This is a work of fiction. Names, places, and anything here is fiction. Any resemblance to real people, places, events, and/or anything in this story, is pure coincidence.
Some photos are not mine, too. Credits to the owners.
You must read She (Girl's Love Series #1) [Completed] before this.
This story may contain spoilers.
Also, this version is unedited so there might be typographical and grammatical errors. Bear with those. Read at your own risk.
"Nakita mo si Yosh?"
Break time kasi ngayon at nasa tapat ako ng building. Nakaupo ako sa bench. Hindi pa ako kumakain dahil hinihintay ko si Yoshi, wala kasi akong kasabay papunta sa canteen. Baka sabihin niya, iniwan ko siya, e.
"Huh?" tanong ko ulit kahit narinig ko naman ang sinabi ni Kanao. "Ewan ko. Kasama ni Rei," sabi ko.
"Awit, lutang," sabi niya saka hinatak ako patayo. "Tara, hanapin natin si Yoshi. Sabay na tayo papunta sa canteen. Gutom lang 'yan."
Nagpahatak na lang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa canteen. Naroon na pala si Yoshi at ang ibang tropa. Umupo ako sa tabi ni Kanao.
"Anong bibilhin mo?" tanong ko kay Kanao nang tumayo siya at kumuha ng wallet mula sa bulsa niya.
"Pagkain?" patanong na sagot niya. "Nasobrahan ka ata sa pagka-lutang, ah?"
"Bobo, nakakapanibago kasi. Mukha kang hindi buraot," sabi ko saka tumayo rin para bumili ng pagkain.
Umakbay naman sa 'kin si Kanao. "Tara, bili na tayo. Libre mo 'ko, ah?"
Napailing ako. 'Yan tayo, e. Sana pala hindi ko na lang pinuna. Bwisit.
Nanlibre pa tuloy ako nang wala sa oras. Bumili lang ako ng bottled water at siomai rice dahil wala ako sa mood kumain. Isa pa, kung marami akong bibilhin, baka maubos naman ang pero ko. Nagpa-libre pa kasi 'tong Kanao na 'to.
"Caless, bilis-bilisan mo kaya maglakad? Tamlay na tamlay ka, e!" Hinila pa ako ni Kanao para mabilis akong makapaglakaad.
Nahirapan ako dahil ako ang may hawak ng tray na may laman na pagkain, iyong binili namin kanina. May mga tao pang sumasalubong sa 'kin.
"Hala, sorry!" Nanlaki ang mga mata ko nang makabunggo ako ng isang babae na naka-yellow na hoodie na payapang naglalakad malapit sa table namin. Natapon tuloy ang pagkain sa kaniya.
"It's okay. Don't worry. Naka-hoodie naman ako," sabi niya saka tinanggal ang hoodie niya. Buti naka-hoodie siya, hindi namantsahan ang uniform niya. "Sorry. Sayang na 'yong foods niyo."
"Okay lang 'yan. Liligpitin na lang namin. Sorry talaga," sabi ko. "Okay lang kung ako na lang magpapa-laundry niyang hoodie mo? Nag-guilty ako, e." Itinuro ko ang hoodie niya. Baka kasi hindi ako maka-tulog sa gabi kapag hindi ko iyon ginawa.
Ngumiti siya at iniabot sa 'kin ang hoodie niya. "If it'll help you sleep at night," nakangiting sabi niya.
"Babe!"
Napalingon ako sa isang lalaki. Ganoon din iyong babae kanina. Tumakbo siya papunta sa direksyon noong lalaki at niyakap ito. May sinabi siya saka tumingin sa akin. Ngumiti pa siya sa 'kin at kumaway. Tumango na lang ako.
"Ganda no'n, ah." Napatingin ako sa likod ko. Nandoon pa rin pala si Kanao. "Sayang pagkain. Bibili na nga lang ako ulit." Napailing siya saka naglakad palayo.
Hindi man lang ako tutulungan magligpit noon?! Bwisit talaga! Nakakasira ng araw, ah!
Buti tinulungan ako noong janitor. Napagaan ang gawain ko dahil si Kuyang janitor na 'yong nagwalis ng kalat sa sahig. Tinapon ko lang iyong mga lalagyan ng pagkain. Iyong tray ay ibinalik ko na lang.
YOU ARE READING
The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )
RandomCaless always look at love like a distraction. But who would have thought that one of the summer days, she fell? Yes, and sadly, badly, unluckily... She felt for someone she never thought she would. It was supposed to be a summer vacation. But inste...