Hi bunso Heart_mo as promised. Eto na yung dedication mo. :)♥
Haylabyooo! :">
--------------------------------------
Chapter 5
After our exhausting subjects napagpasyahan namin ni Kagami na mag-unwind muna sa snack house. But unfortunately si Luke di na sumama. Kaming dalawa lang din dito sa snack house at yung tindera ay umalis din. Kaya we have our own privacy to talk. Napagpasyahan ko na ding itanong sa kanya kung ano yung flick book na sinasabi nya.
"Girl.." Sabay naming banggit.
"Mauna ka na. Ano bang sasabihin mo?" sabi nya sa akin.
"Hinde. Mauna ka na." pag-iinsist ko.
"O sige. Uhhmm nakakagutom no? Kain tayong heavy food. Labas na tayo dito sa snack house. Puro snacks lang dito e. Don't worry I'll treat you." sabi pa nya.
"Ehh? Wag na dito na lang tayo kasi wala din tayong maupuan."
"Mauupuan? Eh wala namang katao-tao oh. Lahat ng upuan bakante. Panung walang mauupuan?"
"Ahh eh kasi nung isang araw e wala akong maupuan nung kakain na ako buti na lang at tinawag ako ni Courtney. Kaya nakaupo ako at nakakain."
"Ahh.Wala kang dapat ipag-alala ngayon. Wala namang tao e."
Pumunta na kami sa canteen at nagorder ng pagkain. Inorderan nya ako ng pagkaing kagaya din sa pagkain nya. Nakakahiyang tanggapin pero pinilit nyang pakainin ako. Nang matapos kaming umorder umupo na kami sa isa sa mga table.
Habang nasa kasarapan ng kuwetuhan. Naalala kong naman itanong kung ano yung Flickbook.
"Girl, may itatanong pala ako."
"Ano yun?"
"Pag-usapan sana natin yung about sa naputol nating usapan nung nakaraang araw."
"Ano nga?"
"Yung about sa Flickbook."
"Oh bakit anong meron dun?" napalunok nyang sabi.
"Ano yung Flickbook."
"Medyo mahirap ipaliwanag pero sige ipapaliwanag ko sayo. Basta you'll promise me na walang makakalabas about dito sa ipapaliwanag ko. Promise?"
"Okay then. Promise."
Huminga ng malalim si Kagami at nagpaliwanag.
"Okay, makinig ka. Ang Flickbook ay listahan ng mga taong objective sirain ng mga DG's. Or paglaruan. Kapag objective ka nilang paglaruan, they'll know everything and anything about you. Kahit mga kinatatago mong baho malalaman din nila by using their power." anu daw? Power? Huh?
"Panong power?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Power. Kapangyarihan. They over-power men here in school."
"In what way?"
"In a wild way. Ahahaha." Natatawa pa nyang sabi. Di ko na tinanung kung ano yung wild way na yun. Kaya naman. Itinuloy ko na lang ang pagkain.
"Hmm! Sarap talaga nitong Chopsuey!" sabi pa nya na nakangiti.
"Owo na nge. Nyihihihi" sabi ko habang ngumunguya. Maya maya may naglakad at tinapik ng malakas ang lamesa namin. Dahilan ito para mapatigil kami sa pagkain.
"How dare you to sit on our seats! Sino ba kayo para umupo sa pwesto namin?" pasigaw na sabi ng babaeng tomboyin. Napatayo ako at sinagot sya.
"At sino ka naman para sawayin kami! Oo pwesto nyo nga! Pero di nyo pag-aari! FYI school property to! Di property ng kagaya mong mukhang unggoy!" nagagalit kong sabi sa kanya. Kahit ako nagulat din sa mga salitang lumabas na lang ng kusa sa bibig ko.
"Anong sinabi mo? Babaeng mahirap?!" Aaaktuhan na nya ako ng sampal. "Ang ka..."
"Itigil mo yan!" pinigilan ni Luke ang kamay ng tomboy na dapat sasampal sa akin. "Your fight is so pointless, your fighting over a seat? Ano ba naman. Tol! Be a man! Adore girls!" sabi ni Luke my love. At natigilan ng husto ang grupo ng mga lesbian sa ginawa ni Luke. He leave them speechless. Kinuha ni Luke ang bag ko, at hinawakan ang braso ko. "Tara na Megan, Kagami." hinila nya ako at sumunod na si Kagami.
Habang naglalakad kami. Hindi pa rin binibitawan ni Luke ang braso ko. (^__^)v I feel butterflies in my stomach! ♥ Kami ni Kagami ay nanatiling tahimik hanggang nagsalita si Luke.
"Naku Luke, salamat sa ginawa mong pagtatanggol sa amin. Ano na lang kaya ang mangyayari sa amin kung wala ka?" nakangiting sabi ni Kagami.
"Ikaw Megan, wag ka basta bastang lumaban ng wala ako. Di mo pa alam kung gaano kasasama ang karamihan ng mga estudyante dito. Pano kung wala ako huh? Wala na napaaway na kayo? At mas hihilingin mo na lang na malipat ng ibang school dahil di mo na kaya?" natulala naman ako sa sinabi ni Luke, at halatang nagagalit sya sa mga nangyari kanina. ^___^ Mukhang nag-aalala sya para sa akin. Naku naman. ♥
"E-e ano e. Alangan magpaapi ako? Gusto mo bang magpaapi na lang ako at insultuhin ng kagaya nila? Hello? Di naman ako pumasok sa school na to para insultuhin ng mga kagaya nila. Okay lang sana kung sila ang nagpapalamon at nagpapabusog sa akin. E hindi! Di naman ako papayag na alipustahin nila yung inalagaan ng husto ng magulang ko. At saka mahal ko masyado ang sarili ko para magpaapi sa kanila." sagot ko.
"Kahit na. Hay nako. Kapag gaganyan ganyan ka! Di talaga kita pwedeng iwanan nyan!" Uwaaaaa. T^T
"Edi lagi na lang ako magiging ganito." pabulong kong sabi.
"Anong sinasabi mo dyan? nagtatakang tanong ni Luke. Uwaaaahh! T^T Muntik na! Muntik na naman akong mapahiya sa inpirasyon ko!
*Courtney's POV*
"See that sissy? She is not a friend! She's an enemy, look oh Luke's holding her hand pa. Nako sissy parang wala ka nang laban sa kanya." sabi naman ni Lauren.
"Stop inventing her. You might regret it." sabi naman ni Heather.
Nagpupuyos ang galit ko sa nakita ko. Masakit at gusto ko na sugurin ang tatlong yun. Pero di ko magawa.
"You two! Shut up! My plan is my plan! Don't interfere with it!" nagulat naman sila.
-------------------------------------------
Ano daw? Weeh? Di nga? (^___^) Joke lang peace! ♥ One Piece! ♥
Waahahahaha.
Hmmm. Sorry napakalame ng UD ko ha? Walang laman utak ko ngayon e. >___<
Next time. Gagandahan ko na. Promise. I love all of you! ♥
Kindly click VOTE. Leave a COMMENT. And be TBGCAB's FAN! ♥
Love,
MissDropDead. ♥

BINABASA MO ANG
The Bitches Game called "Agawan Boyfriend" (On-Going Series) HIATUS
Fiksi RemajaFor whom will you still trust yourself? Makikilala mo pa ba ang taong mapagkakatiwalaan at sa hindi dapat pagkatiwalaan? Magtitiwala ka pa ba sa taong niloko ka? Dahil sa sinaktan at pinaglaruan nyo ako. Oras na para ibalik lahat ng nawala. At oras...