LIHAM NG PAMAMAALAM

33 1 0
                                    



Hindi ko alam kung paano magsisimula,
o kung saan magsisimula
Doon ba sa kung paano naging tayo,
o doon ba sa kung papaano natapos ang tayo

Mahal kita, hindi dahil kailangan kita
Kundi, mahal kita dahil tanggap mo ako at ako'y iyong pinapasaya
Hindi ko inakalang ako'y iyong magugustuhan,
dahil may angkin akong kabaliwan

Mga pagbati mo sa umaga, tanghali't gabi
ay ang dahilan ng kurba sa aking labi
Mga banat mong hindi naman nakakakilig
Ngunit, sa banat mo ako'y napapatili

Akala ko iyon ay panghabang-buhay na
ngunit hindi pala
Tapos na ang ating pag-iibigan
at wala ng dapat na ipaglaban

Maaari ka nang lumisan at mamahinga
Sapagkat, bakas sa mukha mo ang pagod at pagkasawa
At alam kong hindi na iyan pagmamahal kundi awa,
kaya't umalis ka na, ako'y nagmamakaawa

Salamat sa isang taon
Isang taon ng tawanan, kulitan, asaran
at syempre, hindi pagkakaintindihan
Lahat ng 'yon ay habang buhay kong pahahalagahan

Hayaan mo akong bitawan ang mga katagang "mahal kita"
At balang araw, sa muli nating pagkikita sana;
sana ay makayanan ko nang sabihin ng harap-harapan na,
na "minahal kita"
Mahal, malaya ka na

Masakit pero kinakailangan
Masakit ngunit ito lang ang tanging paraan
Hindi ko ito masabi sa'yo ng harap-harapan,
kaya't idinaan ko na lamang sa isang pyesang hindi naman kagandahan
Hindi kagandahan ngunit naglalaman ng mensahe at kahulugan

Ito, ito ang paraan ko ng pamamaalam
Ito ang laman ng aking liham
Laman nito kung paano tayo nagsimulang mag-ibigan,
laman rin nito kung paano natapos ang ating pag-iibigan
Pagmamahal at awa ay hindi pwedeng ipaghalo
Kaya mahal ko, maaari ka ng lumisan sa piling ko

Tuluyan nang natapos ang ating kwento
Kasabay ng pagtatapos nito,
ito ang pahimakas ko sa iyo

LIHAM NG PAMAMAALAM (UNSPOKEN POETRY)Where stories live. Discover now