Chapter 1: I saw him

68 0 0
                                    

Liana's POV

"Lian, ok ka lang? Tulala ka na naman?"

"Hoy! Lian!"

"Lian!!!!"

"H-ha? Ah... Ano nga ba yung sinasabi mo?"

"Ayan ka na naman eh! Tulala ka na naman! Siya na naman ba yung iniisip mo?!!"

"H-hindi ah!! Ano... Ano kasi... Ah.. Iniisip ko lang kung paano ko sasagutin yung assignment natin?"

"E bakit parang patanong?"

"Ahh... Ha. Ha. Ha. Wala eh... Trip ko lang :D"

"Tss... 'Jan ka na nga uwi na ako... Ang pangit mong kausap! Uwi na ako. Tigilan na pag d-day dream ah.. Mukha kang baliw"

Tapos umuwi na si Crystal pagkatapos 'nun... Narinig ko pa siyang nag paalam kay Mama...

Kainis!! Naalala ko na naman siya...

Tss... -,- bad trip talaga... Bakit ba ang hirap mag move on?

By the way I'm Liana Jane Sy. A 4th year high school. Broken hearted. Tsk.. Kainis no? Minsan na nga lang ako magmahal iniwanan pa.

"Jane,  bumili ka nga muna ng asin dun sa tindahan ni Aling Martha." sigaw ni Mama galing sa baba.

"Opo Ma. Teka lang po. Bihis lang ako"

Pagkatapos kung mag bihis lumakad na ako papunta sa tindahan. Malapit lang din naman sa bahay eh.

"Hello po Aling Martha!! " masayang bati ko sakanya. Hehe close kasi kami nyan eh.  Lagi kasi akong inuutusan ni Mama para bumili.

"oh hi Lian.  Anong bibilhin mo? "tanong niya saakin.

"isang asin po Aling Martha at pabili na rin po ng barnuts ='D" favorite ko yan eh.

"oh ito na Lian. " sabay abot saakin ni Aling Martha ng mga pinamili ko.

"Salamat Aling Martha!! " pamamaalam ko sakanya.

Ngunit ng naglalakad na ako pauwi sa bahay...

Nakita ko ang isang taong matagal ko ng gustong makalimutan ngunit di umaalis sa isipan ko. Andon lang siya sa harap ng bahay naka tingin sa itaas.  Doon mismo sa bintana ng kwarto ko.  Kaya bago pa niya ako makita.  Nag tago ako sa isang poste na malapit saakin.

Ano bang ginagawa niya sa harap ng bahay namin? At bakit siya nakatingin sa bintana ng kwarto ko? Yan ang tanong na naglalaro sa aking isipan.

Pagkalingun ko sa kanya.  Nakita ko na naglalakad na siya paalis. Hindi ko alam kong ano ang dapat kong maramdaman.  Hindi pa ako handa na makita siya ulit.

Nang nakaalis na siya ay pumasok na ako at binigay ko na kay mama yung pinabili niya at pumunta na ako agad sa kwarto at napahiga sa kama.

Grabe.  Ang laki na ng pinag bago niya.  Mas lalo siyang naging gwapo at pumuti pa siya lalo.  At mas tumangkad pa siya.

Arghh!!  Lian.  Ano ba yang pinag iisip mo?!!  Sinaktan ka nyan kaya tumigil ka na sa mga ilusyon mo!!  Move on ka na!!

Move on?  Paano ba mag move on?  Tulongan mo naman ako oh.

------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon