Chapter 6: Witness

7 0 0
                                    

Chapter 6:

Ilang araw ang lumipas at sa wakas ay naghilom na rin ang tungkol sa issue ko. Edi tuluyan nang namayapa ang buhay ko. May bagong issue na kasing pinagkaka-interes-an ang mga tao kaya gano'n.

Humingi na rin ng sorry sa akin ang mga kasamahan ko sa teatro kaya smooth na ang lahat. Wala na rin akong balita kay Glen matapos noong huli ko siyang makita sa labas ng campus. Isa pa, busy rin kaming lahat sa paparating na mid term.

Si Ms. Belendes naman ay naging closed professor ko. Mabait naman kasi siya kahit minsan may pagka-weirdo sa mga matalinhagang sinasabi.

Naglalakad ako ngayon sa hallway. Wala naman kasi akong klase kaya napag-isipan kong maglakad-lakad. Hindi naman masyadong mainit ang panahon, medyo malamig din ang hangin pero naka-jacket na itim pa rin ako.

At dahil gusto kong mapag-isa ay naisipan kong dumiretso sa isang mini-garden. May isang puno kasi roon kung saan pwedeng pagtambayan. Isa pa, iilan lang ang taong pumupunta sa lugar kasi—

"Damn it, Angel!"

Halos mapaigtad ako sa sobrang gulat nang marinig ang boses na iyon. Napahinto ako sa paglalakad at agad na hinanap ang pinanggalingan.

Pero agad nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ang pamilyar na lalaki sa aking unahan.

Si Glen!

May kasama siyang maputing babae na hanggang leeg ang kulot at krema na buhok. Pero napanganga ako nang bigla niyang hilain ang babae at isinandal ito sa puno. Inilapit niya ang kanyang mukha at saka pinagitnaan ng dalawang kamay ang babae.

Mula rito sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang nag-aalab na tingin ni Glen sa babaeng gulat at iyak naman ang mababakas. Pulang-pula ang buong mukha ni Glen at nagsisilabasan pa ang litid ng ugat sa katawan na tila galit na galit.

Ang babae naman ay umiiyak habang pilit inilalayo ang lalaki sa kanya.

"Please, Glen. Lumayo ka sa 'kin!" umiiyak na anas ng babae.

"No, Angel. You have to understand that you don't deserve him! He's an idiot! Niloloko ka na't lahat ay nagpapakatanga ka pa rin?"

"Because I love him, Glen! I love him so much!"

"But he doesn't love you! Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo?"

Sinampal ng babaeng si Angel ang pisngi ni Glen. Natigilan ang isa dahil doon. Pati ako ay napanganga sa nasaksihan.

What... the... heck?

Nanginginig na dinuro ni Angel si Glen. "W-Wala kang karapatang sabihin 'yan. M-Mahal niya ako. Get it? Mahal niya ako at mahal ko rin siya!"

"So what about me? What am I to you, Angel?"

Napatitig ako kay Glen dahil doon. Bakas sa kanyang mukha ang lungkot at sakit na hindi ko maintindihan habang matiim ang titig sa kausap.

Anak ka ng pusang pating. Anong nangyayari?

Lumingon ako kay Angel. Miski siya ay napatitig kay Glen at hindi ko mapangalanan ang emosyon sa kanyang namamagang mata.

Maya-maya pa ay nagsalita siya.

"W-Why are you like that, Glen? You are my friend so—"

"I am not your friend, Angel! I am your lover! I love you more than Haven could give you!"

Doon na ako napatakip ng bibig at saka napasinghap sa gulat dahil sa nalaman.

Dahil doon ay napalingon silang dalawa sa gawi ko. Agad namang nanlaki ang mga mata naming tatlo nang magkatinginan. Naitulak pa ni Angel si Glen bago ito muling tumingin sa akin na may gulat sa mukha. Maya-maya lang ay agad siyang kumaripas ng takbo palayo.

A Dare For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon