Chapter 2

156 8 0
                                    

Ilang araw ang pahinga ko dahil sa katatapos lang na concert. Salamat naman at napakasuccessful nito.

Sa loob ng dalawang araw na wala akong pasok ay naglinis ako ng condo ko. Sa mga araw din na yun, hindi mawala sa isip ko kung kamusta na si Dale.

Bukas kailangan kong pumasok na ulit dahil may pupuntahang interview ang Vista Band. Matapos kasi ang nangyaring pagladlad ni Dale at Belle ng relasyon nila ay maraming nagtatanong tungkol dito at nais na malaman ang buong detalye. Isang malaking tanong din sa akin kung paano nya ipapaliwanag na matapos nyang iannounce sa buong mundo ang relasyon nila ay saka naman aalis ng bansa si Belle.

Back to reality, my phone is ringing. Who is this kaya?

"Hello. Krizza speaking." mabilis na pagsagot ko sa tawag.

"Krizza? Asan si Louise?" nagtatakang tanong ni… Dale.

"Ay hehe, ako nga to Dale, eh S-sir Dale pala. Hehe," nahihiyang sagot ko. Hindi ko kasi akalaing sya ang makakausap ko, malimit kasi si Tristan ang tumatawag saken. Bakit ba kasi Krizza pa ginamit kong pangalan.

"Ah okay. So Louise, I need you here now. ASAP. I need you to run some errands. I hope you're available."

"Of course, yes Sir. I am always available for you Sir.… For the band, I mean," sabi ko naman.

"Okay, we'll wait you here," tumatawang sabi nya at tinapos na ang tawag.

"OH MY GOD, that's the first time I heard his voice over the phone. It is soo sweet and sexy. Waaaahh. I love you so much. Muah muah muah," I scream and kiss my phone because of too much excitement. Mukhang masaya na ulit sya.

Oh Good Lord bless me.

Nagmamadali akong tumakbo sa CR at naligo. I wear my skinny jeans and a maroon fly emirates blouse and my sneakers. I grab my bag at nagmamadaling lumabas sa condo ko at sumakay sa aking kotse.

Malapit lang naman ang condo na tinutuluyan ko sa condo nina Dale. Just a five minute ride na hindi nagmamadali. See. Kung nagmamadali ka, you can do it in 2 minutes. Eh syempre ayaw ko namang mahalata nila na excited ako kaya I'll make it 5. Hahahahha.

I parked the car, get my things at lumabas. I walk with confidence, went to the elevator and press their floor number.

Naghintay ako ng ilang sandali saka lumabas sa 5th floor. The right side is their units. Dales' unit is the last room.

I knock on the door and put a wide smile on my face, pero dahan dahan iyong napawi nang makita si Belle na syang nagbukas ng pinto para sa akin.

The excitement and joy suddenly disappear. That moment I knew okay na sila. Part of me was happy for them but at some point, nasasaktan ako.

Pilit kong ibinalik ang ngiti sa aking labi at pumasok na ako, nadatnan ko na andun silang lahat. Hindi lang pala ako ang pinapunta nya, kundi pati na din ang buong banda pero wala pa si Trevor, si Manager Gwen ay nandun din.

Umupo ako sa tabi ni Tristan dahil dun na lang may bakante. Ilang sandali pa ay dumating na din si Trevor at nagsimula na sila.

"Dale you need to tell them how did it happen. Magaling kayong magtago kasi 3 months na bago pa nila nalaman that you have a girlfriend," mahabang paliwanag ni Miss G.

"Do I need to tell them? I want it private. The reason why I never want the media to know about us is because there would be so many issues. Lalo na ngayon, Belle is going to study abroad. Baka mamaya makita lang nila akong kasamang iba or even Belle issue na agad. I don't want that to happen," sabi naman ni Dale. Si Belle naman nakatingin lang sa kanya at nakangiti na para bang kinikilig.

Ibig sabihin nagkaayos na sila ni Belle, nagkasundo na ulet sila. Good for them, sad for me. Huhuhu.

"Well you need to. Pwede mo namang piliin lang ang sasabihin sa kanila. You don't need to tell them everything exactly. It's up to you. Belle is with you naman."

"Kayong apat, you need to be there, they'll interview you regarding your last concert. And you Louise, make sure everything na gagamitin is okay," dugtong pa ni Miss G.

"Yes, Miss," tumatangong sagot ko.

Pagkatapos ng mga napag-usapan, nagsitayuan na kami at ako naman ay naghanda na ng mga gagamitin bukas para sa interview.

While preparing, Tristan came close to me and tell me, "Uy kita ko yun," mapagbirong sabi nya sa akin.

"Ang alin ba?" nagtatakang sagot ko naman.

"Yung mga ganung tingin Louise, alam ko yun. May gusto ka kay pinsan ano? Huy ipapaalala ko lang sayo, andyan yung girlfriend oh, hahahah," aba at ang lintik na to patawa tawa pa. Hindi ko na nga sya pinansin, kahit sunod pa sya ng sunod sa akin.

"Pero alam mo Louise, aalis na kasi si Belle, baka magkameron ka na ng pag-asa sa kanya. Malay naten," dire-diretsong sabi pa ni Tristan.

"Alam mo ang ingay ingay mo. Mamaya marinig ka nila. Nakakahiya no," namimilog ang matang sabi ko sa kanya. Sa lahat kasi si Tristan ang pinaka maingay. Siya din ang malimit kong makausap sa kanilang lima.

"Okay sige Louise, kunware naniniwala akong di mo sya gusto. Hahahaha."

"Ha ha ha, bahala ka sa buhay mo," nagmamadali naman akong pumunta sa kusina para uminom ng tubig kasi parang naubusan ako ng energy sa mga pinagsasabi ni Tristan.

Bumalik ako sa ginagawa ko at sila naman ay busy sa paglalaro at pag uusap. Nang matapos na ako ay nagpaalam na din ako. Ansakit kasi sa mata ng paglalampungan ng magnobyo dito. Argh. Baka mamaya mabatukan ko pa tong si Belle. Wahahaha. Makapagpaalam na at ng makaalis na.

"Ah miss, mga Sir, aalis na po ako, naihanda ko na ang mga kailangan bukas. Agahan ko na lang po din bukas." Nagpaalam nadin ako sa kanilang lahat.

Bumaba na ako dahil kailangan ko pang mamili ng groceries, wala na akong stocks sa bahay eh.

Sa usapan kanina nalaman kong pumayag si Dale sa long distance relationship. Gagawin nya yun para kay Belle. Ganun nya sya kamahal. Pero hindi ako susuko, darating ang araw mapapansin nya din ako.

Maghihintay ako, ngayon pa ba ako mawawalan ng pag asa, malapit lang kami sa isa't isa.

☆abby☆

His Sweet Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon