CHAPTER 2

2.9K 154 12
                                    

Chapter 2

KAHARAP ko ngayon ang malaking gate. Kita ko mula rito ang malaking mansion nila. Mayaman pala ang lalaking ito. Hindi halata sa suot niyang napakasimple lang, suot mahirap.

"Halika na." Hinila niya ako papasok sa gate na iyon. Pinagbuksan at yumuko sa kanya ang mga guwardia doon. Ang gara ah.

Lalo akong namangha sa lugar na ito. May  isang bulaklak na fountain sa gitna na pinalilibutan ng man-made pond na may iba't ibang makukulay na isda na masayang lumalangoy. Ngayon ko palang nakita ang ganitong kulay at uri ng isda. Napakaganda nilang tingnan.

Sa west side naman ng lugar na ito ay nakamamangha rin. Mayroong mga plum blossom at cherry blossom doon na maayos na nakahilera sa bawat hanay. Mga kakaibang bulaklak na pinalilibutan ng mga nagkukulayang mga paru-paru. They are so adorable to watch. This is so magical and amazing!

Sa east side naman ng lugar na ito ay ang mga kwadra ng mga kabayong may pakpak na kulay ginto, pilak, at puti. Sa likod nito ay ang taniman ng prutas at gulay.

"Wow! I want to stay here forever! It's so beautiful!" I exclaimed. I wander my sight to compliment the beauty of this place.

Narinig kong tumawa ang katabi ko na kanina pa pala akong pinapanood. Nakahihiya naman.

"Binibini, maari ba kitang tanungin. Anong mga salita ang sinambit mo? Bago lamang sa akin ang mga salitang iyan ngunit kay ganda pakinggan."

"Ah iyon ba? Gawa-gawa ko lamang na mga salitang iyon. Ako lang ang nakakaalam n'on." I said. Ayokong sabihing English language 'yon dahil alam kong magtatanong na naman siya. Baka mabisto pa ako nito at baka masabi ko pang hindi ako tagarito. Baka ipakatay ako nito.

"Maari mo ba akong turuan no'n?"

"Oo naman kapag may libre akong oras."

Pumasok na kami sa loob. Ang ganda ng motif ng interior ng bahay nila, ginto at puti, at brown ang dominant colors doon. Pagpasok mo palang bubungad na agad sa iyo ang malawak na bulwagan at mahabang hagdan papuntang second floor. Huminto kami sa isang kulang brown na pinto.

"Binibini, ito ang magiging kwarto mo.  Kung may kailangan ka puntahan mo lamang ako soon sa kabilang bahagi. Hanapin mo na lamang  ang kulay itim na pinto."

"Maraming salamat talaga.. Teka, ano pangalan mo?" Tanong ko.

"Ako si Eros." Inilagay niya ang kanang kamay niya sa kaliwang dibdib at yumuko ng kaunti. Ganito pala ang pagbati sa kanila.

"Ako naman si Natasha." sabi ko. Aba, malay ko sa pangalan ng may-ari nitong katawan kung anong pangalan niya.

Inilahad ko ang kamay ko sa harap niya. I want to teach him many things about my world.

Tiningnan niya lamang iyon na tila hindi alam kung anong gagawin. Kinuha ko ang kamay niya at inilapat sa palad ko.

"Ang tawag dito ay 'shake hands' tayo lang sa ngayon ang nakaaalam nito." Sabi ko at nginitian siya. Ngumiti din siya sa akin.

"Sige na. Aayusin ko pa mga gamit ko. Salamat ulit, Eros." Sabi ko at sinarhan na siya ng pinto. Hayst. My life will be hard. I need to practice and train this body first baka kasi masangkot na naman ako sa habulan or worst sa rambulan. Edi patay ako no'n, ang hina pa naman ng katawan na ito.

Maganda ang kwartong ito. Sakto lang din naman ang laki. Kulay abo ang kulay sa loob. May malambot na kama, tatlong sofa,at wardrobe.

Nakakapagod ang araw na ito. First day ko palang sa mundong ito ang dami ng ganap na nangyari. Una, nagising ako sa panget na lugar. Pangalawa, hinabol ako ng mga papabols na tanod. Pangatlo, nakasagupa ko ang apat na mga hayop. Si manok, tigre, lion, at si pato. Pang-apat, nakipaghalikan ako sa estranghero. Panglima, napunta ako dito. What will happen next? Dinakip at kinatay ako? Ganern?

Sa pagiisip ko ng malalim at dahil na rin sa pagod ay nakatulog ako. Nagising na lamang ako dahil sa katok na nagmumula sa labas. Papungas-pungas akong bumangon at binuksan ang pintuan.

"What do you need?" I exclaimed habang nakapikit parin.

"Po?"

"Anong kailangan mo?"

"Pinapatawag po kayo ni Ginoong Eros. Kakain na raw po." Sabi nito.  Tumango lang ako at sinarhan siya ulit.

Matapos kong mag-ayos ay bumaba na ako. Nagkandaligaw-ligaw pa ako dahil ang dami ring pasikot-sikot sa lugar na ito.

"Ba't ngayon ka lang, binibining Natasha?" Kuryosong ani ni Eros. Inismiran ko lamang siya at inirapan.

"Kung sinundo mo ako sa kwarto ko at para hindi ako maligaw. Haler, I'm not Dora the Explorer na merong map." ani ko at umupo na. Narinig ko siya tumawa ng mahina. As if naiintindihan niya ang sinabi ko.

"Kakaiba ka talaga Natasha sa ibang babaeng nakilala ko."

"Enebe nemen eh. Ekew telege bebe Eres!" Sabi ko at inipit ang ligaw na buhok sa gilid ng tenga ko. Harot mo talaga, Natasha.

"Ano, binibini?"

"Wala. Kain ka na nga lang." Saad ko bago nagsimulang kumain.

In fairness, ang sasarap ng mga luto nila. Their delicacies are so exotic yet delicious. It's one of a kind experience I have.

"Eros, pwede ba akong magtanong?" saad ko. Nakahiga kami ngayon sa damuhan dito sa garden nila. Ang damit mga alitaptap.

"Oo naman."

"Anong pangalan ng mundo niyo-natin.?" Nagtataka man ay sinagot niya pa rin ako.

"Erypto."

"Ba't may mga kapangyarihan ang mga tao dito?"

"Kasi ang mundong 'to ay puno ng hiwaga. Simula pagkasilang meron na tayong abilidad. Teka ba't mo natanong?"

"Wala lang. Nakalimutan ko kasi." Kamot-ulo kong sagot. Wala akong maisip na alibi eh.

"Anong tawag sa mga naninirahan dito?"

"Tinatawag tayong Eryptians. Sa bawat bansa ng Erypto ay hari at reyna ang namamahala. Dito sa lugar natin. Ang tawag sa bansang ito ay Aresty. Pinamumunuan tayo ng mabagsik na haring Simon Aresty. Balita ko nga labing-isa ang anak ng haring iyon ngunit ang bunso nila ay kailanman  hindi ko pa siya nakita kasi pilit siyang itinatago sa karamihan. Nahahabag nga ako sa prinsesang iyon sapagkat ipinanganak siyang walang kapangyarihan. At itinuring siyang basura ng sariling pamilya." Mahabang saad niya.

Kita ko sa mga mata niya ang pagka-awa sa naturang prinsesa. Kaawa-awa nga ang prinsesang iyon. If I were her magpapakamatay nalang ako. Joke lang, of course ipapamukha ko talaga sa walang kwenta niyang pamilya na mali sila. Even if the heaven and earth go against my will.

"Anong pangalan ng Prinsesa?" Ewan ko ba kung bakit curious ako sa prinsesang iyon. I felt that I long knew her that we had a strong connection.

"Serine Xyrex Aresty ang pangalan niya." Tumango lamang ako sa sinabi niya. Hindi ko naman 'yon kilala eh.

Nagpaalam na ako sa kanya na matutulog na. Inaantok na ako eh. I'm tired.

Habang nagpapalit  ako ng pantulog, napansin ko ang tila pilat na nasa kanang balikat ko. Hugis pakpak ito. Sa pagitan ng dalawang pakpak merong isang hugis torch na bagay. Napapalibutan ang pakpak at torch ng tila vines na hugis. Maliit ito na kung hindi mo titingnan ng mabuti ay tila pilat lang ito galing sa sugat.

'What's the meaning of this?'
'Ahh baka miyembro ito ng organization kaya hinahabol siya. I mean ako pala.'

Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon dahil kung iisipin ko pa 'yon mababaliw lang ako. Wala akong alam sa mundong ito kaya mas makabubuting huwag ko nalang din alamin kung anong  ibig sabihin ng hugis na iyon.

REINCARNATED AS THE 11TH PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon