UL - Chapter 6

23 4 0
                                    

Malapit na ang pagtatapos ko sa kolehiyo ngunit hindi ko pa napapasagot si Anie. Hindi ko man alam kung ano iniisip ngayon ni Anie pero kumpyansa akong mapapasagot ko siya bago ako makagraduate at umalis na sa College. Nag-aalala lang ako dahil hindi ko na makikita at makakasama pa si Anie kung hindi ko pa siya mapapasagot. Habang lunch break namin at requirements na lang sa graduation ginagawa namin nila Avee at Aldrin, nakita ko si Anie nakatambay lang at walang kasama. Nilapitan ko siya, kinamusta at nagkwentuhan.

"Hi bhest, kumusta?", tanong niya sa akin.

"Mabuti naman ako bhest, ginagawa na lang namin mga requirements ng graduation", sagot ko.

"Good luck bhestcoh", wika ni Anie. Habang nag-uusap kami ni Anie, naisingit ko sa kanya ang panliligaw ko.

"Bhest, maggagraduate na ako di mo pa ako sinasagot, hehe", sabay dila ko sa kanya.

"Basta bhest. Surprise na lang", mahilig kasi sa surprise ang best friend ko. She never failed to surprise me. Ewan ko ba, napagaling niya magsurprise habang ako hindi ko magawa yun sa kanya, maybe matututunan ko rin soon.

Habang wala kaming ginagawa nila Avee at ng barkada, tumatambay kami sa may tindahan na may x-box. Lagi kong kalaro si Avee ng NBA, palagi akong panalo sa kanya. Ang sampong laro namin, dalawang beses lang siya nanalo. Nandadaya daw ako dahil lagi siyang talo. Hindi niya alam naglalaro din ako sa PC ng NBA kaya halos kakilala ko lahat ng player ng version ng nilalaro namin. Ganito ginagawa namin bago kami kumain ng pananghalian kapag wala kaming klase. Minsan habang naninigarilyo mga kasama ko, niyaya ako nung isang kaklase ko.

"Oliver, hits ka oh", yaya ng kaklase ko.

"Gusto mo pasuin ko na lang bibig mo?", masungit kong sagot.

"Huwag pare, respeto lang. Hindi yan naninigarilyo", sambit ni Avee sa kaklase ko.

Laking tuwa ko sa pagrespeto sa akin ni Avee. Buti pa siya kahit naninigarilyo, ni minsan hindi niya ako niyaya at kahit yayain nya ako, hiinding hindi ako papayag. Mas gusto kong kasama si Avee dahil marespeto na siya, magaling pa magpatawa. Kapag absent nga si Avee, iba araw ko, hindi kasing saya kapag yung ibang kaklase ko kasama ko. Naging close friend ko din sila Bernadette at Jean dahil naging kaklase ulit namin sila, sa English. Kasama nila Trish at Dianne.

Si Trish, kasintahan ng pamangkin ko sa mother side. Naging close ko siya dahil sa kanya. Si Dianne naman, may anak na pero iniwan sila ng nakabuntis sa kanya. Naging kaibigan ko lang ito dahil naging studyante siya ng kuya ko sa pinasukan niyang High School. Marami din akong naging kaibigan sa dalawang taon ko dito sa kolehiyo. Tulad na rin si kuya Mel, taga sa amin din. Nakikita ko siya dati pero hindi kami ganun kaclose. Naging kaibigan ko siya dahil naging kaklase ko ng summer class. BS Information Technology si kuya Mel, galing siya Baguio at nagtransfer lang dito sa College. Tawa lang ng tawa si kuya Mel kaya maganda rin siyang kasama.

Marami akong hindi makakalimutan sa school na ito. Mas lalo na mga tawanan, bullyhan ng bawat isa, pagtutulungan naming mga kaklase sa panahong nahihirapan kami, sa mga assignments at projects na rush, mas lalo na mga kuya namin na si kuya Fred at Tomas na wala nang ginawa sa klase kundi ang patawanin kaming lahat, sila rin pasimuno minsan ng mga pagtakas namin sa mga prof namin kapag late na pumasok. Tinutupad lang namin ang rule ng school na kapag wala pa ang prof ng 15 minutes ay pwede nang umalis.

Sa awa ng diyos sabay-sabay din kaming naggraduate, pero iba sa amin maiiwan pa. Tulad na lang ni Vin at Marlon, si Vin hindi naipasa ang Filipino niya dahil sa hindi niya inasikasong incomplete grade. Si Vin, naging studyante dn ng kuya ko nung High School. Si Marlon, hindi naipasa ang isang subject namin sa dami ng absents niya. Basta sa akin, mamimiss ko silang lahat at sana hindi nila ako makalimutan kapag nagkikita-kita kami sa daan.

Undying LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon