Cyrus’ POV
Hindi ko pa rin makalimutan yung mga sinabi sa akin ni Sab kahapon. Ano nga kayang gagawin ko kapag nalaman kong may boyfriend na siya? Hindi ko din kasi alam. Parang okay lang sa akin na hindi. Okay lang kasi kaligayahan niya yun. Pero hindi ko alam kung bakit parang may sumisigaw na HINDI daw dapat. Ayoko namang maging selfish kaya sinabi ko na okay lang.
Ang hindi pa makapag-panatag sa isip ko ngayon ay yung nangyari kagabi. May naramdaman kasi akong kakaiba. Hindi naman sa hindi ako sanay humalik. Eh may Nadine nga ako di ba? Basta parang kinabahan ako na ewan. Pinagpawisan nga yung kamay ko. Hindi ko din ma-explain. Aaaarrrrgggh. Nakakainis naman. Wag mo ng isipin kasi yung mga ganyang bagay. Nadine. Nadine. Sabine. *sigh*
Ano ba talagang nagustuhan ko kay Nadine? May nagpapadala kasi sa akin ng letter nung grade 6 kami. Crush ko na talaga si Nadine dati pa. Ang ganda niya kasi saka mabait pa. Tapos nalaman ko na siya pala yung nagpapadala ng letter kaya mas lalo akong nahulog sa kanya. Hindi ko na inalam kung siya ba talaga. Sabi niya na siya kaya naniwala naman ako. Hindi naman siguro siya magsisinungaling sa akin.
Si Sabine naman best friend ko. Hanggang doon lang. I can't imagine myself falling for her. Baka layuan niya kasi ako kapag nalaman niya. Kaya kung mahalin ko man siya ay itatago ko na lang. Amp. Bakit ko ba iniisip ang mga ganitong bagay. May Nadine na nga ako.
"Hey hon." Speaking of the angel.
"Hey" Tapos kiniss niya ako sa cheeks. Syempre may hiya pa rin kami. Kaya dapat sa cheeks lang.
"Sorry talaga kahapon. May emergency kasi"
"I understand. Shall we go" Tapos inoffer ko sa kanya yung kamay ko.
Nandito kami ngayon sa ATC. Manunuod kasi kami ng sine. Hindi daw kasi natuloy yung date namin kahapon. Sabi niya nga isama daw namin si Sab. Eh ayaw ko. Sabi ko sosolohin ko muna siya. Kinilig naman siya. Hahaha. Ayoko kasi hindi pa akong ready na makita si Sab. Pagkatapos ng nangyari kagabi ay wala pa ako sa katinuan para makita siya.
"Hon. CR lang ako."
"Samahan na kita"
"Sira ka talaga!" Sabay hampas sa balikat ko.
Ang tagal naman niyang mag-CR kaya sinundan ko na siya. Pero hindi naman ako pumasok nandoon lang ako sa labas ng pintuan. Tapos narinig ko siya na may kausap sa phone niya.
"Babe, don't do this to me. You know that I really love you." Babe? Sino ba ang kausap niya? Wala naman akong hawak na phone. Hindi ko din siya kausap. Is she cheating on me?
"What did I do to desrve this?"
"Henry! Babe! Yes. I'll go there. Wait for me okay?"
Umalis na ako kaagad. Baka kasi malaman niya na naririnig ko yung pag-uusap nila nung gag*ng Harry na yun. Sino ba yun? Pucha. Wag ko lang malamanlaman na schoolmate namin yun. Gag* talaga! Kinalma ko yung sarili ko. Kailangan magmukha akong natural. Hindi pa ako ready na mawala si Nadine sa akin.
"Hon. Cyrus, I need to go. May sakit kasi Mom ko." Tapos nag-smile siya. Siguro napaghandaan niya na ang sasabihin niya sa akin sa CR. Hindi man lang siya nautal. Walang bahid ng kaba sa mukha niya. Kahit guilt wala.
"I understand" Lagi naman..."Pakisabi kay Tita pagaling siya ah." Tapos tumango siya. Bago siya tuluyang umalis. Hinawakan ko yung kamay niya,
"I Love You" Tapos nag-smile siya at ini-squeeze yung kamay ko.
"I Love You too" Tapos nagbitaw na kami. Yun lang naman ang gusto kong marinig. Kahit niloloko niya pa ako. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Mahal na mahal ko talaga siya. Kaya kahit ilang beses pa niya siguro akong lokohin. Siya lang talaga at wala ng iba.
Na-confirm ko na din ang feelings ko. Si Nadine talaga ang mahal ko. Salamat din sa nalaman ko. Nalaman ko kung gaano kamahal si Nadine. Noong mga oras na yun nakalimutan ko yung nangyari kahapon.
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Подростковая литератураNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?