Tatlong araw lamang ang lumipas ay pinahintulutan na si Pipe ng doktor na umuwi.
Yaong araw din na iyon, Hunyo 27, ay araw rin ng kanilang pagsusulit sa asignaturang General Math sa track na Humanities and Social Science o HUMSS.
Sa katayuang nangunguna siya sa klase, hindi niya nais na ipagpaliban ang pagdalo sa eskwelahan kahit pahinga niya pa ang isugal dito.
Sa bahay pa lamang ay pinipilit at sinusuway na ng magkakaibigan ang makulit na Pipe ngunit sa karuruk-rurukan, wala na din silang nagawa dahil nangako ito na matapos ang pagsusulit ay uuwi din ito at magpapahinga.
Pagsisimula ng Pagsusulit
Mapaghahalataang tuloy-tuloy at walang patid ang pagsagot ni Pipe sa kaniyang sagutang papel dahil nakatitiyak siya sa kaniyang mga itinititik at isinasagot sapagkat noong mga araw na wala siya sa paaralan at nagpapagaling sa ospital, ipinagyari siya ng kaniyang mga kaibigan ng notes na maari niyang pag-aralan sa oras ng kaniyang pagbabalik sa klase. Sa mabuti at kaaya-ayang pagkakataon, agad niya itong kinailangan para sa kanilang pagsusulit.
Sumasalungat naman ang lahat ng ito sa sitwasyon ni Ibe. Nilamon na siya ng kaniyang isipan hanggang umabot na ito sa puntong wala na siyang maintindihan ni katiting sa binabasa.
Nakakabasa ng tuwid ngunit hindi makaintindi ng mabilis. Sa madaling salita, mahina sa Reading Comprehension si Ibe. Hindi niya mawari kung bakit sa tuwing siya ay nagbabasa, may parating sumasabay sa kaniyang utak na mga kathang-salita na nagiging dahilan ng paglihis ng kaniyang konsentrasyon sa binabasa. Isang malaking pagsubok sa kaniya ang magbasa sa gitna ng nagsisitsitan at puno ng distraksyon na paligid.
Ngunit mas lalo pa siyang nabalisa sapagkat ginugulo pa rin siya ng kaniyang isipan dahil sa naging huling pagu-usap nila ni Pipe tatlong araw ang lumipas.
Tatlong araw mula sa kasalukuyan
"I'm sincerely sorry Pipe." maigting na nagtagpo ang mga mata, "I admit na plinano ko lahat ng pranks. But believe me, Pipe... wala sa intensiyon ko na masaktan ka." kumalas sa malagkit at madugdog na pagtitigan si Ibe at di kaginsa-ginsang yumuko at nagwikang... "Punish me!"
Nagulat ang lahat ng nasa silid dahil sa kabigla-biglang sinambit ni Ibe. Ang acting cool-like na mayabang noon, naging soft-hearted na mapagkumbaba ngayon.
Sa mga ikinikilos ni Ibe na mga ito, tila tuluyan na nga siyang nabago ng aksidenteng iyon.
"Call me desperate but please...forgive me." nakadayukdok pa rin ito at hinihintay ang tugon ng hindi makabulad na Pipe. "I'm willing to take all the punishments you will give just for you to accept my apologize!" walang patid na paghihimok ni Ibe
"Kiss me!" walang ano-anong binigkas ni Pipe habang matensyong nakatitig sa napatingalang si Ibe.
Napatirik ang mata ng BL fan na si Micah dulot ng matinding saya, napa "huh" naman ang reaksiyon ni Keith at tila nagsisimula ng kumulubot ang noo ni Yna dahil sa nadinig.
Malinaw at sigurado si Ibe sa kaniyang narinig na ang isang lalaki ay hinihingi ang kaniyang unang halik, Oo una, upang mapatawad siya sa kaniyang kasalanan na agarang mangyayari kung papayag siyang ipagdampi ang kanilang mga labi.
Gulong-gulo na siya sa mga oras na iyon at tila natutuliro na sa mga pangyayari. Hinayaan niya na lamang na pangunahan siya ng konsensiyang matagal na niyang pasan-pasan. Ipinagpalagay niya na lamang na kapag nagawa na niya ang parusa ay mawawatasan na rin ang konsensiyang dala-dala.
Utay-utay ng humakbang si Ibe papalit kay Pipe habang maapoy na nagtititigan. Itinungkod niya ang naka-kamaong kamay sa kama at patuloy na pinapahaba ang leeg. Napahinto siya isang sentimetro ang pagitan mula sa tuyong mga labi. Bago nagpatuloy ay kumagat labi ito at marahang isinara ang mga mata. Ang tensiyon ay patuloy na nagbabaga habang papalapit na ng papalapit ang nagseseremonyang mga labi.
Kalahating sentimetro...Nagdikit ang mga ilong...Ramdam na ang hininga ng isa't isa...Nangangapa na at tinutunton ang kabasaan ng labi.
Akma ng ibubuka ng marahuyo ni Ibe ang kaniyang labi nang biglang-
BINABASA MO ANG
I Need Your I Love You (BL Story)
RomancePipe Barbadensis, a freshy student of GMU who thought that his life would be better and had a certain, implicit and brighter future ahead if he entered this University. Unluckily, how wrong he was. His life was serenely peaceful not until Ibe Galde...