Determinado si Hessah na hanapin ang Ansel at ang baliw na Rowena iyun. Hindi siya titigil na hanapin ang mga ito na siyang dahilan kung bakit nadamay ang walang kalaban-laban na kaibigan si Veronica at ng dalawang kasambahay.
Hindi siya titigil hanggat hindi niya nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga ito.
Agad na iwinaksi niya ang biglang pagpasok ng imahe ng dating kasintahan. Ilang buwan na rin mula ng hindi na sila nagkita pa muli nito at ayon kay Simon ay nanatili nasa bulacan ang binata kasama ang ina nito. Hindi naman siya nangangamba dahil naroroon naman si Derik at nagtalaga si Simon ng magbabantay sa mga ito sakali man bumalik ang Amir na yun.
"Ma'am, pwede na po kayo pumasok sa loob,"pukaw sa kanya ng isang lalaki.
Agad na nasilayan niya ang isang lalaki na pakay niya sa gusali iyun. Hindi madali ang makipag-appointment rito. He's very well-known in Asia because of his agency like her,nagpoprotekta din ang ahensya na pag-aari nito sa mga inosenteng tao mula sa mga kauri nila.
Agad na tumayo ang lalaki at naglahad sa kanya ng palad. Ang maiitim nitong mga mata na mariin kung tumitig ay talaga naman nakakaintimidate. He's very handsome. Hindi sapat ang salita iyun para ilarawan ang angkin nito kaguwapuhan.
"Kinagagalak kita makilala,Ms.Eriz,"pakikipagkamay nito na agad naman niya tinanggap.
"Likewise,Mr.Halpert,"pakikipagkamay niya rito.
Mr.Aquilles Halpert,the owner of Triple A Security Agency.
"Anong maipaglilingkod ko sayo,Ms.Eriz,"anang nito sabay senyas na umupo siya sa visitor's chair na nasa harapan ng desk nito.
"Hessah na lang,masyadong pormal,"aniya na kinangisi nito na mas lalo nagpatingkad sa angkin kaguwapuhan nito.
"Alright,Hessah,anong maitutulong ko?"anito ng makaupo sa likod ng desk nito.
"Makikipagdeal sana ako sayo,Mr.Halpert,"aniya.
Tumaas ang isa nitong kilay. "What deal?"
"Pareho tayo ng misyon. Ang protektahan ang mga inosenteng tao mula sa mga sakim na bampira,"simula niya. "Kumpara sa agency ko. Mas malawak ang koneksyon mo. Kailangan ko ng tulong mula sa ahensya mo,Mr.Halpert."
Matiim ito nakatitig sa kanya habang humahaplos sa papatubong balbas nito ang daliri nito na tila iniisip na kung papayag ito sa hinihingi niyang tulong.
"Naghahanap ako ng hustisya sa pagkamatay ng isang kaibigan at may nadamay pa,"mariin niyang saad.
Tumango-tango ito. "Bukod sa justice may iba pang rason?"
Nakipagtitigan siya sa maiitim nitong mga mata. Tila ba tumititig siya sarili mga mata niya. Funny.
"For my love one,"pagsagot niya sa nais nitong malaman bukod roon.
Tama nga siya ng iniisip. Ang nasa harapan niya ngayon ang hindi mo maaaring banggain.
Ngumisi ito sa sinabi niya. May kislap ng amusement ang ngisi nito.
"Hindi kita tatanggihan. Tutulungan kita,"sagot nito na kinatuwa niya ng lubos.
"Is he a human or like us?"usisa nito.
Umiling siya na agad naman nito nakuha ang sagot sa sarili nitong katanungan.
"Well,goodluck. That's not easy. Alam ko ang nararamdaman mo ngayon. Iba talaga magbiro ang tadhana pero doon masusukat ang pagmamahal mo sa isang tao at ang pagmamahal niya para sayo,"anito at may kung ano kislap sa mga mata nito na tila may inaalala.
Marahil umibig din ito gaya niya.
"She's my wife now.."untag nito ng sagutin ang katanungan niyang iyun.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)
VampirosHEAT. Hessah Eriz,isa sa pinakatagumpay na business-woman sa mundo ng mga tao. She's one of a kind. Sa mata ng mga tao isa lang siya kahangang-hanga babae,kinaiinggitan at pinagnanasahan pero hindi alam ng lahat ang tunay niya pagkatao. She's a Vamp...