Kabanata 39

777 63 5
                                    

Labis ang galit na nararamdaman ni Rowena dahil hindi niya nakikita si Gabrielle. Alam niyang tinataguan siya nito at iyun nagpapakulo sa dugo niya. Sumabay pa ang pagkasabik niya sa dugo ng tao dahil ilang araw ng hindi nagpapakita sa kanya si Ansel pagkatapos ng gabi na inangkin siya nito ay hindi pa nagpapakita sa kanya ito.

She's so thirsty now. Kailangan na muli niyang makatikim ng dugo.

Dugo mula sa isang tao.

Dugo.

Napasinghap si Rowena ng may malanghap siyang target na siyang magpapatikim muli sa kanya ng mainit na dugo. Mula sa kinatatayuan niya sa ituktok ng lumang gusali ay natanaw niya ang isang bulto ng babae na mag-isang naglalakad sa isang madilim na kalsada.

May isang matagumpay na ngiti ang gumapang sa mga labi ni Rowena. Minantyagan muna niya ang babae. Maswerte siya  dahil walang sinuman iba ang nasa paligid kaya hindi siya mahihirapan na biktimahin ito.

Nang makakita siya ng pagkakataon mabilis pa sa hangin na hinayon niya ang kinaroroonan ng babae. That woman has a good smell. Nakakaengganyo ang amoy na nagmumula rito kaya mas lalo siya nasasabik na matikman ang dugo nito.

Napapikit ng mga mata si Rowena ng mas nalanghap sa malapitan ang amoy mula sa babae. Lumitaw ang dalawang pangil sa pagitan ng mga labi niya.

Hindi na niya aaksayahin pa ang oras dahil uhaw na uhaw na siya sa dugo. Sisiguruduhin niya na masasaid niya ang lahat ng dugo nito.

Mabilis na sinugod niya ang kinaroroonan ng babae pero gayun na lamang ang pagkabigla niya ng alisto na umilag ito sa kanya. Napaangil siya.

Muli niya ito sinugod pero natigilan siya ng may kung anong mainit na bagay ang bumaon sa bandang balikat niya. Nanlalaki ang mga mata ng makita ang bagay na hawak ng babae na nakatutok sa kanya.

"Subukan mong lumapit kung ayaw mong mamatay,bampira!"buong tapang nitong sabi at nakatutok pa rin ang hawak nito sa kanya.

Muli siyang humakbang pero muli may bumaon sa kanya. Noon lamang niya sinulyapan ang parte na tinamaan mula sa hawak ng babae. May umaagos na dugo roon.

Kung sa akala nito na mamatay siya sa tama ng baril puwes nagkakamali ito!

Isang ngisi ang gumuhit sa mga labi niya.

Ngunit bago pa man niyang magtangka na sugurin ito bigla na lamang siya nakaramdam ng panghihina.

Hindi...

Sinapo niya ang bandang balikat niya kung saan una siyang tinamaan. Patuloy pa rin sa pag-agos ang dugo roon. Hindi siya nangangamba na umagos ang dugo mula roon dahil kusa naman iyun maghihilom pero...ngayon lamang niya natanto na dapat ay naghihilom na yun.

Marahil dala iyun ng hindi agad niya paghanap ng mabibiktima. Sa sobrang pag-iisip niya sa lalaking iyun nakaligtaan na niya ang sarili.

Napasinghap siya ng bigla na lamang siya napaluhod. Tila may kung anong bagay na gumagapang sa bawat himaymay ng mga ugat niya kaya siya nanghihina.

Nanlalaki ang mga mata na tiningala niya ang babae. Nanlisik ang mga mata niya ng makita na nakangisi ang babae sa kanya.

"Alam ko na may nabubuhay na isang tulad mo at ikaw ang unang bampira na mamatay sa kamay ko,"mariin nitong sabi. Sa bawat salita nito ay mahihimigan ang lalim ng galit nito sa isang tulad niya.

Hindi maaari na maisahan siya ng isang tao!

Inipon niya ang lakas na meron siya upang tumayo mula sa pagkakaluhod pero muli lamang siya napaluhod. Unti-unti nanlalabo na ang mga mata  niya. Namamanhid.

Wala siyang maramdaman!

Hindi!

Hindi maaari!

Muli niya pinilit ang sarili na itayo ang sarili pero tilang papel na ang pakiramdam niya kung kaya naman bumagsak na siya sa maduming kalsada.

Umangil siya. Galit na galit siya ginawa ng babae.

"Gusto ko maramdaman ng isang tulad mo ang ginawa niyo sa aking kapatid..na unti-unti namamatay,"blanko at malamig nitong saad saka ito tumalikod at mabilis na nawala sa nanlalabo niyang paningin.

Hindi!

Ang mahahaba niyang kuko ay kumahid sa sementadong kalsada dahil sa kakaibang pakiramdam.

Hindi..Ansel!

Sinisigaw ng isip niya ang pangalan iyun na siyang tangi lamang makakatulong sa kanya.

Hindi siya maaari mamatay sa ganito!

Hindi isang tao ang makakapatay sa kanya!

Sa oras na mabawi niya ang lakas. Sisiguruduhin niya na hahanapin niya ang babae at sisiguruduhin niya na mamatay ito sa kamay niya!

"Ansel!!!"

She feel so numb.

Hindi niya tiyak kung ano ang bagay na nilagay ng babaeng iyun sa balang iyun!

"Ansel..."nanghihina na niyang saad.

Kailangan matanggal ang dalawang bala iyun na bumaon sa kanya!

Hindi!

"Ansel!!!"

Bago pa man tuluyan sakupin ng kadiliman ang kanyang kamalayan nakita niya ang pagdating ni Ansel.

"Rowena!"

Pilit na nilalabanan ang kadiliman. "H-hindi a-ako maaaring m-mamatay.."anas niya.

"Huwag ka na magsalita!"singhal sa kanya ni Ansel.

May nais pa siyang sabihin ngunit wala na siya maramdaman. Tila ba hinigop ng kung anong bagay na nakabaon sa katawan niya ang kanyang lakas. Ang kakayahan niya na maging isang malakas na bampira na nagmula sa isang kilala at tinitingala ng lahat mapabampira man o hindi!

Si Gabrielle. Iisa lang ang hangad niya. Ang mahalin din siya nito. Ang makasama ito ng walang hanggan. Gagawin niya ang lahat na makasama ito. Walang sinuman ang makakapigil sa kanya kahit na ang bampira iyun na umaagaw kay Gabrielle sa kanya!

Kailangan niyang makabawi ng lakas at kapag nakabawi na siyang muli. Wala sinuman ang makakahadlang sa kanya na kunin si Gabrielle mula sa babaeng bampira iyun at isusunod niya ang taong iyun na dahilan kung bakit nanghihina siya ngayon.

Sisiguruduhin niya na mabubura ito sa mundong ito. Wala sinuman ang maaari manakit sa isang tulad niya na isang prinsesa na ituring ng kanyang pamilya ang ng kanyang mga kalahi. Si Amir na siyang sinasamba nito.

Tila wala ng buhay ang katawan ni Rowena ng makabalik ito sa totoong tahanan nito.

Puno ng galit ang ama nito ng makita ang kalagayan ng nag-iisang anàk.

"Patayin kung sinuman ay may gawa nito sa aking anak!"puno ng galit na saad ng ama ni Rowena.

Naikuyom ng mariin ang mga palad ni Amir habang nakatitig sa tilang wala ng buhay na dalaga na nakahimlay sa malapad nitong kama.

"Kailangan magbayad ang sinuman ang may gawa nito sa aking anak! Ang Gabrielle na yun! Siya ang dahilan kung bakit nangyari ito kay Rowena!"puno ng galit na saad pa rin ng ama ng dalaga.

"Ansel!"

Agad na humarap sa nanggagalit na lalaki.

"Gusto ko dalhin mo ang Gabrielle na iyun sa harapan ko patay man o buhay..siguruduhin mo rin na pati ang pamilya niya ay mamatay! Kulang ang buhay nila sa nangyari sa aking anak!"puno ng poot nitong utos kay Ansel.

"Siguruduhin mo rin na mauubos mo ang mga bampira na humahadlang satin!"dagdag nito na kaagad na sinunod ni Ansel.

Magsisimula na ang totoong laban ngayon nakahimlay ang dalaga na wala man lang siya nagawa at sisiguruduhin niya na magbabayad ang mga ito sa kanya lalo na ang Gabrielle na iyun na siyang puno't-dulo kung bakit humantong sa ganitong kalagayan ang dalaga.

Nanlilisik ang mga mata ni Ansel na tinungo niya ang lugar kung saan titipunin niya ang kanyang mga mahuhusay na tauhan na siyang tutulong sa pagpuksa sa mga bampirang iyun!

Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon