CHAPTER 16

95 6 0
                                    


[Althea's POV]



"Congratulations Thea and Juris" Binigyan kami nang tag isang bouquet of flowers ni Jae after nang graduation ceremony namin. Andito rin ang parents ko while si Juris ay himala andito ang parehong magulang while buhat buhat ni Tito yung little brother ni Juris.



"Thank you Jae" Parehong sabi namin ni Jae nang tanggapin namin yung bouquet. Nag aya yung parents ni Juris kumain sa isang malapit na restaurant dito kaya agad din kami pumayag. Parang di sila yung kinekwento ni Juris na away nang away lagi pero buti na lang they gave this day for their daughter.



"So anong balak niyong kunin na course this college?" Tanong saamin nang Mother ni Juris.



"Accountancy po ang kukunin namin" Tumango tango yung mother niya at mukhang payag naman siya sa gusto ni Juris.



"So saan niyo balak mag aral?" Tanong naman nung papa ni Juris saamin.



"Sa totoo lang po di pa ko ako sigurado kung saan eh. Balak ko po kasi kumuha po nang Scholarship ulit." Paliwanag ko saka sila tumingin sa anak nila na parang bored na bored nang kumakain.



"Wherever she goes dun ako" Bored na sabi niya at kumain ulit nang kinakain niyang pagkain.



After namin kumain ay nag paalam na yung magulang nila juris at si Juris na uuwi na at kami naman ay ihahatid na lang ni Jae papunta sa bahay namin. Ayoko sana pumayag at mag jejeep na lang kami pero nag insist na lang siya.



"Salamat sa pag hatid saamin iho" Sabi ni papa kay Jae at tumango lang ito. "Pumasok ka muna para uminom"



"Ayos lang po Tito. Uuwi na rin po ako dahil mag lilinis pa po ako nang Unit" Sabi niya kaya pumayag na lang si Papa. Tumingin ito saakin "Aalis na ako. See you"



"Babye! Thank you dito" Pakita ko sa bouquet na hawak ko "Ingat ka"



"Salamat" Saka siya sumakay sa loob nang kotse niya at bumusina bago lumarga paalis.



"Saan mo balak mag aral anak? May kaunti naman kaming ipon nang mama mo at mapapaaral ka naman namin sa gusto mong unibersidad" Panimula ni Papa habang andito kami sa sala namin.



"Di niyo naman po kailangan gumastos Pa. Hahanap po ako nang school na pwede akong bigyan nang scholarship" Paliwanag ko. Di ko alam pero gusto ko na ituloy yung pag aaral ko sa EWU dahil alam ko naman bago ko nakilala si Liam ay pangarap ko na talaga makapasok dun.

Once Again with you [Dark Ace Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon