It's our first day of school again. Our undas break is done already. Kaya no choice na ulit. Malapit na ang December kaya busy na rin ang lahat para sa mga kailangan gawin at mga requirements. Ang bilis ng panahon kung dati pa easy easy lang ngayon puro plates na ang gagawin! Masaya ako ngayon dahil sa mga nangyari kahapon at sa nga nakaraang araw.
Pumunta lang ako sa aming classroom at ito yung first subject namin para sa araw na ito. Umupo lang ako sa tabi ni Reina kami ay nasa likod nila Dwyane, Hannah at Joy sila ang nasa harapan namin. Palagi namin pinipili ang upuan na siguradong magkakatabi kami.Si Reina ay lalong naging maingay dahil kasama sila Hannah na nag babardagulan kapag laging nagkakasama. Hindi maiwasan ng mga gaga.
Nang dumating ang aming professor ay ang daming sinabi! wala ata akong naintindihan, e. Pero kailangan ko nang magsipag lalo na, na malapit na ang second semester.
Ang daming gagawin! kailangan ko na talaga mag manage ng time. At bibili ako mamaya ng iba pang art materials para sa plates ko. Mag papasama na lang ako sa España kay Dwyane o kay Reina basta baka may balak silang bumili, E'di sabay na kami!
Sigurado ako na magkakaubusan na naman ng mga kailangan na art materials at pila na naman ang aming aabutin kaya dapat mauna na kami mamaya pa lang pagkaawas. Sobrang abala ako sa buong mag hapon at hindi na rin kami nakapag usap. Lalabas lang kapag break and tuloy lang ulit sa mga gagawin.
Finally, natapos rin ang aming mga ginagawa. Satisfied naman ako sa pinasa kong plate. Nakakapagod ang mag hapon at sobrang sakit ng kamay ko dahil sa pag guguhit, kulay, at kung anu-ano pang design.
I just fixed my things and also inaayos ko din ang aking sarili dahil na haggard ata ako buong mag hapon. Napatingin ako kay Dwyane na naglilinis ng kanyang mga gamit at ganoon din sila Hannah at Joy. Samantalang itong katabi ko ay ganoon din ang ginagawa pero mukhang nagmamadali na.
"May pupuntahan kaba?" tanong ko kay Reina.
"Ah bakit? wala noh!" kinakabahan niyang sabi.
"Weh? Dinga?" muli kong tanong na may bahid na pang-aasar. Just like I'm accusing her of something.
She just giggled. "Share mo naman dyan! gaga ka sino yun ha?" I said again.
Inirapan niya ako sabay tawa. "Si Lucas" tipid niyang sabi.
Hinayaan ko na siyang mag madali mukhang may date pa. At mukhang inspired ang gaga kaya pala nakatapos na din ng plate nauna pa nga siyang natapos sa'kin, e. Maya maya ay nag pa alam na sa'kin si Reina.
Naiwan na lang kami dito nila Dwyane, Hannah at si Joy syempre kasama 'yung iba pa naming blockmates mga nag aayos na din ng gamit at ang iba pa nga ay umuwi na. Di kalaunan ay umingay na dahil uwian na. Nilagay ko lang ang aking bag sa likod ko at pumunta sa harapan.
Nag-tungo lang ako sa upuan nila Dwyane para sabihing tara na. Tumango lang din sila at umalis na kami pa labas. "Hey, guys pupunta kayo sa Joli's España?" tanong ko.
"Bibili ka rin ba?" Dwyane asked back.
"Oo, eh, samahan nyo na ako" sabay tawa ko.
"Ayun tamang tama let's go" he smiled.
"Uh guys, hindi ako makakasama ngayon sainyo" Hannah informed us.
I just nod at her, siguro may gagawin pa siya. Talaga namang hectic ang schedule namin ngayon, e. Kasama ko ngayon si Joy at Dwyane nag lalakad lang kami pa punta sa España.
Bandang huli ay tumakbo pa kami dahil sa pagmamadali kaya ng dumating kami ay panay ang tawa namin. "That was so funny" hingal na hingal na sabi ni Joy.
YOU ARE READING
Pathway to Success (Chasing Series #1)
RomanceCOMPLETED "Love is unforeseen. How can I reach the success when I'm no longer without you? I hope the said paths of our success and love will cross again" Note: No portrayer intended and please read at your own risk because my characters are flawed.