Habang mahimbing akong natutulog may nararamdaman akong nanguuga sakin, epal naman natutulog eh.
"Ano ba natutulog yung tao oh!" sabi ko sabay hampas dun sa kamay nang nang uuga sakin habang nakapikit din.
It's really annoying right? Ansarap sarap ng tulog mo tas gigising ka.
"Hoy babae 7:30 na ah tapos nakahiga pa dyan" sabi ni Chin, sya pala yung istorbo sa tulog ko.
Bumaling naman ako sa kabila dahil antok na antok pa din. "Ano namn tutulog e" bigla ko namang naramdaman na may bumatok sakin."Anong ano naman may klase ngayon ah! Malalate ka na!" sigaw nya.
"Bakasyon pa ah... bakas-- anooo?! 7:30?! OMG tabi gagayak na ako! Tabi dyan! Bat di mo ako ginising!" reklamo ko habang nagmamadaling gumayak. Nawala sa isip ko may pasok nga pala.
"Luka ka ba kanina pa kita ginigising eh! Bilisan mo dyan mauuna na kami sayo!" sabi nya na di ko naman na pinansin.
"By the way ililista kita sa mga kakanta ha! Byeee!" patuloy nya pero hindi ko ganong naintindihan kaya nag sige nalang ako.
"Asan naba yung towel?!" hanap ako ng hanap hindi ko makita.
Wala naman akong balat sa pwet pero bakit ang malas ko?!
"Ayun! Nakakainis na twalya ito oh!" Napailing nalang ako pati tuloy twalya nasisisi ko na.
Pagtapos kong maligo ng mabilis nakita kong 7:45 na sa relo. Sigurado akong malapit na akong malate kaya hindi na ako kumain. Sinarado ko na din yung bahay and then saka nagabang ng masasakyan, kamalas malasan nga lang na walang tricycle, badtrip.
Inis na inis naman akong nagpapapadyak dito sa tapat ng bahay dahil 5 minutes nalang late na ako.
"Badtrip naman pati ba naman tricycle wala?! Ano ito pinagkakaisahan akong malate?!" naiinis na talaga ako kaya tumakbo nalang ako papuntang school kahit medyo malayo kaysa naman mag sayang ng oras kakahintay sa wala.
Ilang minuto na akong lakad takbo pero wala pa din talagang masasakyan kaya tumigil na ako sa sobrang pagod, 5 minutes naman na akong late kaya bakit pa ako magpapakapagod diba? Eh pagdating ko naman sa school late at late pa din naman ako kaya para saan pa yung pagtakbo ko pinapagod ko lang sarili ko.
Nang nasa school na ako nakakapagtaka na madami pa ding students sa labas eh 15 minutes na akong late kaya dapat nagkaklase na.
"Manong Guard bakit madami pa pong student sa labas?" nagtatakang tanong ko, andami kasing pagala galang students eh.
"Ah alas onse pa kasi magsisimula ang klase dahil may event daw" sabi nung Guard, pagkatapos nun nagpasalamat naman ako sabay alis.
Habang lumilinga linga sa paligid meron akong nakikitang babae na kumakanta sa stage tapos sa harap non merong mga teacher na parang nagjujudge , ay ewan ko ba. Madami ding mga students na nanonood, mukhang malapit na matapos yung mga kumakanta kasi dalawa nalang ang mukhang naka pila.
"Ok thank you Miss Sia ... ang susunod naman ay si Miss Elyris Camerin ng grade 10 department, kindly go at the stage please" sabi nung teacher sa harapan.
Elyris daw name wow may kapangalan pala ako dito tapos Camerin din yung sunod na name ... ano wait?!
"Elyris Camerin ng Grade
10?! What di naman ako sumali ah?!" bakit ako tinawag?! I don't remember that I write my name for that!
YOU ARE READING
Chasing Dreams (Domery Series #1) (On-Going)
Novela JuvenilElyris Camerin Domery is a 16 year old girl. She's living with her cousins and have a supportive family. But after that accident, she wants to fulfill someone's dream just to end the guilt she's bearing for many years. But what if she needs to choo...