Chapter 11

1.9K 79 1
                                    

Chapter 11

What do you want to know?


Late ako nakatulog kagabi dahil nagkwentuhan pa kami ni Jasper sa rooftop. Past midnight na rin nang pumasok kami sa building. Nagkasundo kami na sa susunod na araw na parehas kami ng free time gagawin ang interview.



Kinabukasan ay mas lalong naging maugong sa University ang istoryang 'sekretong relasyon kuno' nina Jasper at Giselle. Bawat estudyante ay interesadong malaman ang totoong label ng dalawa.



"What the hell!"



Rinig kong bulalas ni Claire nang pumasok ako sa HQ ng org namin nang hapon ng araw na iyon. Kasama niya si Lester na kaniyang Vice na nakaupo sa couch ng HQ habang may kung anong binabasa sa kaniyang cellphone. Nagpatawag ulit kasi siya ng meeting para manghingi ng updates sa ginagawa naming mga interview.




Lumingon siya sa akin nang mapansin niyang dumating ako. Bumuga siya ng hangin at mukang kino-compose ang kaniyang sarili at saka ngumiti sa akin. Alanganin naman akong ngumiti saka dumiretso sa locker ko upang iwan duon ang ilang gamit ko.



"Ryu?"




Lumingon ako sa kaniya nang tawagin niya ako.



"Bakit?" Sinulyapan ko siya habang nagaayos ng gamit sa locker.



Lumingon siya kay Lester tapos ay sa akin ulit.



"Narinig mo na ba ang balita about kina Jasper at Giselle?" Tanong niya.



"Hmm. Bakit?" Tumango ako habang inaayos pa rin ang mga gamit ko. Nang maayos ko ang mga naroon ay isinara ko na rin iyon. Umupo ako sa isa sa mga upuan sa mahabang table namin.



"Uh, you know feeling ko wala naman silang relasyon right? What do you think?"




Bahagya akong natigilan sa kaniyang sinabi. Sumulyap ako sa kaniya. Naghihintay siya ng sagot mula sa akin nang may ngiti sa labi.




Alanganin akong ngumiti. "Uhm." I cleared my throat. "...I don't know. Baka meron?" Kibit balikat kong sagot sa kaniya.



Napansin kong nawala ang ngiti sa kaniyang labi at napalitan iyon ng parang disappointed.

The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon