"OO NGA PALA, HINDI NAMAN PALA TAYO.."
Sabi nga ni Bob Ong:
Wag ka masyado mag expect.
Wala kayong commitment.
Pwede ka magselos, pwede ka magtampo pero hindi ka pwedeng magalit.
Pwedeng makipag-date sa iba pero di na magpapaalam.
Pwede mo siyang lambingin, pwedeng yakapin at pag nalaman mong may bf/gf na siya, pwede ka umiyak.
Pwede ka masaktan pero hindi mo siya pwedeng sumbatan. Dahil wala kang karapatan. Dahil ang M.U. ay isang "MAGULONG USAPAN".
Isang sentence lang naman ang makakapag-explain nito eh.
"PARANG KAYO, PERO HINDI."
Pero dahil maarte ako at madaming alam, pahahabain ko 'to x))
Isang magulong usapan talaga ang Mutual Understanding na yan na mas kilala bilang M.U. Pero sa iba't ibang ibigsabihin, nandyan ang mga:
Malanding Ugnayan
Masayang Ugnayan
Malibog na Ugnayan
Malapit ng Umamin
Madaling Usapan
o sa mga jologs diyan, ang MU daw Mukhang Unggoy. :)
M.U.: sikat na term para sa "parang mag-on" na walang commitment.
Ang gulo pakinggan no?
Oo talagang magulo, hindi lang sa pandinig.
Basta ganun yun, parang kayo pero wala kayong karapatan sa isa't isa, pwede magselos, bawal magalit. TSK.
Tinatawag rin itong PSEUDO-Relationship.
Ginagawa nyo ang mga ginagawa ng mga mag-on pero wala naman talaga kayong commitment.
Nandito ang mga MORE THAN FRIENDS LESS THAN LOVERS.
Pwedeng hindi nyo aminin na mahal nyo ang isa't isa pero nadadala naman ng kilos ninyo ang mga nararamdaman nyo.
Pwedeng walang ligawan, hindi mag-on pero sa kilos at sa mga sinasabi nyo, iba eh.
Magulo talaga to, ang masaklap, hindi mo alam kung saan at ano ang lugar mo sa buhay nya.
Sabi nga nga nila, okay 'to sa mga taong ayaw ng commitment at talo dito ang taong gusto ng commitment.