos ang problema.
Paglabas ni Jake sa gate, hinatid namin siya ni Sei.
Papasok na ko, naiwan kong bukas ang gate. Nakadungaw pa si Sei kay Jake habang patawid.
Nang biglang....
Beeeeeeeep!!!
Beeeeeep!!!
Screeeeeeeeeeeeeech!!!
***
Muntik nang masagasaan si Jake!
Pero dahil naiwan kong bukas ang gate nakalabas si Sei para iligtas si Jake.
***
"I'm sorry babe, hindi ito ang gusto ko. Pabalik sana ako sa bahay mo para sabihing tatanggapin ko na si Sei na parang anak na natin at hindi na ko magseselos sa kanya pero habang patawid ako hindi ko napansing may papadating na sasakyan, muntik na kong masagasaan at iniligtas niya ko, I'm sorry." sabi niya.
"Wala kang kasalanan Jake, aksidente ang nangyari, siguro niligtas ka niya dahil alam niyang importante ka din sakin tulad niya." sagot ko.
Niyakap ako ni Jake para icomfort.
Tanggapin man niya si Sei huli na ang lahat, pero kahit anong gawin namin hindi na maiibalik si Sei.
written by: Renaye
BINABASA MO ANG
She's a Dog Lover
Roman pour Adolescents"Sabi nila cute sa babae ang maging dog lover. Yung makikita mo siyang nakikipaglaro sa aso maski hindi niya alaga ito. Pero pag sobra na, okay pa ba?" --dedicated to my dog Seiichi :')