-Krystal-
"Nurse Krystal, pinapatawag po kayo ni Doc Davis sa office niya" napangisi kaagad ako dahil sa sinabi ng isang nurse sa 'kin. Nginitian ko lang siya at walang sabi sabing naglakad na papunta sa office ni Dean.
Kumatok muna ako bago ko binuksan ng bahagya ang pintuan para sumilip.
"Come in" seryosong sabi ni Dean. Nadatnan ko siyang nakaupo sa swiveling chair niya at seryosong nakatingin sa isang folder. Hindi man lang ako tinignan.
Kaagad akong sinalubong ng malamig na hangin dahil sa aircon pagkapasok ko. Dahan dahan kong sinara ang pinto para hindi siya maabala at tinignan siya.
Hindi niya pa rin ako pinapansin kaya naisipan ko nang magsalita. Hindi naman pwedeng pinatawag niya ako dahil gusto niya lang maramdaman ang presensya ko.
"Doc, pinapatawag niyo raw po ako?" kumunot ang noo niya kaya natawa ako. Syempre, kailangan talaga magalang ako hindi biro ang posisyon niya rito.
"Why are you using 'po'? I'm your husband, not your sugar daddy" he rolled his eyes that made me burst out of laughing.
"Bakit mo nga ako pinatawag?" pinagkrus ko ang kamay ko sa dibdib ko at lumapit sakanya. Kunwari ayaw kong pinapatawag niya 'ko pero gusto ko talaga.
Sinenyasan niya ako na lumapit sa upuan niya kaya humakbang ako papalapit. Iniikot niya ang swiveling chair niya paharap sa 'kin at pinatong ang siko sa lamesa.
Pinagtaasan ko siya ng kilay nang iabot niya ang kamay niya sa 'kin pero kinuha ko pa rin 'yon. Hinila niya ako dahilan ng pagkaupo ko sa binti niya at nginisian kaagad ako.
"Hindi ka naman clingy nyan no?" sarkastikong tanong ko pero mas lalo niya lang akong nginisian.
Nawalang bisa ang lamig na dala ng aircon nang simulan niya akong halikan sa leeg. Napaka harot talaga.
"Don't use your position to flirt" pagsesermon ko sakanya pero hindi niya pa rin ako tinigilan.
Nanlaki ang mata ko nung may kumatok sa pintuan. Tatayo na sana ako dahil sa taranta ngunit hindi ako hinayaan ni Dean at pinaikot ang kamay niya sa bewang ko. Baka akala anong ginagawa namin dito!
"Come in" mas lalo akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya?
Napalunok ako nung may pumasok na dalawang babae at bakas ang pagkagulat sa mga mata nila.
"Take a seat" Dean gestured his hand and pointed the chair in front of us. Mukhang naiinis pa sa 'kin yung isang babae.
Pinaglalaruan ko lang ang wedding ring ko dahil nabagot ako sa pag-uusap nila. Seryosong nakikinig si Dean doon sa babaeng nagsasalita at may ineexplain.
"Nahihirapan po kasing-" hindi natuloy ng babae ang sinasabi niya at napalunok nang halikan ni Dean ang leeg ko at pinatong ang baba sa balikat ko.
"Continue" he urged the woman to continue what she's saying. Natigilan muna ang babae bago nagpatuloy magsalita, nauutal pa at mukhang gulat sa nakita.
"Doc, girlfriend niyo po ba?" Tanong nung isang babae sakanya habang abala siyang sumusulat ng reseta. Inalis niya ang tingin sa ginagawa at inangat ang tingin sa babae bago binaling sa 'kin. He licked his lower lip before answering.