Hanggang Sa Huli (Sequel of Not in this Lifetime and A Trace of You - Parallel Universe Version)
[info: parallel universe means everything is in reverse]
Disclaimer: This story is purely fictional and imagination of the author.
----
I had a bad dream, i thought he married someone else. I keep on crying because i thought it was real but i'm happy it wasn't.
"Hey, Crying again?" sabi niya gamit ang malambing niyang boses na may tono ng pag-aalala. Tumango ako sa kanya ang mahigpit siyang niyakap.
"Don't cry please. I promise to myself that you won't cry anymore..." masuyo niyang inangat ang aking mukha at pinakatitigan, punong puno ng pagmamahal ang makikita mo rito.
"Mahal na mahal kita, Stell." sabi niya pa at hinalikan ako sa noo.
"Mahal na mahal din kita, Sejun." hinaplos ko ang kanyang mukha at hinalikan siya sa labi. Mahal na mahal ko 'tong lalaki na 'to. Sobra. Wala na kong mahihiling pa.
"Kain na tayo?" yaya niya sa akin habang dahan dahan akong inaalalayan pababa ng kama. Balak ko na sanang ayusin ang higaan namin ngunit pinigilan niya ko. "Hep-hep, Ako na po asawa ko." Pinagdiinan niya ang mga salitang 'asawa ko' hindi ko mapigilang kiligin sa sinabi niya. 'Asawa ko' ang sarap pakinggan.
Pagkatapos niyang ayusin ang aming higaan ay hinapit niya ko papalapit sa kanya at masuyong hinawakan ang aking bewang na parang nakayakap sa kanya at sabay kaming lumabas papuntang kusina.
"Upo ka, mahal ko." abot tengang ngiti na sabi niya sa akin at pinaghila ako ng upuan.
"Salamat." nakangiting sabi ko sa kanya.
Umupo ako sa hapag at nang magsasandok na sana ko ng pagkain ay pinigilan na naman niya ko at sinabing 'ako na ang maghahain' hindi niya talaga ko pinakilos at sinubuan pa ko. "Nganga, ayan na ang eroplano~." natatawang sambit niya habang inuumang ang kutsara sa bibig ko.
"Sejun naman, baby ba ko?" maktol ko sa kanya at isinubo ang pagkaing binigay niya. "Oo baby, Baby kita. Ayiee." pang iinis niya sakin.
Kahit simpleng hotdog at tocino lang ang kaya niyang lutuin at masarap ito dahil ginawa ng may pagmamahal.
Muntik ko namang maibuga ang pagkain dahil sa banat niya. "Ikaw din, Baby kita. Babygwasan kita mamaya." (Bibigwasan) Natawa naman siya sa sinabi ko at patuloy pa din sa pagsubo sakin ng pagkain.
"Ikaw hindi ka ba kakain?" tanong ko sa kanya.
"Makita lang kitang busog, ayos na ko." banat niyang muli. "Utot! Kumain kana din, Sejun." sinamaan ko siya ng tingin. Nagsimula naman siyang sumubo ng pagkain gamit ang kutsara ginamit niya sakin. Indirect kiss? Napangiti ako bigla.
"Oh? Nginingiti ngiti mo diyan?" Nagtaray bigla si Attechona. "Wala." tanggi ko. Sumimangot naman siya at humaba ang nguso. Inilapit ko ang aking silya sa tabi niya at hinalikan siya sa pisngi. "May naalala lang akong nakakatawa okay? 'Wag na tampo." kinurot ko pa siya sa pisngi ng mahina sabay hinalikan ito ng mabilis.
Nanlaki naman ang mata niya sa ginawa ko dahil madalas siya ang unang humahalik bago ako.
"Ayiee. Kilig si Attechona.." pang iinis ko sa kanya habang kinikiliti siya. Napuno ng tawa ang buong kusina kahit kaming dalawa lang naroon. I've never imagine that this day will come. I thought it was a dream. A happy dream.
I'm happy with him.
"Masaya ka ba?" tanong niya sakin habang tinititigan ako sa mata.
"Oo naman." malambing na tugon ko sa kanya.
YOU ARE READING
𝐇𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐇𝐮𝐥𝐢 - 𝐎𝐧𝐞 𝐒𝐡𝐨𝐭 [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]
Fanfiction[COMPLETED] Hanggang Sa Huli (Sequel of Not in this Lifetime and A Trace of You - Parallel Universe Version)