prologue

2 1 0
                                    

Sarang- it is the feeling of wanting to be with someone until death

nakita ko iyon habang nag-iiscroll sa
Facebook, Kanino ko kaya ito mararamdaman?

Naghihintay din ako na mapuno itong jeep na sinasakyan ko dahil pupunta ako kina Unice

Gusto ko kasi na manood ng horror movie at ibigay sa kanya ang regalo ko dahil birthday niya.

"usog nga miss!" utos sa 'kin ng isang lalaki, pasigaw pa!

palihim ko siya inirapan at umusog na. Gosh! kailan ba mapupuno ang jeep na ito! naiinip na 'ko!

nag-iscroll na lang uli ako sa Facebook. bored na bored na ako at ang init pa!

Medyo um-okay na ang pakiramdam ko nang magsimulang umandar ang jeep. Medyo hindi ako komportable sa upuan ko dahil sa lalaking nag-utos sa 'kin, kanina pa siya tingin ng tingin sa 'kin! naiilang na 'ko.

lumalayo na 'ko sa kanya dahil dini-dikit niya ang kaniyang kamay niya sa legs ko! kahit nakapants ako! nakita ko ang mukha ng isa kong katabi medyo naiirita na siya sa 'kin dahil sumisik-sik ako sa kanya. Help me!

Nagdasal lang ako nang nagdasal. huhu gusto ko nang makapunta kina Unice! Help me Lord.

Nagulat ako nang nakita ko na may sumapak sa lalaki.

"Gago kaba? ang bastos mo ah!" sabi ni... hays I saw him again.

Hindi ko na pinansin ang mga sumunod na nangyari at agad na nagpara.

Anong... what?...

Nakita ko na naman siya, pinigilan ko ang mga luhang pabagsak na. Nagsimuka na akong naglakad, malayo-layo pa pala kina Unice.

Nagulat ako ng biglang may humawak sa braso ko, nang makita ko kung sino ang humawak ay inagaw ko iyon.

"Puwede ba, 'wag mo akong sundan!" pasigaw na sabi ko sa kanya ngunit hindi ito nakinig

"Estella!"

"Ano ba Kyst! 'Wag mo nga akong sundan!"

Tuwing nakikita ko si Kyst ay bumabalik lahat... lahat ng saya, pain, 'yong mga memories namin na magkasama. Tuluyan nang tumulo ang luha ko

"Gusto kitang makausap"

"Ano naman ang pag-uusapan natin? ha?"

" 'yong-"

"Kung paano mo ako linoko?! Pucha! kitang-kita ko kung ano 'yong ginawa niyo! kaya wala ka ng dapat i-explain pa!"

aalis na 'ko ngunit naramdaman ko ang kaniyang mga braso sa aking bewang. Buti na lang at walang gaanong tao rito. Narinig ko ang pag-hikbi niya

"Sorry"

"Sorry.. Sorry" sarkastikong sabi ko "anong magagawa ng sorry mo?" dagdag ko

tatlong taon na rin ang nakakalipas ngunit ramdam ko parin ang sakit.

Tinaggal ko ang mga braso niya sa aking bewang

"'Diba sabi ko kalimutan na lang natin ang isa't isa?" sabi ko sa kanya at umalis na

______________________________________

Hi, I just want to say na hindi ako experienced na writer and kung may mga grammatical errors ay sorry na po:)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Feel Sarang with youWhere stories live. Discover now