"Kung ice cream lang 'yan, siguro kanina pa siya nalusaw."
Kaagad kong inalis ang tingin ko sa babaeng nagmano kay Mama nang mapansin ako ng pinsan ko. Maganda 'yung babae, matangkad, morena hindi siya payat pero hindi rin mataba, sakto lang ang katawan niya. Mukhang mataray at hindi namamansin.
Ngayon ko lang siya nakitang pumunta sa burol ng Lolo ko. Nakikita ko na siya dati and taga dito lang rin siya. Baka pinsan siya ng kaibigan kong si Kelly. Hindi ko alam kung anong pangalan niya. Wala akong balak alamin dahil may girlfriend ako. Sadyang maganda lang talaga siya para matulala ako sa kanya.
Libing na ni Lolo ngayon "Billy, libing ang pupuntahan mo, hindi ka mamamasyal!" Mabilisan na akong lumabas sa kwarto para sumama na kay Kuya Bren. Wala akong ideya sa kinikilos ko kung bakit gusto kong magmukhang maayos at gwapong tignan.
Nang makarating na kami sa burol ng Lolo ko ay mukhang wala ang hinahanap ko. Pumasok na lang ako sa loob para makipag kwentuhan sa mga pinsan ko. Saktong pag upo ko ay may narinig akong iyakan sa labas kaya mabilis kong tinignan. Si Lola, si Mama at ang mga Tita ko ang nag iiyakan. Tinignan ko ang paligid at sa wakas, nakita ko rin siya.
Mabilis akong umupo sa harap niya na hindi naman kalayuan. Tinignan niya ako pero hindi ko pa rin inalis ang tingin ko sa kanya. Nag dadalawang isip ako kung ngingitian ko ba siya dahil mukha siyang snobber. Umiwas na siya ng tingin nang matagal kaming nagtinginan. Buti na lang ay hindi ko siya nginitian dahil baka napahiya lang ako.
Tumingin lang siya sa phone niya at ginamit niya na lang ito. Nagulat pa siya nang may tumawag sa kanya. Pinagmano siya sa Ninong niya kaya wala siyang choice kung hindi tumayo. Sayang, hindi ko narinig ng maayos 'yung pangalan niya. Tumingin pa siya sa akin bago siya umupo ulit pero yumuko ako dahil medyo nahihiya na ako, kanina pa kasi ako tingin ng tingin sa kanya.
"Ano ba 'yan, si Billy lang ang walang dumating na girlfriend sa mga anak mo, ha?" Sabi nung babae kay Mama nang dumating na ang girlfriend ni Kuya Brix. "Ewan ko ba kung kailan niya ipapakilala ang sakanya." Sagot naman ni Mama. Hindi pa kase niya alam na may girlfriend na ako. Handa ko naman siyang ipakilala pero alam kong ayaw pang pumunta ni Jannah dito. Hindi ko naman siya pwedeng imbitahan na pumunta ngayon. Hindi naman birthday ng Lolo ko, libing niya.
Naramdaman ko iyong babae na nakatingin sa akin kaya tinignan ko rin siya pero as usual, umiwas siya ng tingin. "Tumigil na kayo, hoy!" Nag aaway sa tabi ko ang mga batang pinsan ko.
Nang makita ko iyong babaeng nakatingin sa mga pinsan ko ay naglakas ako ng loob para kuhanan siya ng picture. Ayokong pahalata pero tumingin na siya kaagad sa akin, buti na lang may nakuha na akong dalawa. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito. Paulit ulit ko nang sinabi sa sarili ko na may girlfriend ako pero patuloy ko pa rin tinitignan iyong magandang babae.
Hindi siya nakakasawang tignan. Pati ngayong nasa sementeryo na ay hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa kanya. Lalo na ngayong nagsuot siya ng shades. Siya lang ang tinignan ko imbes na sa Lolo ko na ililibing na.
Nang mailibing na si Lolo ay nakita ko na naman siya sa daan kasama ang Mama niya siguro iyon. Mukhang may hinahanap siya.
Kinausap ako saglit ni Kuya Brix kaya nang tignan ko siya ay papasok na siya sa sasakyan at nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya bago pa siya nakapasok sa kotse nila. Damn, she's so attractive. I can't blame myself to fall inlove with her. Alam kong kasalanan ito sa girlfriend pero pinipigilan ko naman, kaso at the end of the day, naattract ako sa babaeng hindi ko man lang alam kung ano ang pangalan.
Ilang araw ang lumipas at bumalik na ako sa pag aaral. Hindi ko na ulit nakita iyong babae. Sino ba siya para hanapin ko, hindi ba? May girlfriend ako, dapat sa kanya ako mag focus. Kahit sobrang labo na namin ni Jannah, ayoko pa rin siyang iwan. Gustong gusto ko nang maalis sa isipan ko 'yung babae para hindi na ako nakaka gawa ng kasalanan kay Jannah.
BINABASA MO ANG
Maybe in a Parallel Universe
Teen FictionIn life, there's a person who will come and will let you feel the best. Like what happened to Adrielle, she felt the love and happiness that she's dreaming for her whole life because she met Billy. Happiness has a boundary. You can never be always h...