Kabanata 42

774 73 8
                                    

Pagdadalamhati,poot at galit ang lumulukob kay Hessah habang nakatitig sa himlayan ng dating kaibigan na si Veronica. Hindi man ito nabigyan ng pagkakataon na magkausap muli sila alam niyang masaya ito na nagkita silang muli pagkatapos ng mahabang panahon. Hindi nga lang naging maganda ang naging huling oras nito sa mundo. Nangako siya noon sa kaibigan na poprotektahan niya ito mula sa mga kauri niya. Minsan na niya iniligtas ang buhay nito sa mga kalahi niya pero...hindi niya nagawa iyun ngayon. Hindi niya ito naprotektahan mula sa mga kauri niya na siyang nagdulot ng poot at galit niya sa mga bampira.

Sisiguruduhin niya na magbabayad sa kanya ang Amir na iyun sa pagkamatay ni Veronica at ng iba pa.

Mabilis na nakatakas si Amir kasama ang ibang natirang kasama nito ng dumating ang kaibigan si Amjad at ng mga tauhan nila upang tumulong sa pakikipaglaban sa mga ito.

Mariin niya naikuyom ang mga palad habang nakaluhod sa harapan ng puntod ni Veronica. Mismo sa likuran ng bahay nila inilibing ang katawan nito na siyang habilin sa kanya nito noong magkasama pa sila. Kung posible pa na magkasama pa sila sa huling hininga nito at tinupad naman niya iyun at hindi lamang niya matanggap na sa hindi magandang pangyayari na binawian ito ng buhay na siyang kinagagalit niya sa sarili.

"Hindi ako titigil hanggat hindi ko naiipaghiganti ang pagkamatay ni Veronica, "puno ng galit niyang usal ng maramdaman ang mga presensya sa likuran niya.

Nanatili siyang nakaluhod sa lupa.

"Huwag kang mag-alala,Boss...hindi ako titigil sa paghahunting sa kanila lalo na ang Ansel na yun,"anang ni Simon.

Unti-unti siyang tumayo at nilingon ang mga ito.

"Si Ansel ...kailangan ko siya mapatay,"mariin niyang sabi.

"Nawala sa kanya ang tracking device,Boss.."dismayado nitong sabi na kinakuyom ng mga palad niya.

Marahil natukoy nito ang tungkol sa device.

"Si Rowena?"malamig niyang saad.

"Bigla na lang nawala na parang bula,"agad na tugon ni Simon na mas lalo kinadismaya niya.

Hindi na sana pala niya hinayaan ang mga ito. Sigurado siya ang Rowena ang dahilan ng lahat ng ito lalo na ang sinabi ng Ansel na yun.

Na ang ama ng babaeng baliw na yun ang may utos na kunin si Gabrielle dahil sa kabaliwan nito nadamay ang walang kalaban-laban na si Veronica at ang mga dalawang kasambahay na siya din muntikan ng ikapahamak ng mag-inang Gabrielle at Geneva.

"Ano na ngayon ang balak mo sa mag-ina?"untag ng kaibigan si Amjad.

"Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Geneva ang mga nangyari,"may pangamba saad ni Derik.

"Geneva know about my existing,"baling niya kay Derik na kinatigil nito.

"Paano?"

"Kay Veronica..and this old picture,"aniya sabay tingin sa lumang larawan na hawak niya na kinuha niya na nasa bulsa ng jacket niya.

"So,si Gabrielle na lang pala ang problema, "anang ni Amjad.

Natigilan siya sa sinabi ng kaibigan.

Yes.

Si Gabrielle. Ito lamang ang hindi nakakaalam tungkol sa tulad nila.

It's about time para malaman ni Gabrielle ang lahat,bampira.

"Damn! I can't handle him,Guys! Baka naman pwede niyo ko tulungan ipaliwanag kay Gabrielle ang lahat ng ito pati na rin sa pagiging bampira ko,"pagsulpot ni Alex na kinalingon nila lahat rito.

Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon