Poetry: 10

18 2 0
                                    

"LUMAYO"

Ikaw at ako sa upuan,
Masayang pinagmamasdan ang liwanag ng buwan
Subalit, sa likod ng iyong mapupungay na mga mata, 
Nagkukubli ang lungkot' kawalan ng sigla.

Marahan mo akong nilapitan,
Hinawakan ang aking mukha't hinalikan
Sabay ngiti at hinagkan,
Hawak-kamay hanggang sumapit ang umagahan.

Ika'y kumalas at tumayo
Ngumiti habang dahan-dahang lumalayo,
Luha ko'y hindi mapigil sa pagtulo,
"Paalam" huli mong sambit at ika'y tuluyan nang naglaho.

Poetries CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon